two-oh-oh-seven

Posted on January 4th, 2008

Ang promise ay promise, wala lang gusto ko lang sabihin yun hindi dahil gagawa na ako ng aking Year-End Reviewchuwariwariwap. Kiber niyo naman sa mga kababalaghan sa buhay ko pero hindi pa din ako papaawat kahit na sobrang gasgas na ng pakulong ito. E ano naman? Sanay na ako sa gasgas no!

Kung ininterview ako ni Boy Abunda at itatanong niya na kung paano ko idedescribe ang two-oh-oh-seven ko sa isang salita, walang kagatol-gatol katol kong isasagot na BITTERSWEET. Kung ano ang ibig sabihin nun pakitingnan na lang sa dictionary.

Maraming transition sa buhay ko ang nangyari noong two-oh-oh-seven sa halos lahat ng aspeto. Hayaan ninyong isa-isahin ko.

  1. Nagfly-fly papuntang Saudi si Manong two days after our monthsary, two days before his birthday. First time kong maranasang mag-hyperventilate! Akala ko OA lang yung nakikita ko sa TV, mas OA pa pala ako sa mga napanood ko sa imfernes. Super ngawa to the maximum leybel. Wala namang nagawa ang pagngawa ko, ayun umalis pa din si Manong ko kahit na halos isumpa ko ng masira lahat ng eroplano huwag lang siya matuloy.
  2. Bum no more ang drama ng beauty ko ng after a super couple of years ay naging empleyado ako ulit. Masarap, kasi for the first time e naramdaman kong pinakikinabangan ko ang pinag-aralan ko - na dalawang taon ko ding pinagbunuan sa paglalakwatsa. Masarap ding ma-airconan araw-araw kahit na may dragon at porn-addict akong mga kasama. Keri na. Maliit nga lang sweldo, as in… pero keri na din kasi madami naman din akong bagong natututunan.
  3. Living away from home. Parang wala na namang kagulat-gulat dun dahil 26 na ako ng bumukod, pero if I have a choice before siguro nasa Cavite pa din ako at nanghahabol ng taga, echos!
  4. Inexplore ko ang blogging world sa kalagitnaan ng taon. Lumabas ako sa nakakahong friendster blog. Para akong batang nangapa but eventually I found my mojo [yeah baby]. Nakakatuwang nakatagpo ako ng mga friendly blogger friends. Akala ko ako na ang pinaka-abnormal na nilalang, mas madami pa palang MAS abnormal sakin.
  5. Naging DOT COM ako after a couple of months sa wordpress. Huwaw diba? Yan ay dahil sa aking cyber amiga na si Malen, ang babaeng walang kapaguran. Ibang leybel ang tinahak ng aking blogging karir, more than I have ever imagine.
  6. I became a bitter better person I guess. Madaming emotional turmoil na pinagdaanan pero kaya kong sabihing I MADE THE RIGHT DECISIONS sa taong ito, sa mga ibang taon ewan ko na lang.
  7. I became a DIVA dahil sa walang patumangga kong pagpipilit. I have learned to love myself more. DIVA ako, exclamation point!

Hindi man kasing colorful ng iba ang aking two-oh-oh-seven masasabi ko namang IT WAS A BLESSED YEAR for me. Sana ang two-oh-oh-eight ko maging MAS PA kaysa sa aking two-oh-oh-seven.

Bookmark and Share

Filed under: buhay ko


Add to Technorati Favorites

Magsubscribe na ever via email!

Delivered by FeedBurner
Ang mag-subscribe may mababait at super cute. Echos!

12 Responses to “two-oh-oh-seven”

  1. manilenyaNo Gravatar Says:

    divang diva ka nga ….lalo na siguro nung pumalahaw ka ng iyak pag alis ni manong ano?
    wow in six months di ka na maabot …..si JOJITAH ka na…dati rati si jojitah ka lang e lol!! congrats sa 2008 mo ining…galing mo ha e ako mahigit na ko trenta nung umalis ng bahay, kundi pa ko sinipa ng nanay ko papuntang singapore e di hanggang ngayon nakahawak pa rin ako sa dilintar ng nanay ko tsk tsk tsk!!!

    manilenya’s last blog post..I want flowers

    talak ni jojie:

    ate melai!!! force eviction ang nangyari sa akin ate, force eviction!!! hahahaha!

    replytsina

  2. pusaNo Gravatar Says:

    mwah lang diva :)

    talak ni jojie:

    ang sowsi mo talaga my dear! bumebeso ka na lang kahit busy. hahahaha! wabyu!

