Napapansin ko nangangawala ang karamihan ng bloggers lately. Yung dating 3x a day gumawa ng post/entry, ngayon once a day na lang. Yung dating everyday gumawa ng post/entry, ngayon every other day na lang. Ang mga masipag mag-ikot-ikot sa mga blogs na parang nagwiwindow shop lang ngayon napuna kong tinatamad.

Hmmm… I smell something fishy and it’s not me. Ano ang nangyayari sa sanblogospheran at parang may nalalapit din na kudeta attempt. Hindi imposible diba? May blog din ang mga Introboys no.

Iilan lang naman ang pwedeng dahilan na naiisip ko at alam kong eeksakto lahat ng hula ko na hindi nangyayari sa akin pag tumataya ako sa lotto.

  • ~Busy sa pagsashopping. Nakipag-away sa pera. Nagtalo kung si Rudolph ba ay gay o straight. Kaya ayun ginagastos, ni ayaw na mahawakan.
  • ~Nagsisimula ng magtago sa inaanak. Baka ma-trace sa internet at dito pa kulitin sa aguinaldo.
  • ~Busy sa pagpapayaman.
  • ~Naarkilang maging Santa Klaws sa Mall.
  • ~Nirayuma ang mga daliri sa ginaw kaya hindi makatipa sa keyboard.
  • ~Tinubuan ng buni sa tooot!

Gaano man kayo lahat kabusy, andito lang ako at ang balaytsina ko. Nag-aantay ng regalo. ;)

 

Bookmark and Share