makarating sana ito sa unionbank
Wala akong ganang magpost ngayon dahil hanggang ngayon hindi pa din tinatanggap ni paypal ang eon card namin [namin kasi share-share], pero magpopost na din ako kahit wala akong gana para lang mairaos ko ang kabwisitan ko right at this very moment. Kakaiba no? Adik. Hindi ko talaga ma-isfel ang sarili ko.
Alam niyo ba yung nararamdaman ko ngayon? Gusto kong sugurin ang Unionbank sa bagal nilang mag-activate ng debit card. Tae! Kung pwede ko lang talaga silang pasabugin ng hindi napapagkamalang Abu Sayaff. Ewww.. Ayoko nga ma-compare sa kanila no, mas mukha naman akong nagpa-salon.
Ang saklap ng buhay. Kung kelan damang-dama mong may dolyares ka hindi mo makuha-kuha. Eto ba ang karmatsina ko noong past life ko? Ngayon ko inaani? Estapadora siguro ako noong past-life ko. Estapadorang kamukha ni Jessica Alba. Echos!
Nawawalan tuloy ako ng ganang gumawa ng kumikitang kabuhayan dito lalo na pag ganitong hindi ko mahawakan ang katas ng pinag-nosebleedan ko. Nakikita ko lang. Nakadisplay sa monitor na parang nang-aasar at nangbebelat. Parang mapapanawan ako ng ulirat. OA.
Try and try until I breakdown. Patience is a bread. Calm myself jojie. Calm myself.

diva. 80% babae - 20% bakla. echosera. mahadera. blue curlers. komikera. gandang walang maliw. chovarloo addict. chism person. world peace enthusiast. 1 3/4's na OA. stressed-out poreber. spontaneously sweet. walking disaster. mishaps princess. with golden heart. poreber inlabs. sorta-kinda-medyo feeling goddess. girl-next-window. reyna ng tralala.
tapsiboy
on April 8th, 2008
may eon card din ako, pero di ko pa kinukuha sa kanila.
anyways, i have a blogger friend, manager sya ng unionbank.
baka gusto mo kontakin… nasa blogroll ko sya, look for scarlett. ;-]
replytsina