    replytsina

  3. xienahgirlNo Gravatar Says:

    diva!
    i love it
    that you love yourself mare
    hahaha

    baka maghyperventilate ka :)

    talak ni jojie:

    i don’t love it pag naghahyperventilate ako. parang mamamatay na ko. LOL!

    replytsina

  4. menggayNo Gravatar Says:

    Naku buti nalang ateng di mo tinuloy ang pag sumpa na masira ang lahat ng eroplano malamang malaki ang nalugi sa kaban ng pilipinas hehehe :)
    Muah!!!!!

    menggay’s last blog post..Kamag-anak issue!!!

    talak ni jojie:

    patawa ka michelle gagalang!!!! hahahahaha!

    replytsina

  5. gastiNo Gravatar Says:

    happy new year divang makulit! hehe!

    hyperventilate ba ikamo? parang nahanginan lang ganun? lols anlabo ko talaga pagminsan.

    talak ni jojie:

    parang 100 bentilador ang nakatapat sayo, ganun. LOL!

    happy new year pareng gasti!

    replytsina

  6. kengkayNo Gravatar Says:

    wala si manong si manong? waaaahhh, EB na nga talaga yan, hehe. pano na ang emote mo ng two piece kung walang hahaplos ng iyong divalicious na wankata, huh? kaya mo yan gurl, hindi ka naging 20% bakla kung hindi mo kaya yan hehe. sige EBEBEBEBEBEB

    kengkay’s last blog post..Busy si Ako

    talak ni jojie:

    kaya ko talaga ate!!! hahahaha! oist ate kengs basta may german sausage ako ha. ;)

    replytsina

  7. ThessNo Gravatar Says:

    uy, accomplished lady ka! I’m happy for you :) kahit miss mo na si Manoy este Manong sa ganyan titibay ang relationship.

    tita jojie, happy 2008 din sa iyo….more power!

    talak ni jojie:

    tenchu atse!! *bighugs!*

    sali ako sa contest mo atse pero ang problema di pako dumadaan dun. waaahhhhh!!! linsiyak na paperwoks kasi itech!

    replytsina

  8. malenNo Gravatar Says:

    jojieeee

    may pa kontes si manay thess…10$ ..wala pang nanalo…grab it! now na! daliiiiii

    hehhehehe…pambili mo ng isa pang domain..kelangan natin ng tig 3 blogs..hahahha

    masaya ang buhay diba? SOBRA jud! Mwaaahh……labyu amiga….

    malen’s last blog post..How to Manage Your Blogroll

    talak ni jojie:

    mi amiga!

    sugod ako maya sa bahay ni atseng thess pag nakapuslit ako sa ginagawa ko dito. LOL! wabyu mare!!

    replytsina

  9. repahNo Gravatar Says:

    diva! aww! wag u mag- alala khit ala c manong mo abot sya ng mundo!!! mg globe ka!!! hehehe.. happy new year…

    repah’s last blog post..unang TAG sa 2008

    talak ni jojie:

    smart ako repah! smart ako! LOL!

    replytsina

  10. angelofthewaters/ruthieNo Gravatar Says:

    Sana mas ma blessed pa ang 2008!

    Happy new YEAR! :)
    angelofthewaters/ruthie’s last blog post..It Started With A Kiss 2 (They Kiss Again) - Episode 3 (English Subbed)

    talak ni jojie:

    tenchu ruthie!!!! *bighugs!* Happy New Year to you too. ;)

    replytsina

  11. rhapsodyNo Gravatar Says:

    matanong lang.. originally from cavite ka??

    rhapsody’s last blog post..I love my work but i just hate it! Heheh

    talak ni jojie:

    sa laguna ako pinanganak, sa pasay nung formative years ko tas sa cavite na ko lumaki at tinubuan ng kung ano-anong buhok. Ngayon sa laguna ako nag-work. :)

    replytsina

  12. roniNo Gravatar Says:

    DIVARIWARIWAP, ang kuleeeeet, hahahahaha! sigawan sila ng sigawan dito sa opis pero wala akong pakialam, basta nagbabasa ako ng jojitah.com! hmmmmm……nandito na si manong mo?….hmmmmmm……..hahahahahah!

    roni’s last blog post..if you can?t talk smart, don?t talk at all

    talak ni jojie:

    hello roni. :D salamat naman at mas natawa ka pa sa akin kesa sa tawanan diyan sa opis ninyo. maganda ba yun o pangit? LOL!

    replytsina

Mag-Comment Galore



SOME KINDA-MEDYO KAPAREHONG POSTS-SLASH-ENTRIES