I’m sooo bored… Charing! Ang totoo medyo tinatamad lang ako ngayong araw na ito. Mabigat ang katawang parang sinaniban ng 50pcs na hallow blocks. Parang gusto kong humilata lang maghapon, yung parang nag-aabang na may magbabato sa akin ng limpak-limpak na salapi. Hindi pwede, kailangang kumayod kundi wala akong ipapambili ng uber na sosyal na regalo para sa pasko, echos! Ayoko ng bumalik sa pagiging bum kung magpapaloko-loko ako sa trabahotsina ko ditech sa lupang tinubuan ni Rizal. Kaya nga kahit blogging ang priority ko above all e discrete mode ang drama ko na parang isang kloseta pagdating dito sa opisina.

Naalala ko tuloy yung mga panahong wala akong ginawa kundi magpalaki ng pu… hunan dahil binalak ko na lang magpalago ng negosyo. Kumikita ako kahit papano pero bum pa din ang tawag ko sa sarili ko. Wala lang feeling ko ansosyal. Lukaret ako e.

Matagal-tagal din naman akong naging bum noong araw and take note! make that in a big note! Ako ang pinakamagandang bum noon ha. Kilabot ako ng constru at tricycle driver sa amin. Napapatahimik ang buong TODA chenilling sa angkin kong charisma at kagandahan. Pero hindi ko keri ang mga boladas nila dahil sinisingil pa din nila ako sa pamasahe. Hindi ko sila pinapansin dahil I know and I feel deep deep down in my heart that I’m destined to be a diva.

Pero siyempre lahat kailangan ko munang pagdaanan para sa colling of divaness. At ang first step maging sekretarya-slash-assistant-slash-tagatawa-sa-corny-jokes ng porn-addict na Maintenance Supervisor sa isang hindi-knows na kumpanya dito sa bayan ng buko pie at sandamakmak na grasa boys.

Keri naman dito, pero wit ko balak magtagal dito. Hindi ako yayaman dito kahit abutin pa ako ng pagputi ng buhok dito. Stepping stone lang ito sa pagsunod ko sa aking colling – to become the greatest diva of all the diva in the whole wide universe.

Ieenjoy ko muna ang stay ko dito hanggat hindi pa ako nakakakita ng susunod na tuntungang bato [stepping stone]. Dito muna ako magmamaganda.

 

Bookmark and Share