Random No.006
Kung kailan nagkaroon ng internet dito sa bahay saka naman wala akong maisip na maipost dito sa blogtsina ko. Parang mas nagfufunction yata ang utak ko pag patago akong gumagawa ng post habang nagkakandaduling dahil sobrang minimize ang windows ko. Pero siyempre mas ok naman sa akin to no! Atleast dito hindi ako nanganganib mawalan ng trabaho.
Randomness is the best remedy to a problem talaga, buti na lang meron akong ganung category dito, at swerte din akong Spontaneity ang title ng blogtsina na ito.
(1) Sa totoo lang huwag ninyong pabigkasin sakin sa totoong buhay ang title ng blogtsina ko kasi nagkakanda buhol-buhol-buhol ang dila ko. Pero ipinanangako kong papraktisin ko siya araw-araw before I brush my teeth.
(2) Mahina ang gaydar ko, pero talagang nagdududa ako sa kasarian ni Jed Madela. Bakla ba si Jed? Curious lang. Mga shofatids na merong gaydar power in beta, I need your help! Gay ba si Jed?
(3) Hanggang ngayon sobra kong dinidibdib ang unfairness cheinilling na sinapit ko sa opisina. Ayoko ng idiscuss yun dito kasi napapadpad dito ang anak ng boss ko dito sa balaytsina ko.
(4) Bakit ba pinag-aawayan si Bong Revilla? Diko magets! Dahil daw meron siyang malaking berdie? Madami namang may malaking berdie a!
(5) Ang korni ng Marimar, pero ang daming pumapatol, lalo na ang kapatid kong asar na asar sa script ng Marimar pero di naman mapagkit ang pwet sa harap ng TV.
(6) Ang taba-taba ko na pero pakiramdam ko malnourished ako. Amfanet!
(7) Parang gusto kong lagyan ng blind item section itong blogtsina ko. Hmmm…
(8) May landline na kami, makakapagpadeliver na din ako ng one-piece chicken joy.
(9) Sobra kong nalulungkot kasi hindi nakapasok si Danny Noriega sa Top 12 ng American Idol.
(10) Kinakabahan akong ma-thypoid. Buti na lang alam ko na iispell ang thyphoid.
SOME KINDA-MEDYO KAPAREHONG POSTS-SLASH-ENTRIES




March 9th, 2008 at 7:50 pm
sis ako din super minimize ang window, kpag nag-internet nga ko sa labas naninibago ko parang ang laki-laki kaya ni-miminimize ko na lang din lol.
di ako gay pero tsura palang ni jed sa kilay pa lang bading na bading na eh… tingin ko lang naman ah. yang marimar nakakainis na talaga pero cge pa rin ako kakanood sa youtube hahaha.. gusto ko kasi makita ang ending.
[replytsina]
March 9th, 2008 at 9:14 pm
nagdududa rin ako dyan kay jed madela. so far, once pa lang nagfafail ang aking gaydar
watusiboy’s last blog post..ikalawang yugto
[replytsina]
March 9th, 2008 at 11:01 pm
nanonood ako ng marimar. hindi siya corny. hmp.
hehehehe.
[replytsina]
March 10th, 2008 at 2:04 am
hahaha, pareho tayo. sa opis sobrang liit din ng window ko sa pagbabrowse. adik kase pero ngayon may websense na sila at kasama ko sa top notorious last month kaya hinay-hinay na muna ko. pati pagbubukas ng personal email sa office nililimitahan ko narin.
pero para kanino ang blind item? hahaha!
Kotsengkuba’s last blog post..Amf! Wrong analytics!
[replytsina]
March 10th, 2008 at 2:50 pm
si manang ko pagkatapos manuod marimar nahihighblood heheheh
OO nga matagal na ko nagdududa dyan kay jen ei parang berde ang dugo ammm… baka nga?
menggay’s last blog post..how to increase page rank
[replytsina]
March 10th, 2008 at 6:21 pm
magtayo kaya tayo ng samahan?
SMW: Samahan ng Minimizes Windows. wahahahahaha!
bakla si Jed!
[replytsina]
March 10th, 2008 at 6:23 pm
hey watusi boy! want some watusi? hahahahaha! echos lang… salamat sa pagdaan.
dumadami na tayong nagdududa sa kasarian niya. LOL!
[replytsina]
March 10th, 2008 at 6:24 pm
hahahahaha! bato-bato sa langit…
[replytsina]
March 10th, 2008 at 6:26 pm
o tatlo na tayong SMW. LOL!
ang blind item ay para sa mga bloggers… wahahaha! gusto ko lang gumawa ng intriga, ganito talaga ang walang social life. LOL!
[replytsina]
March 10th, 2008 at 6:27 pm
wushu!!!! kunwari ka pa.. hahahahahaha!
[replytsina]
March 10th, 2008 at 10:02 pm
yup! badingerz daw si Jed. sabi yan ng mga shopatid nya sa pananampalataya din.
MARU’s last blog post..Summer Na Po!
[replytsina]
March 10th, 2008 at 10:06 pm
Sure kasi sila na malaki ang birdie ni Bong Revilla.. Nahihirapan ata silang lumapit sa lalaki at magtanong, “Malaki po ba birdie mo?”
hahaha
Wala lang.. napaisip lang din.
dru’s last blog post..Looking For A Job?
[replytsina]
March 10th, 2008 at 10:32 pm
dahil diyan goddess, makaktulog na ko. LOL!
[replytsina]
March 10th, 2008 at 10:36 pm
may foint ka dru, nakakainis ka. lagi ka nalang may foint. LOL!
[replytsina]