truliling “i’m vack!” entry
Matagal din akong nawala sa sirkulasyon. Gustuhin ko mang dalawin kayo araw-araw e hindi ko magawa, dahil: (1) nawalan ako ng internet sa hopis, hindi lang internet kung hindi literal na nawalan ng pwesto, lugar, teritoryo, working place. Sa madaling salita, naging iskwater ang byuti kong unti-unti ng nagmamaliw. (2) napromote-na-nademote ang drama ng karir ko sa opisina naming gusto kong isiping may kwenta, kaya sandamakmak na trabaho ang pinapasan ng balikat kong malapit ng mapagkamalang kargador.
Sa totoo lang sobrang sama talaga ng mga nakaraang linggo ko. Parang mas gusto ko pang mag-migrate na lang sa planetang Mars at baka duon may hustisyang naghihintay sa akin. Baka sakaling sa Mars ako ang pinakamagandang bilat! Echos! Pag nadedpress talaga ko gusto kong magtago, yung tipong wala talagang makaka-pung sa akin.
At dahil nakakapagod din madepress at maawa sa sarili, wit ko na palalwigin pa ang depression ko. Naiisip ko na lang na mas malaki ang problema ng Pilipinas sa akin. Mas malaki din ang problema ng
I’m back! I’m really really really back!
ANONG BAGO?
(1) May internet koneksiyones na kami sa balaytsina namin sa pusod ng Laguna! Yipppeeee! Hindi ko na kailangan pang malungkot pag naiisip kong aamagin ang blog ko.
(2) May bago akong post o. wahehehe..
(3) Nakabili na’ko Monitor! At last! Praise the Lord! Teka.. Diba dapat mauna muna ang monitor kesa sa internet? Keri na.
LUMA PA SA LUMA
(1) Hindi pa ako magpapalit ng theme, pasensiya na sa mga nauumay. Aayus-ayusin ko na lang.
Wala pa kasi akong makitang template na mapapagtripan ko.
(2) Ibabalik ko na ang fiktured blogger of the week section.
(3) Tuloy-tuloy pa din ang Blogtsina of the Month. Hoy! Bumoto at magnominate naman kayo!!!!
(4) Maganda pa din aketch!
MGA NAMISS
(1) Magbloghop at magcomment mula sa may kwenta hanggang sa meron. Kung wala kayong natatandaang may comment akong may kwenta, matanda na kayo.
(2) EB!!!!
(3) KAYO!
PENDINGS
(1) Blogtsina of the Month Review for the Month of March, featuring CHIKSILOG. Maipapangako ko ng maipapublish ko na siya this week.
(2) TAGS! Baon na baon na ako sa utang na tag.
(3) Paid opps. Tulog ang negosyo ko, andami pa namang bayarin.
SPECIAL THANKS
(1) HBC as in Hunched Back Car aka Kotsengkuba for making me the Hopia of the Month. Yey!!! Thank you HBC from the bottom all the way from the top of my golden heart. Suswertihin ka buong March niyan! Charing!
(2) Malen. Para sa walang sukong pag-reach-out sa akin. Balang araw… Makakasama din ako sa EB!!!!
(3) Readers who really reads the Divas ABC. Kilala niyo na kung kayo yun o hindi. Sa mga loyal reader(s) ng blogtsina na ito, ano pang hinihintay ninyo, magtayo na kayo ng pans club ko! Charing!!!! Seryusly, touch na touch ang mga hindi pa natatouch sa akin. Wag kayo magsasawa. I LAB YU ALL!
KUDOS
TO ME!!! Dahil sa mahaba-habang panahon, ito na yata uli ang pinakamahaba kong post.

diva. 80% babae - 20% bakla. echosera. mahadera. blue curlers. komikera. gandang walang maliw. chovarloo addict. chism person. world peace enthusiast. 1 3/4's na OA. stressed-out poreber. spontaneously sweet. walking disaster. mishaps princess. with golden heart. poreber inlabs. sorta-kinda-medyo feeling goddess. girl-next-window. reyna ng tralala.
pusa
on March 8th, 2008
yehey!!!!! welcome back my dear jojitah *mwah*
pusa’s last blog post..bohol trip - day 1, part 1 of 3
replytsina