kwentong Enchanted, finally nagkwento din

So eto na ang Enchanted Kingdom kwento ko. Pero bago ang lahat, Happy Birthday ulit at thank you very much kay Diwa dahil if not for her wala sanang nangyaring Enchanted Chovarloo noong Linggo. Utang na labas namin nila Pusa at Malen ang kasiyahan naming noong Linggo kay Diwa, kahit na dapat siya yung nag-enjoy at hindi kami. Nakonsensiya kami? HINDI. Lol!

Ang unang plano ayon kay Malen is gimik somewhere ng Saturday night, since medyo ngarag ako ng araw na yun kaya hindi din ako makakasama, idagdag pa ang kakulangan ko ng budget. Oo na, nakaka-umay na. Sa totoo lang nakakahiya na din namang laging ganito. Teka hindi nga pala ang kadukhaan ko ang kinukwento ko. Ampft! Adik.

Dahil nagswimming sila ni Pusa sa balong malalim noong sabado kaya hindi natuloy at na-move nga ng linggo at hindi ko alam kung kanino sa dalawa galing ang idea na mag-Enchanted Kingdom, kung kanino man, manalo sana siya sa Lotto. lol!

Sa totoo lang, kung hindi lang malapit ang Enchanted Kingdom dito hindi talaga ako sasama, nungkang ipakulam na ako ni Malen dahil dagdag na naman ito sa lakad na hindi ko sinipot. Late bloomer kasi ako e, eeekk! Anong konek?! Pero dahil less than 30minutes away lang ito sa tahanang walang hagdan an tinutuluyan ko, go na’ko. Isa pa gusto ko din namang mag-Enchanted hindi ko lang pinahalata pero halata naman pala.

lateAng siste nito ako pa ang na-late. Nakakahiya diba? I hate being late pa naman. Sobra talaga akong nahiya kasi napaghintay ko sila ng 15minutes. Hindi ako umabot sa grace period na 10 minutes. Echos lang. First time pa naman kaming nagkita ni Pusang sowsi tapos ang makikita niya ay divang nagmamantika. Ang linsiyak kasi na tricycle pala na nasakyan ko ay ban sa todang Enchanted. Kaya sa malayo ako ibinaba, mega walkathon tuloy ang beauty kong oily ng mahigit 500 meters.

Inumpisahan na ng dalawa ang pagpipicture kahit na hindi pa’ko nakakabawi ng hininga, mga walang patawad. Buti na lang at mukha pa din akong diyosa kahit shining shimmering splendid ang fez ko at nandidila ang bilbil ko. Embarassment 101!

ek1 ek2 ek3

Nabawasan lang ang nadarama kong pighati ng matanaw ko ang Carousel. Wahahaha! Lumiwanag ang buong paligid dahil masasakyan ko na ulit ang mga sowsi na horsey. I lab carousel talaga. Equestrian yata ako nung past life ko. Charing.

ek4 ek5 ek6

Next ride ay ang Flying Fiesta na kung hindi lang dahil sa lab ko si Malen ay hindi mo ako mapapasakay. E hello… nakakatakot kaya siya tingnan, wit ko naman kasi type tumilapon sa may bandang Batangas no! Pero go pa din, pikit matang tinatanggap ko na lang ang kapalaran ko. After nung ride, naeng-engan ako sa sarili ko kasi ganun lang pala yun?! OA ko talaga. Ngayon feel ko na bumili nun at ilagay sa sala namin.

ek7 ek8 ek9

Pagtapos sa flying fiesta punta naman kami sa Rialto. Sponge Bob ang palabas na muntik na akong makatulog. Trulili, inantok talaga ako sa umuugang upuan, triny ko i-enjoy si Sponge Bob kasi sayang naman, pero wala talaga, buti na lang natapos na bago ako makatulog. Ansarap pala ng ganung upuan, parang modern rocking chair.

ek10 ek11

Napagdesisyunan naming mga magagandang bilat na umpisahan na ang handa ni Diwa, kaya pumunta na kami sa food court section ng Enchanted na may tumutugtog na bandang-hindi-ko-knows.

ek12 ek13 ek14

ek15 ek16 ek17

May isa akong realization nung gabing yun na magpapabago sa buhay ko, Best in Blowing pala ako! Pwede na akong magbenta ng lobo sa labas ng simbahan o di kaya sa Baywalk at Luneta.

ek18 ek19 ek20

Late na nung natapos namin ang aktibidades, kaya go go go na kami para namang makasakay pa sa ibang rides ng makita namin ang booth ng Pinoy Noggins. Hindi ko nga alam kung yun ang tawag dun. Yun yung nakikita ninyong video sa mestisa kong sidebar. Nakakaloka. Head dancing lang talaga ang mangyayari. Kung natuwa kayo sa video dapat lang kasi nahihiya pa kami diyan, lalo na ako. Salamat naman at naappreciate niyo yung effort. Lol!

15 minutes bago magclose ang Enchanted, nakasakay pa kami sa Ferries Wheel na bilog, kaya hindi na din masama na naka-apat na rides kami. Ok na yun kasi nag-enjoy naman talaga kami.

ek21 ek22 ek23

It was worth spending time with Malen and of course Pusa na officially ay cyber amiga ko na din. Napaka-warm and sincere kahit sowsi, gusto ko na nga sana siyang ampunin e. Echos!

Madalang ako makipag-EB dahil sa madaming limitado sa akin pwera lang ang kagandahan kaya I am haffy that I really enjoyed every minute of those EBs. Antarush ko talaga.

