Random No.004
Namiss kong magpakarandom random ever at nasa mood din akong magparandom random dahil tama kayo ng obserbasyon, meron na akong sponsored post! Wuhooo!!!! Medyo na-excite naman ako at nagsimula ng manosebleed. Kiver! Pero wit ko naman siyempre pabayaan ang balay ko na nakilala na sa makabagbag damdamin at sobrang insightful na entries, echos!!!
(1) Hindi ko alam kung official na talaga na eng-eng ako o talaga lang kulang ako sa iodized salt! Si Charice Pempengco pala ay ang runner sa Little Big Star noon. E bet ko kaya siya noon at sobra akong nadisappoint na natalo siya ni Sam Concepcion na dinaan na lang yata ang lahat sa pagpapa-cute. Hindi ko nga malaman kung bakit hindi ko siya narecognize kaagad. Panis na ang balita, nakangawa na si Charice kay Ellen Degeneres, pinuri at pinagkaguluhan na ng lahat at ngayon ko lang siya namukhaan. Anong tawag sa akin?
(2) Gusto kong manood ng valentine concert nila Sarah Geronimo, Christian Bautista, Rachel Ann Go at Erik Santos! Kanino kaya maisanla ang kaluluwa ko? Charing! Panalo yun sigurado.
(3) Bakit ba tinawag na wisdom tooth ang wisdom tooth? I’m sure my trivia tungkol dito tamad lang ako magresearch. Hellloooo… I’m not a researcher, duh!
(4) Gusto kong kumain ng shawarma ngayon. As in ngayon na ngayon na tinatype ko itong post na ito.
(5) Gusto kong patayin si Riza ng PBB. Wala lang, wala lang akong magawa.
(6) Wala akong pakialam kahit lagyan nila ng tax ang text, mawawalan na naman ako ng selepono. Belat sila.
(7) May kinaiinisan akong isang blogger. Sino? Secret. Echos lang! Gusto ko lang sana kayong maparanoid.
(8) Ang ganda ko today siguro lalo na bukas.
(9) Gutom na’ko kaya babu na!

diva. 80% babae - 20% bakla. echosera. mahadera. blue curlers. komikera. gandang walang maliw. chovarloo addict. chism person. world peace enthusiast. 1 3/4's na OA. stressed-out poreber. spontaneously sweet. walking disaster. mishaps princess. with golden heart. poreber inlabs. sorta-kinda-medyo feeling goddess. girl-next-window. reyna ng tralala.
menggay
on January 14th, 2008
hahahaha!!!! ayan ka na naman..HAHAHAH!!!nawawala na naman ako sa sarili sa kakataWa..
Kelan mo naman balak isakatuparan ang planOng pagpatay ke riza(nguso) hahaha!! kakambal yata ni Zanjo yan ei…crush ko pa naman si zanjo …layO hahha…
bakit nga ba wisdom tooth????
menggay’s last blog post..Meaning of Discipline
replytsina