Introboys

Anak ng balyenang may almuranas o! Akala ko pa naman magkakagiyera na sa Pilipinas. Tsk! Inihahanda ko pa naman na ang sampung kabang bigas at isang truck na de lata para sa pag-hahibernate ko kung sakaling magkagiyera man at magkudeta. Pero dahil false alarm ibabalik ko na muna ang bigas at de lata na kung sakali ay hindi ko alam kung paano ko babayaran.

Pero naloka aketch nung nakaraang Huwebes, paano ba naman humahangos ang boss kong porn-addict sa opisina at nagtatatalak ng “may kudeta!” na akala mo siya ang nagdeklara. Ako namang si gaga nataranta at sumilip agad sa internet nanginginig-nginig pa. Hano?! Sa Makati ulit?! At si Papable Trillanes agen?! Ewan ko ha, pero may pakiramdam na ako na gusto lang nilang pataasin ang halaga ng dolyares at alugin ang nunal ni PGMA.

Hindi naman pinatulan ng iba ang kudetatsina na ito na may motto rin yatang “World Peace” kaya ayun sukuan chovarloo ang nangyari matapos teargasin . Helloooo… Tear gas lang yun, e parang ganun na din naman ang usok sa Maynila. Hindi naman sa gusto kong magkagiyera-giyera no pero bakit ba may pakiramdam akong ang nagpasimula nito ay member ng Intovoys. Puro intro lang walang chorus! At atras betlog agad makaamoy lang ng tear gas. So disappointing. Oo na, sige na, World Peace na ulit.

Ano ba ang foint ko? May nagawa ba ang kudetatsina na flop na ito para sa sambayanang Pilipino? Hindi ko nagagawa ang parte ko bilang Pilipino, aminado ako dun and I’m not proud of it. Pero kung ako ang maghuhurumentado sisiguraduhin kong hindi masasayang ang effort ko with a capital E. Capital Echos!

Ok back to regular programming.

 

Bookmark and Share
diva. 80% babae - 20% bakla. echosera. mahadera. blue curlers. komikera. gandang walang maliw. chovarloo addict. chism person. world peace enthusiast. 1 3/4's na OA. stressed-out poreber. spontaneously sweet. walking disaster. mishaps princess. with golden heart. poreber inlabs. sorta-kinda-medyo feeling goddess. girl-next-window. reyna ng tralala. etc. etc. etc.



SOME KINDA-MEDYO KAPAREHONG POSTS-SLASH-ENTRIES

15 Comments

reyna elenaNo Gravatar Unknow Unknow  on December 1st, 2007



“ayun sukuan chovarloo ang nangyari matapos teargasin . Helloooo… Tear gas lang yun, e parang ganun na din naman ang usok sa Maynila”

HAHAHAHAHAHHAAHAHA!!!

reyna elena’s last blog post..Chapel of the social climbers

replytsina

reyna elenaNo Gravatar Unknow Unknow  on December 1st, 2007



tita! pede namang (hahaha lukaret ka talaga! di matapos tapos komento koo hahaha) anyway - kausapin mo inutangan mo - gawing 4 gives - meyat meya isa ang bayad.

talak ni jojie:

magtatayo na sana ako ng sari-sari store kung nagkataon. hahahaha!

reyna elena’s last blog post..Chapel of the social climbers

replytsina

MalditoNo Gravatar Unknow Unknow  on December 1st, 2007



magdiwang!yan ang group name natin instead of magdalo..ikaw ang leader..ah basta enjoy ako sa stage show ni trillanes….dinaig pa si dolphy sa patawa…ang ganda ng effects..may tanke, may guns and pulis pulisan…i larve it..parang truths na GI Joe….i larve italaga…yan na ba ang bagong reality show ng ABS?ahehehe..

talak ni jojie:

e sana ginawa na lang nilang reality show no. LOL!

replytsina

malenNo Gravatar Unknow Unknow  on December 1st, 2007



akala ko mapapa kanta ako…heaven knows I’ve done no wrong…if i ever have aline to heaven i swear…

hahahahhaha…jojitah ka talagaa!!!