O siya at ako ay paos na. ;)

 

*Visit related entries:

Diwa’s Angels
Girls Just Wanna Have Fun In EK!!!

Bookmark and Share
diva. 80% babae - 20% bakla. echosera. mahadera. blue curlers. komikera. gandang walang maliw. chovarloo addict. chism person. world peace enthusiast. 1 3/4's na OA. stressed-out poreber. spontaneously sweet. walking disaster. mishaps princess. with golden heart. poreber inlabs. sorta-kinda-medyo feeling goddess. girl-next-window. reyna ng tralala. etc. etc. etc.



SOME KINDA-MEDYO KAPAREHONG POSTS-SLASH-ENTRIES

18 Comments

chuvanessNo Gravatar Unknow Unknow  on April 3rd, 2008



heheheh

lab eeet! san tayo next time? meron daw ulet sa May!! hahahaha..iba na ang lukaret noh andaming blessings hahahah…kaso nagmumukha tayong eng eng pero kiver!!! ahhahahaa

chuvaness’s last blog post..London Bridge is Falling Down

replytsina

menggayNo Gravatar Unknow Unknow  on April 3rd, 2008



wow!!!! mga ate ang gaganda nyo…

ang sarap tingnan ng cake yum yum heheheh!!!

naKooo nagutom ako….

ay sarap naman sumakay sa carousel….. hayyyy….

ateng bizness tayO ballons hehehehe

menggay’s last blog post..tagged! tagged!!:)ULit…..

replytsina

pusaNo Gravatar Unknow Unknow  on April 3rd, 2008



waahahahahhaha patok ang pagigiging best in BJ mo jojitah ka! LOL ansaya noh, kahit mukha tayong mga engeng! bwahahahaha

mare di naman masyado halata na feel mo ang sayaw dun sa ating video! LOL

pusa’s last blog post..diwa’s angels

replytsina

xienahgirlNo Gravatar Unknow Unknow  on April 3rd, 2008



oh wow
matagal na rin ako di nakapagEK

ang gaganda naman
ng nasa picture :)
nakakatibo
hahahaha

replytsina

JojitahNo Gravatar Unknow Unknow  on April 3rd, 2008



anong meron sa may? flores de mayo? hahahaha..

replytsina

JojitahNo Gravatar Unknow Unknow  on April 3rd, 2008



punta tayo mitch!!!! kumpilan natin ang bago mong selepono. lol!

replytsina

JojitahNo Gravatar Unknow Unknow  on April 3rd, 2008



pwede na siguro ako yumaman sa pagbi-BJ. lol! Naisahan niyo kong dalawa ni Malen, ako lang ang kumarir! andaya niyo….. hahahahaha..

replytsina

JojitahNo Gravatar Unknow Unknow  on April 3rd, 2008



anak ng! nahahawa ka na kay mia. hahahaha.. EK tayo xienah!

replytsina

misyelNo Gravatar Unknow Unknow  on April 3rd, 2008



ang ganda ng video niyo, pansin ko nga na talagang fineel mo ang kanta ni madona hehehe! oist, maski oily si ms curlers ang cutiepie pa din. saya ng adventures niyo sa EK kakainggit!

misyel’s last blog post..Aloha!

replytsina

ana_bananaNo Gravatar Unknow Unknow  on April 3rd, 2008



ang cute ng video nyo, ang saya sya!!! ilang buwan nyo ba nirehearse yan, perfromance level!!!

ana_banana’s last blog post..Medical ek.ek

replytsina

linglingbellsNo Gravatar Unknow Unknow  on April 4th, 2008



ngayon ko lang napanood yung video sa sidebar mo, hangkyut!!!!!! at kaw pa talaga yung nasa gitna! ang galing galing!

linglingbells’s last blog post..mochingling’s abs

replytsina

jenNo Gravatar Unknow Unknow  on April 4th, 2008



mare! ang gaganda nyo sa EK ha..at ang effort sa mga rides, di matatawaran…

miss ko na dn makifiesta ng lumilifad… :(…sana next time may kainan sa ere, para fiesta talaga dating! :)
makiki greet na din ako ng berry haffy berdey k DIWA..kahhit di pa kami magkakilala…sana paguwi ko extended and berdey mo! :)
mare…ang positive ng vibes…jackpot ako nakilala kita! naks…! anjan na ba ung langgam na pinadala ko? dapat kasabay sya sa ka sweetan ko!

muaaaaaks!

replytsina

reyna elenaNo Gravatar Unknow Unknow  on April 4th, 2008



hahaha! mag-co-comment sana ako nung nakita ko yong da vinci portrait mona lisa ek ek mo eto wala na akong ginawa tumawa hahaha ang gandaaaaa moooo!!! hahahaa

replytsina

JojitahNo Gravatar Unknow Unknow  on April 4th, 2008



sayang ang bayad no. hahahaha.. best in oily din ako e. LOL!

replytsina

JojitahNo Gravatar Unknow Unknow  on April 4th, 2008



ahm.. 2minutes lang. hahahaha!

replytsina

JojitahNo Gravatar Unknow Unknow  on April 4th, 2008



cute ba? lol! dapat pala naglagay ako donation box. hahahaha..

replytsina

JojitahNo Gravatar Unknow Unknow  on April 4th, 2008



lotto o ako? hahahaha.. anukaba.. wala yun. ;)
oi! enchanted tayo pag-uwi mo.. lapit na yun. yipppeeeeee!!!

replytsina

JojitahNo Gravatar Unknow Unknow  on April 4th, 2008



anuba! hahahaha! bait ni badoodles ginawan akong portrait na parang nagpa-salon. lol!

replytsina

Leave a Comment