Ronito ko?
Six days na lang paksiw pasko na. Sobrang nanunuot na sa muscles ko ang ginaw. Hindi na nga ako makalabas ng bahay na walang dalang jacket. Sobrang hirap na maligo sa umaga, hindi na ako makapag-konsiyerto sa banyo dahil umurong ang vocal chords kong insured.
At habang padating ang pasko, paubos din ng paubos ang pera ko. Anak ng putakti! Parang dumaan lang sa palad ko ang 13th month bonus ko. Ni hindi man lang ako nakabili sa sarili ko. Hays. Pero ok lang. Daanin ko na lang sa ganda. Masilayan pa lang ang fez ko malamang merry na ang Christmas. Charing!
Meron pa pala akong dapat i-accomplish! Akala ko tapos na ang pag-iisip ko sa mga makabuluhang regalo kagaya ng mug at keychain. Meron pa akong RONITO.
Sa sobrang kabusyhan ko sa anik-anik, pansamantalang nawala sa brain ko ang Ronito/Ronita dito sa blogosphere. Nagulantang tuloy aketch ng makatanggap ako ng email tungkol sa details kung sino ang Ronito ko.
Eto ang problema ko:
- Hindi ko masyadong knows ang Ronito ko.
- Madalang akong dumaan sa kanyang balay kaya hindi ko alam kung ano ang mga trip niya.
- Malamang hindi niya din ako knows.
- Wala na. Gusto ko lang magpaka-OA na malaki ang problema ko.
Uy kayo? Sino ang inyong Ronito/Ronita?

diva. 80% babae - 20% bakla. echosera. mahadera. blue curlers. komikera. gandang walang maliw. chovarloo addict. chism person. world peace enthusiast. 1 3/4's na OA. stressed-out poreber. spontaneously sweet. walking disaster. mishaps princess. with golden heart. poreber inlabs. sorta-kinda-medyo feeling goddess. girl-next-window. reyna ng tralala.
pusa
on December 19th, 2007
pag sinabi ko ba na ikaw ang ronito ko sabihin mo kun ano gusto mo?
pusa’s last blog post..partee
replytsina