itanong mo sa adsense. hmmmm….

Meron na akong naisip na bagong sideline, at alam ko papatok ito. Ito na ang magpapayaman sa akin. Tataas na ang lebel ng pamumuhay ko, magiging mas mayaman na ako sa hamster!

Tatanggap na ako ngayon ng pahula. Tama, manghuhula na ako ngayon. I won’t be a great diva kung hindi ako versatile kaya pati panghuhula ay papasukin ko na. Timing sa papasok na bagong taon.

Hindi mukha, palad, stars, numero at kung anik-anik ang gagamitin kong pagbasa sa inyong kapalaran, hellloooo… sobrang gasgas na ang mga iyon no. Ang pangit lang sa style kong ito ng panghuhula ay limitado lang ang pwede kong hulaan, yung may mga Google Adsense Content lang. Yup! Huhulaan ko kayo sa pamamagitan ng Google Ads sa inyong mga balay.

Siyempre ayaw ko namang mapagbintangang isang bulaan! Gusto ninyo ng ividence na pwedeng manghula gamit ang Google Ads? Pwes tingnan ninyo ito.

 

wag

Yan ang lumabas sa aking Google Ads habang namimiss ko si manong. Swak na swak diba? Kinabahan at nagulat ako talaga dahil nabasa niya ang emosyon ko, kaya isinangguni ko kung paano ako yayaman at ito ang kanyang prediction.

pringles treasure

Hah! Sabi ko na nga ba nasa kapalaran ko ang pagsikat at pagyaman! Pansamantala sasamantalahin ko muna ang talent kong ito para magkakarir at sumikat.

Para naman dumami ang suki ko sasampolan ko kayo ng aking makapanindig balahibong talent. Kumuha ako ng tatlong chummy-chummy kong blogger na huhulaan. Wala silang kaalam-alam at sana huwag nila akong idemanda dahil wala akong pambayad sa abogado.

Madame Jojitah’s Hulanee Number 1

malen

 

indian

Exhibit Hulanee Number 1.1

Lelevel-up na ang powers ng ating EB Queen dahil pati sa India fly fly ang kanyang drama, dahil makakatagpo siya ng Indian friends dito sa sanblogospheran.

 

5-6Exhibit Hulanee Number 1.2

Si Malen ang magpapauso ng 5-6 sa sanblogospheran, inspired by her Indian friends.

 

 

alienExhibit Hulanee Number 1.3

Pati Aliens magiging friend ng aking friendly friend, at matututo siya ng alien language.

 

 

Madame Jojitah’s Hulanee Number 2

pusa

 

hateExhibit Hulanee Number 2.1

Mag-ingat sa pagba-blog dahil malamang sa malamang madiskubre ito ng iyong boss at mainsekyur sa iyong kagandahan maging mitsa para pahirapan ang iyong buhay.

 

paparazziExhibit Hulanee Number 2.2

Magiging isang Top Mowdel si Pusa at hahabulin siya ng sandamakmak na paparazzi.

 

 

horoscope

Exhibit Hulanee Number 2.3

Mas naniniwala si Pusa sa Horoscope kesa sa pinagsasabi ko.

 

 

Madame Jojitah’s Hulanee Number 3

ambo

 

diabetesExhibit Hulanee Number 3.1

Mag-ingat sa kinakain dahil baka magka-diabetes ka Ambo. Maglalayo muna sa mga sweet kagaya ni Malen at Reyna.

 

 

 

baratExhibit Hulanee Number 3.2

Malas ang mapapangasawa mo Ambo dahil titipidin mo ang inyong kasal. Maipapayo kong pagbutihin mabuti ang kumikitang kabuhayan para magkaroon ng magarbong kasal.

 

timeExhibit Hulanee Number 3.3

Pero para magkaroon ka na ng pakakasalan kailangan mong imanage ng mabuti ang iyong oras.

 

 

 

 

Yan po ay 95% accurate. Sa mga may reklamo pumunta kayong barangay. Sa mga gustong magpahula, iemail lang ako sa email address na nasa ibaba. Mura lang at may tawad.

