TRANSPORTATION STRIKES AGAIN?!
Sa mga makikilahok sa transpo strike ekekan na yan:
Ayokong mag-hello sa sulat na ito sa inyo, imbiyerna ako sa inyo dahil mga wala kayong awa sa’ming mga maliliit na manggawa na tanging sa PUV lang umaasa papunta sa trabaho. Kung pwede lang naman na pagasolinahan ang mga paa namin para hindi na kami umaasa sa inyo, tingnan ko lang kung hindi kayo kabahan na mawawalan na kayo ng pasahero. Gets na gets ko naman kung bakit kailangan niyo magstrike. Pero hindi lang naman kayo ang apektado ng pagtaaas ng gasolina no! Ultimong ang tubig na iniinom namin apektado. Pati ang papaya soap na ginagamit ko apektado. Ang hopiang meryenda ko tuwing hapon apektado. ang 3 in 1 na kape na kinaadikan ko apektado. Lahat apektado pati ang grasa boy dito sa lugar namin apektado.
E kung kami kaya ang magstrike laban sa inyo? At iboycott namin lahat na huwag sumakay sa inyo?! Have pity on us. Have pity on a beautiful girl like me. I don’t want to make punas my sweat while walking walking on the road.
Lubos na gumagalang pero hindi halata,

diva. 80% babae - 20% bakla. echosera. mahadera. blue curlers. komikera. gandang walang maliw. chovarloo addict. chism person. world peace enthusiast. 1 3/4's na OA. stressed-out poreber. spontaneously sweet. walking disaster. mishaps princess. with golden heart. poreber inlabs. sorta-kinda-medyo feeling goddess. girl-next-window. reyna ng tralala.
manilenya
on March 11th, 2008
lol! baka sabhin sayo ng mga drayber…e saan ka sasakay kapag nagstrike ka?
me kotse ka ba? wala wala wala!!! hehehehe!
manilenya’s last blog post..Unconscious Mutterings: I just thought somebody did me a crime
replytsina