obserbatories

I am semi-back. Medyo busy pa din pero keri na, stressed-out nga lang at medyo wala sa focus. Kokoonti na lang ang mga dapat kong gawin pero natataranta pa din ako, parang nasobrahan yata ako sa momentum, momentum sa pagiging ngarag. Ang fanet!

Ilang araw din akong lurker lang muna sa mga blogtsina sa blogroll ko at sa iba pang wala pa sa blogroll ko. Nagustuhan ko naman, kasi medyo tinatamad din naman akong tumalak nowadays. Merong oras din na parang naa-out of place din ako. Ewan ko ba, nagpi-PMS yata ako.

Madami-dami din akong naobserbahan kahit na sobra akong busy these past few days. O laban kayo sa talent ko? I’m so talentada you know, echos!

(1) Tinanggal ako ng linsiyak na Entrecard na yan. Ampft! Hindi daw kasi inglet ang tinatalak ko. Sa totoo lang iniexpect ko na yun kaya lang nakakainis pa din ang dating. Pakiramdam ko diniscriminate ako. Eto ang napapala ng mapilit na kagaya ko. Sa kanila na ang mga card card na yan, mabilaukan sana sila! Hmpt!

(2) Konti lang ang sumasali sa poll question ko. Medyo nararamdaman ko na floptsina ang pakulo kong yun. Ni hindi man lang umaabot sa sampu ang bumuboto sa loob ng isang linggo. Ibig kayang sabihin nun ganun kadami lang ang dumadaan sa balay ko? Hindi ko magets, nakaka-isang-daang bisitor naman ako sa loob ng isang araw.

(3) Walang nagrerekwes ng kanta sa rekwested section ko. Nakakalungkot, kasi ito ang pakulong inakala kong papatok. Baka tanggalin ko na lang siya sa aking side bar o di kaya palitan ko na lang ng title.

(4) Official na na flopsina ang mga naisip kong pakulos dahil kahit greetings walang sumali. Anak ng pitong kabayo, hindi ko akalain na wala ng natitirang jologs sa sanblogospheran, pity me. Tatanggalin ko na siya sa aking sidebar, eto sigurado na.

(5) Halos lahat ng nabibisita kong self-hosted na balay e inglet version na. Samantalang ako nagpipilit pa din sa pilipit kong bokabularyo tagalong version. Siguradong mauuna silang yumaman sa akin, pero keri lang. Sabi nga nila, una-una lang yan.

(6) Madami ng taga wordpress.com ang dati kong suki ang iniwan na ako at dineadma ang balaytsina ko. Iniisip ko tuloy kung maglilinis na ako ng blogroll ko.

(7) Wala akong entries na matino! Argh! Kaya ata marami na din ang mga nawawalan ng ganang magkomento. Para kasi akong nag-e-alien talk.

(8) Natengga na yung site na itinayo ko. Kailangan ko na siguro yun paglaanan ng panahon.

May mga magaganap na pagbabago dito sa balaytsina ko base sa mga naging obserbasyon ko. Badtrip lang, alam niyo yung pakiramdam na nagluto ka at walang gustong tumikim? Ganun.

Bookmark and Share
diva. 80% babae - 20% bakla. echosera. mahadera. blue curlers. komikera. gandang walang maliw. chovarloo addict. chism person. world peace enthusiast. 1 3/4's na OA. stressed-out poreber. spontaneously sweet. walking disaster. mishaps princess. with golden heart. poreber inlabs. sorta-kinda-medyo feeling goddess. girl-next-window. reyna ng tralala. etc. etc. etc.



SOME KINDA-MEDYO KAPAREHONG POSTS-SLASH-ENTRIES

12 Comments

pusaNo Gravatar Unknow Unknow  on January 10th, 2008



salbaheng entrecard yan!!!! hmm will wait sa mga bago mong lulutuin ;p

talak ni jojie:

ang nakakatawa pinagregister muna ako bago ako binan. LOL! patawa talaga.. ok lang yun. ;)

replytsina

AmboNo Gravatar Unknow Unknow  on January 10th, 2008



present!

Ambo’s last blog post..Win $20 and 300 Entrecard Credits

talak ni jojie:

ambo!!!! di ako makasali sa pakontes mo. :(

replytsina

reyna elenaNo Gravatar Unknow Unknow  on January 10th, 2008



EEEEKK!!!