 

Bookmark and Share
diva. 80% babae - 20% bakla. echosera. mahadera. blue curlers. komikera. gandang walang maliw. chovarloo addict. chism person. world peace enthusiast. 1 3/4's na OA. stressed-out poreber. spontaneously sweet. walking disaster. mishaps princess. with golden heart. poreber inlabs. sorta-kinda-medyo feeling goddess. girl-next-window. reyna ng tralala. etc. etc. etc.



SOME KINDA-MEDYO KAPAREHONG POSTS-SLASH-ENTRIES

15 Comments

manilenyaNo Gravatar Unknow Unknow  on December 21st, 2007



mwahehehehehe kulet naman nitong post mo . kurak yang sa mga google adsense na yan, alam mo minsan nga e nakita ko pa mismo sa adsense sa gmail account ko yung blog ng isang kaibigang blogger e as in meron pala ding ganun ano, yung ibang blogger binabayaran para magsulat ng sponsored entries, yung iba naman e nagbabayad ng ads para mas makilala sila.

ang kyut ng balay mo :)
manilenya’s last blog post..Mommylenya fears

talak ni jojie:

ate melai!!!!!!!! *bighugs!*

gusto mo ding magpahula sakin? free of charge! charge to experience lang. hahahahaha!

replytsina

pusaNo Gravatar Unknow Unknow  on December 21st, 2007



bwahahahhaha juice ko kelangan talaga kitang makita in person jojitahhh!!!! bilis kahit tayo lang 2 sa 26!!!!

pusa’s last blog post..goodbye

talak ni jojie:

huwag pusa.. huwag.. huwag po.. hahahahaha! e san ba yang sa 26? baka naman sa hongkong pa yan wala akong pamasahe ha! hahahahaha!

replytsina

reyna elenaNo Gravatar Unknow Unknow  on December 21st, 2007



HAHAHHAHA BALIWW!! DA BEST TALENT I HAVE EVER EVER EVEEERRRRR SEEN READ AND EVERYTHING! HAHAHHA!

Nagbago na isip ko about Ambo! Titigil ko na panliligaw sa kanya! BHARAT MATRIMONY pala ha? Gusto ko pa naman nakasakay sa karwahe puntang catidral! Eh baka abutan nito ako pa ang tigatulak nang karwahe!

I LOVE YOUR TALENT DAY! Super uber yong hula mo ki Pusa at greatest ever ang Indian hula mo sa asawa ko! HAHAHAHA I can’t get enough of this! Parang gusto kong iblag ang blag mo! HAHAHHA

reyna elena’s last blog post..20 very personal questions answered

talak ni jojie:

aktwali mudra kasama ka sana sa hulanee lineup ko, kaso wala kang google ads! paano ko mababasa ang iyong kapalaran!? hahahahaha!

replytsina

malenNo Gravatar Unknow Unknow  on December 21st, 2007



anak ng madame auring yan! kakagising ko lang pero na HYPER ako dito sa HULANEE mo!!!!!!!!!

hahahahahhahahahaa

nakakahimatay ka jojie! I lab it! hahahahah

malen’s last blog post..The BEST TAG/MEME for Everyone!!

talak ni jojie:

uy pag nagpa 5-6 ka na isa ko sa pautangin mo ha. hahahahaha!

replytsina

manilenyaNo Gravatar Unknow Unknow  on December 21st, 2007



hehehe mukhang may namiss ako ha….asawa ba ni reyna si daddee ambo? lol!

manilenya’s last blog post..Mommylenya fears

talak ni jojie:

dalawa ang asawa ng reyna ate melai. si ambo at si malen. hahahahaha!

replytsina

AmboNo Gravatar Unknow Unknow  on December 22nd, 2007



hahahahaha fotek ang galing mo talaga sa mga gimik, patawa, at kung ano-anong ka ek ekan lols. Kaya dumadami ang pans ng blog mo eh. naku maraming salamat sa iyong hula madame jojita, malaki ang maitutulong nyan. teka anong barat? wala ngang datung barat pa! hehehe. teka, ung entrecard pwede ka dun kahit tagalog tong blog mo hanukaba.

