repost again
Reposting time again! Tinatakasan ako ng idea lately, buti na lang may baul ako ng lumang post na sigurado namang hindi niyo pa nababasa dahil galing yun sa kalumaan kong friendster blog.
Oppppssss… Bago niyo basahin may I happy birthday muna ako sa dalawang blog celeb na nagcecelebrate/magcecelebrate ng birthday nila. Walang kinalaman sa kanila itong entry pero gusto ko silang gawan ng munting espasyo dito sa balaytsina kong walang hagdan.
HAPPY BIRTHDAY!!! WOOOTTTWOOOOOO!!!!
Ok back to regular posting.
November 14, 2005 WHAT’S IN A NAME??
recently i posted something on friendster bulletin asking all people in my friendslist [except my two sister] what is my real first name. curious lang kung ilan ang may alam at nakakaalala.
deadma ang drama nila [dapat pala ni-repost ko. nangulit?].pwera sa dalawang nilalang na nag-abala. si sheryl, a former HS classmate, she got it right. confident! kaya nag-reply haha! [salamat she at natatandaan mo pa]. at si krizabeth, my co-rusher who made a wild guess [jorgina daw! haha... mas bagay
sana sa'kin yun dahil bading ang dating] and she’s just curious kung ano nga.hindi ko naman in-expect na madami ang makakaalala. i am jojie to all: family, relatives, friends, acquaintances… kaya eversince it’s been weird hearing someone calling me by my real first name. when i die i’d rather prefer putting jojie sa lapida ko kasi mas dun ako kilala.
sama ko? parang lumalabas na hindi ko mahal ang pangalang ibinigay sa akin, pero hindi naman sa ganun siguro dala lang ng kunsumisyon mula pa noong bata pa ako. elementary days to college days e pangkaraniwan na yung i-correct ko ang teachers at classmates ko sa tamang spelling at pronounciation ng pangalan ko.
may nacu-cutan, may nahihirapan, merong naaaliw… and some find it unusual. pero hindi talaga nila nakasanayan na tawagin ako by my real name. it’s always been jojie, kung hindi man sa apelyido [you know how it was in school].
sa outside world ganun din. i’ve had four jobs at lahat halos ng tao nakilala at nakasalamuha ko ay sa jojie din ako kilala. hindi naman sa ipinagdidiinan ko ang nickname ko sa kanila, it’s just that people around me prefers to call me jojie. siguro mas madaling tandaan, mas maigsi at madaling bigkasin.
so anong point ko?! [tinarayan ang sarili? haha].
habang tumatagal kasi parang pa-extinct ng pa-extinct na sa pandinig ko ang real name ko. pag naririnig ko siya hindi ko mai-associate ang sarili ko. parang ibang tao. ewan ko ba! weird no…
i should love my name i know, bigay ng magulang ko yun e. maybe i should start giving meaning to it! like what? magtanim ng puno at pangalanan after me? name my first daughter after me? [parang junior? haha..] write a book? die a hero? [exag..] magtayo ng foundation at ipangalan after me? gamiting pangalan ng taxi at fx? ipagamit sa isang porn star ang pangalan ko? hahaha…
bakit ko ba pinoproblema ko ang bagay na’to? what’s in a name anyway? it is just a label. mas importante pa din yung mga bagay na nagawa, ginagawa, at gagawin mo in the future… it doesn’t matter kahit anong pangalan meron ka, kilala ka man dun o hindi.
ang pangalan nagkakaroon ng kahulugan dahil sa taong nagmamay-ari diba? naks! andeep!!
this shouldn’t bother me anymore… what do you think?
by the way, it’s…
MARJOLIE

diva. 80% babae - 20% bakla. echosera. mahadera. blue curlers. komikera. gandang walang maliw. chovarloo addict. chism person. world peace enthusiast. 1 3/4's na OA. stressed-out poreber. spontaneously sweet. walking disaster. mishaps princess. with golden heart. poreber inlabs. sorta-kinda-medyo feeling goddess. girl-next-window. reyna ng tralala.
rhapsody
on April 7th, 2008
uy di nga? marjolie ba real name mo? akala ko jojitah tlga ahahaha… parang angelinajolie ah.
replytsina