what’s the password?
Kahapon habang ako ay nagmumuni-muni at nag-iisip ng solusyon kung paano ako magkakamal ng sandamakmak na salapi para makaranas naman ako ng hotoil biglang nagtanong ang pagkakulit-kulit na anak ng boss ko kung ano daw password ko sa friendster.
Ang bago ng sagot ko no? Wala pang kagasgas-gasgas. At dahil dito naisip kong SECRET pala ang pinakamagandang password! Maari akong manalo ng Best in Cleanliness sa naisip kong ito don’t yah think? Eto na ang sagot sa problema ninyo para hindi na kayo paulit-ulit na sumasangguni kay “Forget your password?”
Sino bang mag-aakalang ang password niyo na secret ay secret palang talaga? Wala diba? Eto ang nakakalokang halimbawa.
Jojitah: “Anong password mo sa chovarloo chenilling chiwariwap?”
Jojitah sa salamin: SECRET.
Jojitah: “Ano nga?”
Jojitah sa salamin: SECRET nga…
Jojitah: “Ibigay mo na kasi!”
Jojitah sa salamin: E SECRET nga e! Makulit ka pala e!
Jojitah: “Ewan ko sa’yo! Kung ayaw mo huwag mo!”
Jojitah sa salamin: SECRET NGA!!! SECRET!!!!!
O diba… Ipagpilitan mo ng ibigay dipa din nila getching! I’m so genius… Oh my gash. O ano pang hinihintay niyo palitan niyo na ang inyong mga passwordtsina.

diva. 80% babae - 20% bakla. echosera. mahadera. blue curlers. komikera. gandang walang maliw. chovarloo addict. chism person. world peace enthusiast. 1 3/4's na OA. stressed-out poreber. spontaneously sweet. walking disaster. mishaps princess. with golden heart. poreber inlabs. sorta-kinda-medyo feeling goddess. girl-next-window. reyna ng tralala.
linglingbells
on January 25th, 2008
hi! ayos yung idea mo ah!! mapalitan na nga ang mga passwords ko.. secret lang yun ah! wag mo pagsasabi sa iba! hehe..
linglingbells’s last blog post..mensahe para sa isang kaibigan
replytsina