Mommylenya I MISS YOU!!!!!!!!!!!!!!!!

Ambo’s last blog post..Entrecard An Online Business Card

talak ni jojie:

walang anuman ambo. hahahaha! swak ba ang hula ko? irefer moko sa mga kakilala mo ha. LOL!

replytsina

manilenyaNo Gravatar Unknow Unknow  on December 22nd, 2007



dadeeeeeeeeeeee amboooooooooooooo!! mess u tooooooooooooooo!!!!

manilenya’s last blog post..Mommylenya fears

replytsina

manilenyaNo Gravatar Unknow Unknow  on December 22nd, 2007



hehehe sige nga jojitah hulaan mo ako …. wag yung nakakatakot ha kasi baka hindi na ko magising kaiisip ng magiging hula mo lol!

manilenya’s last blog post..Mommylenya fears

talak ni jojie:

o sige ate melai, pag-aaraaln ko ang gulong ng iyong adsense. LOL!

replytsina

MisyelNo Gravatar Unknow Unknow  on December 22nd, 2007



Ang kulit talaga ng mga post mo sister! Kakaloka ka!!! Pero mukhang totoo nga ang mga hula mo ahh, parang gusto ko din magpahula bigla nyahaha!

Maligayang Pasko sa’yo!

Misyel’s last blog post..Galing mo!

talak ni jojie:

ano pa hinihintay mo maggoogle aadsense ka na! hahahaha!

replytsina

xienahgirlNo Gravatar Unknow Unknow  on December 22nd, 2007



nagulat ako doon ah
weow
palagay ko
ito na ang sasagot
sa kahirapan ng mga
magagandang tulad natin
hahaha :)
astegg
di ko naisip yun ah?
galeng galeng

talak ni jojie:

xienah!!! idol!! wuhooo!!! salamat sa pagdaan dito sa balay ko. ;) nilink kita ha.

replytsina

reyna elenaNo Gravatar Unknow Unknow  on December 22nd, 2007



@melai, anobehhh!!! hahaha! kung nakita mo yong Iskandalong ginawa ko sa Baguio City, dun ko pinakasalan si Ambo tsaka si Malen! hahahahaha!!!! Querida lang si Pusa at Ruthir. Di ko napakasalan eh! hehehe

reyna elena’s last blog post..el embajador filipino en espana el gusto maging espanol sitizen?!

replytsina

manilenyaNo Gravatar Unknow Unknow  on December 22nd, 2007



@reynz, ganun ba? hehehehe kailangan pala mahanap ko yung archives :) ..abah abah naman galeng si malen at si dadde ambo pinakaslan mo? e tuhog queen ka pala e lol!

manilenya’s last blog post..Mommylenya fears

replytsina

JennieNo Gravatar Unknow Unknow  on December 22nd, 2007



blog hopping lang sis. napadpad ako sa balay mo at ako namay di nagsisi. sobra akong naaliw. ang kulit ng post mong ito. maligayang pasko po! :-)

talak ni jojie:

hi jennie! salamat at hindi baligtad ang iyong damit kaya naligaw ka dito. hahahaha! balik ka ha. ;)

replytsina

jenifferNo Gravatar Unknow Unknow  on December 22nd, 2007



naku panu yan wala akong google ads.. haha.. tsk! seryoso ka ba dun? huhuhu..

talak ni jojie:

jeniffer!!! kumusta si bulak? errr.. ang luma ko. hahahaha! salamat sa bisita. ;)
yan ang bago kong sisimulang karir. LOL!

replytsina

KotsengkubaNo Gravatar Unknow Unknow  on December 23rd, 2007



ahehehe, magpapahula din sana ko kaso nakita ko na yung picture ko sa altar sa kanan. hahaha, salamat po jojitah!

receive mo na ‘yung e-card ko. hehehe, merry christmas and a happy new year!!!

Kotsengkuba’s last blog post..Photo Story WK750

talak ni jojie:

kotsengkuba!!!!! walang anuman… kung mayaman lang ako napadalhan sana kita ng totoong kotsengkuba. echos!!!! hahahaha!

replytsina

Leave a Comment