RESOLUSYONES ‘08

Posted on December 28th, 2007

Hindi pa nagfufunction ang utak kong nagmamalfunction naman talaga, ngayon kaya hindi ko pa magawa ang aking year end ispeysiyal. Ang pangit naman ata pag ipinilit ko at baka may makaligtaan ako, yun pa ang maging dahilan ng kamalasan ko sa 2008.

For now ihahain ko na lang muna sa inyo ang aking BAGONG TAON RESOLUSYONES.

Matagal at pinagisipan ko ng malaliman na malalim pa sa balon ni Aling Mameng ang mga resolusyones ko. Hindi lang basta-basta dahil dito nakasalalay ang pagkakaroon ng World Peace.

Resolusyones para sa Worktsina.

  1. Since hindi ako nale-late at hindi ako umaabsent pipilitin kong malate at umabsent paminsan-minsan.
  2. I’ll try to be nice sa aking porn-addict na boss. Hindi ko na siya dedeadmahin pag may inuutos siya sa aking out of this world at itatry ko na ding tumawa ng totoo sa kanyang mga korni jokes.
  3. Pipilitin kong huwag manggiyera ng mga mahadera dito.
  4. Mas magmaganda above all.

Resolusyones On-Cam

  1. Orasyunan regularly ang buhok kong gumagawa na ng last will and testament.
  2. Magpapayat sa abot ng makakaya.
  3. Lumaklak ng bote-boteng lotion para kuminis ang malascotch-brite kong kutis.
  4. Ibabad sa muriatic acid ang paa at kamay para matunaw ang mga kalyo.
  5. Paghusayan ang pagkendeng

Resolusyones Off-Cam

  1. Karerin ang pagiging diva, sa umaga, sa tanghali at sa gabi.
  2. Manood ng movie sa sinehan. Maka-100 movies at the very least sa buong taon o di kaya naman 200movies sa dibidi.
  3. Maging mas malambing pa sa kambing pero mabawasan ang pagka-kikay!
  4. Meet new people, hindi yung galing sa Ukay-Ukay.

Resolusyones para sa Blogtsina

  1. Bawasan ang paggamit ng salitang ECHOS. Echos!
  2. Huwag magpa-charing charing. Charing!
  3. Bawasan ang kakachuva. Chorva!
  4. Umastang kagalang-galang.
  5. Chikahin lahat ng nasa blogroll kahit ayaw nila, ipagpilitan ang sarili.
  6. Agahan ang pagsagot sa tag at wag hayaang amagin.
  7. Piliting maginglet para sa future namin ni manong.

Resolusyones para sa’min ni Manong.

  1. Magpasensiya
  2. Huwag mainip.
  3. Magmahalan pa lalo.

Superduperever Makabuluhang Resolusyones

  1. Give more and receive more less.
  2. Stop being a Charity by doing charity. [sino si charity?]
  3. Laugh ‘til I drop.
  4. Love more.
  5. Be happy all the time.
  6. Embrace life.
  7. Count every little blessing.
  8. Pray more.

Hindi naman masyadong madami no? Sana naman hindi lang yan parang inilista ko sa buhangin. Pakibatukan niyo nga ako paminsan para naman maalala ko na gumawa ako ng resolusyones. O di kaya naman itattoo ninyo ang permalink ng post na ito sa mga noo ninyo para naman naaalala ko everytime na makikita ko kayo.

Kayo ano ang inyong resolusyones?!

Pahabol:

Meron pa pala akong nakaligtaan, isa pa please… MAGPAPAKA-OA PA AKO LALO! ECHOS!!!

Have a…

happy new year

Bookmark and Share

Filed under: pagnilay-nilayan


Add to Technorati Favorites

Magsubscribe na ever via email!

Delivered by FeedBurner
Ang mag-subscribe may mababait at super cute. Echos!

