Namiss kong gumawa ng topten anik-anik ko. Kaya eto na, ang nagbabalik na Jojie’s Top Ten Anik na galing sa aking mahiwagang banga.
JOJITAH’S TOP TEN WAYS TO HAVE A MERRY… GALO

10
Mag-social climb. Mag-seminar sa mudra kong si Reyna Elena.
9
Mag-gate crash sa mga xmas parties at magnakaw ng mga regalo.
8
Parinig 101. Magparinig sa kamag-anak, kaibigan at kakilala na kailangang-kailangan mo ng regalo at yun na ang magsasalba sa katinuan mo.
7
Mamanata sa lahat ng Santo lalo na kay Santa Klaws.
6
Salihan lahat ng gameshow at pagsasama-samahin ang napanalunan. Ibili lahat ng regalo para sa sarili mo. Siguraduhing i-gift wrap para ma-excite ka naman kahit papano.
5
Isumbat ang mga nagawang kabutihan sa kapwa.
Halimbawang Dialogue:
“Hoy kumare! Kung hindi dahil sa mga left-over naming ulam na de-klas na ibinibigay ko sa’yo e malamang malnourished na ang mga anak mo ngayon.”
4
Be extra friendly. Kung dati pinaliliguan mo sa kaplastikan ang tao sa paligid mo ngayon ilevel-up mo na at lunudin mo sila sa kaplastikan.
3
Mag-organize ng madaming xmas party kagaya ng College Friends Xmas Party, High School Barkada Xmas Party, Elementary Barkada Xmas Party, Katsismisan sa Subdivision Xmas Party, Suking Tinderas sa Palengke Xmas Party, at kung ano-ano pang party.
2
Kubrahin na ang mga regalo mo para sa birthday, anniversaries, monthsaries, house blessing, at balentayms.
1
Mag-orasyon 3 beses isang araw bago magsepilyo.
Chant:
“Whammy… Whammy… Ayoko sayo! Whammy alis diyan! Gusto ko ng Regalo… Regalo… Regalo!”


diva. 80% babae - 20% bakla. echosera. mahadera. blue curlers. komikera. gandang walang maliw. chovarloo addict. chism person. world peace enthusiast. 1 3/4's na OA. stressed-out poreber. spontaneously sweet. walking disaster. mishaps princess. with golden heart. poreber inlabs. sorta-kinda-medyo feeling goddess. girl-next-window. reyna ng tralala. 




11 Users Response In This Post
Bwahahaha langya tawa ako dito ah. Ibang klase talaga tumakbo yang utak mo Ninang Jojita! Namamasko po! hahaha
Ambo’s last blog post..Pasko sa Pinas
replytsina
wehehehe.. whammy whammy gusto ko din ng regalo layas whammy!
rhapsody’s last blog post..almost two years ago
replytsina
juice ko susundin ko lahat ng payo mo ninang jojitah!!!
“Be extra friendly. Kung dati pinaliliguan mo sa kaplastikan ang tao sa paligid mo ngayon ilevel-up mo na at lunudin mo sila sa kaplastikan.” - kelangan kong karirin ito hahaha =)
pusa’s last blog post..38 forbidden questions
replytsina
kubrahin ha? mangungubra na ako ngayon palang, jojitah… ahem.
replytsina
jojitah!!! kalukring naman tong post na to!! parang ang sarap mong maka-EB dahil mukhang wala tayong gagawin kundi tumawa at magpalabas ng masamang hangin.
winner!!!
chuva’s last blog post..Successful Teleserye “Maging Sino Ka Man” due back on December 10th.
replytsina
oist, attend ka ng party ng mga seksi at gwapong bloggers. exclusively for us lang ‘to. magyaya ka na rin. walang entrance fee - face value lang ang puhunan. hahahaha! pwede na bang pang-invite sa party????
jeck’s last blog post..How beautiful is your lolo?
replytsina
heheheh! e makulet ka pala sa di lang makulit e
manilenya’s last blog post..Show and Tell (Bag)
replytsina
natawa ako dito jojie. na-prove mo na bang effective? hehe
replytsina
namamasko po!
eh kung susundin mo nga naman yang nasa list mo eh mapupuno na yung bahay mo ng regalo. pinakagusto ko yung mag-gatecrash sa mga xmas party..hehe!
replytsina
waah! ang kulet ng divah! ang ganda ng #1. hahaha.
antuken’s last blog post..eto mga lab ko (tag)
replytsina
Wahahaha!!!!! Hahaha gusto ko yung # 8 at # 5 heheheh!!
Ang lupet talaga!!!!
menggay’s last blog post..TITA NA SI MENGGAY!!!!!!!Part 1
replytsina
Leave A Reply Here