Sorry Jojie! Ngayon lang ako nadalaw! Humahataw nang kadolyaran eh magto-twisyon ang isang boylet, manganganak yong kabit nang isang boylet, yong iba naman di na makapagteks kaya send nang load, madami! madami akong inaasikaso. Pramis dadalas dalasan ko! Daming labada. Bawal daw umayaw sa pera

Slamat ever sa pagbati! Isang taong pagn feed nang ego yan! hahaha!!!

Hoy! Ano tong mga If support List Endif na mga to? hahahaha

talak ni jojie:

ichoke mudra, i hunderstand. hahahaha.. alam kong boylet ang sagot sa poverty kaya kayod lang kayod. hahahaha!

replytsina

diwatangbyaningNo Gravatar Unknow Unknow  on January 11th, 2008



ngayon ko lang nakita ito… nauna ang kowment ko sa cbox mo…

talak ni jojie:

diwata!!! e tinanggal ako ng entrecard, alien daw ako. hahahaha!

replytsina

malenNo Gravatar Unknow Unknow  on January 11th, 2008



mare pa-request…yung sa silent sanctuary TUYO ng DAMDAMIN - digg na digg kooo yun!!!

pa-greet ever…hi to my cousins mitchie and migs who’s in JAPAN right now

pati sa mga TFC subs…subs..subscribers!!!

malen’s last blog post..How to Manage Your Blogroll

talak ni jojie:

waaahhhhh!!!! tinanggal ko na mare. hahahaha! itetext ko na lang ang mga pinsan mo. ;)

replytsina

burskyNo Gravatar Unknow Unknow  on January 11th, 2008



kulang ka lang sa hubad na pics. :P nyahahaha… peace tayo!

bursky’s last blog post..make me happy

talak ni jojie:

kaya ka nakakaapak ng tekla salbahe ka e. :p hahahahaha!

replytsina

druNo Gravatar Unknow Unknow  on January 11th, 2008



Wag!! Wag niyo po akong itanggal sa blogroll niyo!! Mahal na mahal ko po kayo!! Busy lang po ako!!! NOOOOOOOOO!!!! huhuhuhuhuhu

Ei jojie! Musta na? hahaha

dru’s last blog post..Busy Christmas Season

talak ni jojie:

druuuuuu!!!!!!!! where have you been? to london? hahahaha!

replytsina

brathNo Gravatar Unknow Unknow  on January 11th, 2008



hoy sisteret! di kita iniwan no! lam mo namang labs na labs kita e heheh

suportahan kita sis!! hehehehe kaya mo yan JUST PUSH YOUR LUCK!!!!(*with accent of rufa mae)

o diba?

talak ni jojie:

o sige na nga, ayoko kasi ng whammy. LOL!

sister hamisyu!!!!!!!!!

xiao!

replytsina

MARUNo Gravatar Unknow Unknow  on January 11th, 2008



basta ako solid-jojiepie ako. tanggalin man ako sa blogroll, keber! ipagsisiksikan ko pa rin sarili ko.

oist! kung may nababasa ka man na englit sa blog ko…intindihin mo na lang at kelangan ko ng datung, dai!

MARU’s last blog post..Last Song Sydrome Of The Week

talak ni jojie:

anukaba goddess!! wala ka na kaya sa blogroll ko. charing lang! hahahaha! ikaw pa… labs kaya kita. ;)

replytsina

roniNo Gravatar Unknow Unknow  on January 11th, 2008



present din! hehehe

roni’s last blog post..upgrading your memory

talak ni jojie:

roni!!!!!! :D

replytsina

MisyelNo Gravatar Unknow Unknow  on January 12th, 2008



busy lang siguro ang karamihan ng mga blogger hanggang ngayon… ako laging present ha! :D
Misyel’s last blog post..Puting Buhok

talak ni jojie:

misyel!!!! I know dear. ;)

replytsina

ThessNo Gravatar Unknow Unknow  on January 12th, 2008



kailangan pala medyo tampo entry at nadadalaw?

eh ako nagtampo, lalong walang dumalaw eh! nyahahaha!!
hay naku tita, hindi naman nilangaw siguro pakontes mo, ang akin nga inisnab ang ten dolyares kasi madami na kumikita….ikaw lang nagtyaga…kaya lab na kita, 2 na kayo ni malen ha ha ha!!…don’t 4get to send me your paypal addy ha?!

talak ni jojie:

atse hindi ito tampo entry kundi NALUGI ENTRY! hahahaha! buti na lang wagi ako sa pakontestsina mo. ;)

replytsina

Leave a Comment