9 Responses to “RESOLUSYONES ‘08”

  1. xienahgirlNo Gravatar Says:

    dapat wala ng resolution
    kundi goal na lang.
    anggoal nating
    mga magaganda
    ay ang patuloy na magdulot
    ng kaligayahan
    sa mga kalalakihan
    hahaha :)

    talak ni jojie:
    dahil diyan, nakaisip ako ng goal. LOL!

    replytsina

  2. menggayNo Gravatar Says:

    Woh…natapos ko din hahahha!! Astig pasok lahat sa banga hahaha!!!!

    Gusto ko yung resolusyunes sa Worktsina # 2 hhahaha tama ba ang nabasa ko magiging nice ka na kay porn-addict na boss Hu-wAg hahaha!

    Sige ateng suportahan kita sa pag kending hahah :)
    Happy new year!! labyah…..

    menggay’s last blog post..hApPY BIRTHDAY DAD!!!!

    talak ni jojie:

    tapos sayo ko magiging salbahe. wahahahahaha!

    replytsina

  3. pusaNo Gravatar Says:

    weheheheh gudluc sa iyong mga resolutions naway matupad mong lahat ng yan! charing! =)

    pusa’s last blog post..lasheng din me

    talak ni jojie:

    ay gudlak talaga sa akin dear. LOL!

    replytsina

  4. malenNo Gravatar Says:

    bawasan ang echos! charing! hahahaha

    oist wag ka mag pa gupit…i love love yer hair. long healthy shiny and diva po ang hair ni jojie

    malen’s last blog post..Thank you for a wonderful 2007!

    talak ni jojie:

    kaso mo ang pangit na ng dulo mare.. :(

    replytsina

  5. ThessNo Gravatar Says:

    mahirap tumawa ng feyk! pero kung kinakailangan ba, cge na lang…basta wag masyado tatawa ng nakikita halos ang tonsils mo nag uumpugan na he he*mais ko talaga*

    tita Jojie, Happy New Year!!

    talak ni jojie:

    atseee!!!! Hapi New Year din sa’yo. ;)

    replytsina

  6. jeckNo Gravatar Says:

    happy new year jojie!!! sana makayanan mong gawin lahat ng resolution mo. echos!
    new year’s resolution ko, bawasan na ang pagiging makakalimutin lalo na sa….ano nga ba yun? ay nakalimutan ko na..hehe. ayun! bawasan ang pagiging korni sa jokes..hehehe

    jeck’s last blog post..Seyko seyko walley, ang walley na ma-lucky

    talak ni jojie:

    happy new year jeck!!! dahil regular ka na, susundin ko lahat ng payo mo. LOL!

    replytsina

  7. angelofthewaters/ruthieNo Gravatar Says:

    EK! Daming resolutiones! God bless! Sana magawa mo lahat!

    Impairness…pano mo nalamang porn-addict yung boss mo ha? Hmmm… :)
    Happy New Year pow!

    angelofthewaters/ruthie’s last blog post..Good Thing with Smorty

    talak ni jojie:

    happy new year ruthie!!!! *muah!*

    e tanaw na tanaw ko ang kanyang pyuter at ang mga di kanais-nais na ungol na nagmumula sa speaker. LOL!

    replytsina

  8. kengkayNo Gravatar Says:

    antayin ko yung more OA mo ha, type ko yan :D
    kengkay’s last blog post..Kawawa ka naman, di ka proud sa lahi mo

    talak ni jojie:

    like mo ang aking OAness ate kengks? :D

    replytsina

  9. partyofyouNo Gravatar Says:

    happy new! tag kita….pakita mo tatoo mo! lol!

    partyofyou’s last blog post..I?d rather be here right now!

    talak ni jojie:

    partofyou!!!!! sorry dear wala akong tattoo.. hahahaha! salamat sa pagbisita. ;)

    replytsina

Mag-Comment Galore



SOME KINDA-MEDYO KAPAREHONG POSTS-SLASH-ENTRIES