away tayo!

Gusto kong makipagmurahan, yung tipong mauubos lahat ng laway ko at aking vocabulary of mura. Gusto ko kasi maexperience yung makipagway Tondo style, magkatinginan lang naghahabulan na ng taga. Hanep ako sa trip no? E kasi wala pa akong major away na naranasan sa tanang buhay ko no. Gusto ko kasi italak yung mga ganung experiences sa mga bagong kakilala para “wow astig” ang dating ko. Pero wit ko na yata mararanasan yun kahit gaano ko pa kagustuhin kasi I’m for the World Peace chovarloo. Echos!!!

E paano ko naman magagawa ang napamapayapa kong trip as of the moment e…

(1) madali akong mapaos

(2) wala akong itak

(3) nasa isteyts at probinsiya ang mga kaaway ko

(4) wala akong proper outfit

Saka sa totoo lang COLD WAR lang alam ko e, dahil honorable mention ako sa course na Deadmatology at may Special Award akong Best in Stiff Neck. Ganun katindi, cold kung cold na maaring mamatay ka sa hypothermia.

Isa pa, kung makikipag-away kasi ako gusto ko I’m prepared at naka-full battle gear. Tsaka gusto ko ako ang mananalo. Automatic! Parang yung sa sine, sa hinaba-haba ng talak at aksiyon yung bida pa din ang panalo at sa case ko ako ang bida siyempre no. Tsaka gusto ko gold ang itak ko para sowsi.

Oh well papel, mahirap din palang magplano makipag-away. Keri na. Balik na lang ako sa cold war at world peace. Amfanet, hindi rhyme.

Written at January 15th, 2008 in wala lang |
SOME KINDA-MEDYO KAPAREHONG POSTS-SLASH-ENTRIES

Add to Technorati Favorites

Magsubscribe na ever via email!

Delivered by FeedBurner
Ang mag-subscribe may mababait at super cute. Echos!

7 Responses to “away tayo!”

  • gastiNo Gravatar Says:

    wag ka makikipag away..bad yun!

    pero astig nga yung maraming experince ng pakikipag away tapos nabuhay pa. karamihan kasi hindi na nakakapagkwento ng experience nila eh

    talak ni jojie:

    gusto ko lang itry.. pero napag-isip-isip kong huwag na dahil baka maadik ako. LOL!

    [replytsina]

  • dhezNo Gravatar Says:

    oops jojie tma c gasti bad yun.. at ang rolers.. make peace not war.. :)
    dhez’s last blog post..heavy na, umaapaw pa etc..

    talak ni jojie:

    dhez wag kang mag-alala dahil puro pagbabanta lang naman ako. hahahaha!

    [replytsina]

  • plaridelNo Gravatar Says:

    sorry, you don’t look the type. but with practice, who knows? you can start with the mean look. do it over the mirror every morning. when you can keep yourself from giggling for at least 2 minutes, you’ll be on your way.

    talak ni jojie:

    hahaha! i already did that plaridel, and i look… constipated!

    [replytsina]

  • pusaNo Gravatar Says:

    hay salamat buhay na uli ang balay mo … batet ba nagoffline? atm ba itetch? hanep sa war strategy!!!

    talak ni jojie:

    ay naku lahat kaming hosted ng page down kahapon! pero ok na din yun at may karamay ako, kasi kung ako lang baka nag-freak-out na aketch. LOL!

    [replytsina]

  • malenNo Gravatar Says:

    hahha…jojie na iimagine ko na nakikipag away ka na may curlers…comedy action movie..hahahaa

    malen’s last blog post..How to Manage Your Blogroll

    talak ni jojie:

    parang yung napapanood mo sa sine diba? hahahaha!

    [replytsina]

  • menggayNo Gravatar Says:

    Hahaha!!! ang lupet talaga ng naisipan mong trip ateng hahaha!!!

    Nakoo…kinabahan ako magkatabi pa naman tayO hhahahaha!!!!

    Gold ang itak…ammmm ang cute hahaha :)
    menggay’s last blog post..Meaning of Discipline

    talak ni jojie:

    sosyal kang mamamatay pag nataga ka ng itak na gold! hahahaha!

    [replytsina]

  • rhapsodyNo Gravatar Says:

    sino naman ang ka-cold war mo hehehe… mas mabuti pa nga ang ganyan at least di na lalala pa hehehe..

    rhapsody’s last blog post..tallest baha hehe

    talak ni jojie:

    ahm.. secret.. hahahaha!

    [replytsina]

Leave a Reply