Nagbabad ako sa friendster kagabi pa, napapansin ko kasing inaamag na ang friendster ko. Kawawa naman, nagka-blog lang ako para na akong nagmamaganda kung umasta. Charing!

Napansin kong hindi na masyadong masaya sa friendster ngayon, hindi kagaya dating kabikabila ang party. In pa din naman ang friendster ngayon pero hindi na kagaya ng dati na friendster lang ang pwedeng pagkaabalahan. Aktwali ang social life ko dati sa friendster [oo maldito may social life ako dati. :p]. Hindi yata ako makakatulog pag hindi ako nakabisita sa friendster. Nungkang hindi ako lumamon makapagfriendster lang. Adik.

 

friendster

Matagal-tagal na din pala akong nagpe-friendster. Masasabi ko din namang may magandang naidulot ito sa buhay ko:

(1)        Natutunan kong gamitin lahat ng anggulo ko para lang maidisplay sa  friendster. Introduction nay un sa mowdelling 101.

(2)       Nahanap ko yung mga taong dapat hanapin at nahanap ako ng mga taong  hinahanap ako. Wala man kwenta matapos kaming maghanapan, basta  nagkahanapan kami.

(3)       Sa friendster ko natutunan ang html basics, kahit hindi ko alam kung ano  ba talaga ang ibig sabihin ng html.

(4)       I found some interesting creatures in all forms and sizes.

(5)       Natuto akong matakot sa karma dahil sa panlalait ko sa mga piktyores ng ng kung sino-sinong herodes sa friendster.

(6)       Dito ko nahasa ang blogging prowess ko.

(7)        Nalaman ko ang meaning ng testicles testimonials.

(8)       Natutong idescribe ang sarili.

(9)       Nadevelop ng husto ang curiosity ko.

(10)   Natutong mangarap dahil sa mga sowsi na babae na walang ginawa kundi magparty at biniyayaan ng magandang mukha.

Kahit na sobrang dami kong pinagkakaabalahan hindi ko yata kayang iwan ang friendster. Friendster na ang humulma sa aking pagkatao. Echos!!

*binabati ko pala si jen ang pinakabagong miyembro ng friendslist ko. Ang sowsi mo day! Hawahan mo naman ako! Lol! Close na tayo ha. ;) itayo na natin yang blog mo.

 

Bookmark and Share