talak ni jojie:

oi! oi! oi! fan ka ng introvoys no?! hahahaha!

malen’s last blog post..What Trillanes has done to Manila Peninsula

replytsina

Be The Blog Awardees Unknow Unknow  on December 2nd, 2007



[...] Jojitah - Eto ang da moment na nabasa ko yong blog nito eh na-opium yata ako. Either that o nag-hire sya nang mangkukulam! Sana nameet ko sya dahil handa ko syang pakasalan sa skating rink nang megamol! Every entry ni Lukresia talaga namang nababaliw ako sa kabang kabang adyinomotong ipinasta sa site nya! [...]

pusaNo Gravatar Unknow Unknow  on December 2nd, 2007



ay lab yu talaga jojitah! ibang level ang kalukringan mo gurl! =)

Ewan ko ha, pero may pakiramdam na ako na gusto lang nilang pataasin ang halaga ng dolyares at alugin ang nunal ni PGMA. - trulili ititch walang halong eklavu

wala naman balls talaga yan si trillanes eh hahaha

talak ni jojie:

aylabyu pusa!!! hahahaha! ay naku sister feeling ko nga frustrated na taartits lang yan si trillanes o di kaya attention whore. hahahaha!

pusa’s last blog post..38 forbidden questions

replytsina

reyna elenaNo Gravatar Unknow Unknow  on December 2nd, 2007



PUSA?! IS DOT YO? HAHAHAHA!!! You are spokening maximum high leveleyshus gay linggo nang wika!!! hahaha! wat hapen?! hahahaahaha!!!

talak ni jojie:

bakit ganun mudra pag si pusa ang nag-gay lingotsina parang ansosyal pa din ng dating. layp is unfair!!!! hahahaha!

reyna elena’s last blog post..No Remit Days 1-5 bawat buwan

replytsina

reyna elenaNo Gravatar Unknow Unknow  on December 2nd, 2007



Oopppsss… sori. Teka… Walang balls si Trillanes?! Tsk! Tsk! Tsk! Eh ano lang ang andun? Basta isang mahaba? Gulo ako… hehehe

talak ni jojie:

baka tatlo ang kanyang???? wtf?! hahahaha!

reyna elena’s last blog post..No Remit Days 1-5 bawat buwan

replytsina

angelNo Gravatar Unknow Unknow  on December 2nd, 2007



hahahaha.. ayos ah!! tamang echos lang :D.. eh kasi naman wrong timing talaga itong si fafa trillanes eh. nakuu..

talak ni jojie:

echosero din diva? hahahaha!

angel’s last blog post..Oh So Sad?

replytsina

isagani rxNo Gravatar Unknow Unknow  on December 3rd, 2007



Thank you, ikaw ang unang nagpatawa sa akin sa araw na ito!

talak ni jojie:

walang anuman isagani… :D

isagani rx’s last blog post..The Winning That Will Make You Lose More Money

replytsina

AZRAELNo Gravatar Unknow Unknow  on December 3rd, 2007



wahahahaha! wala pa rin kupas ang mga banat mo joji! INTROVOYS ampft! nyahahahaha! panalo!

talak ni jojie:

oi! maiba lang ha.. pasalubong ko pards!!!!!! hahahaha!

AZRAEL’s last blog post..Iiyak kaya ako???

replytsina

paoNo Gravatar Unknow Unknow  on December 3rd, 2007



lam mo, maraming magsasabi na well-intentioned naman sina introvoys. at naging brave lang sila sa pag-challenge ng status quo. sa palagay ko lang, hindi talaga nakakatulong sa bansa ang mga ganitong eksena. nakakahiya.

i tagged you, by the way: http://nonstandardized.com/lifelog/?p=1433

talak ni jojie:

yun na nga e.. sana pinagisipan nila kungmakakatulong ba talaga yung ginawa nila, lalo na sa panahong ito. hay! kunsumisyones ang inabot. :)
pao baka mag-pass muna ako sa tag mo. :(

replytsina

menggayNo Gravatar Unknow Unknow  on December 3rd, 2007



hahhaha..Akala ko nga marshall law na…Hintay ako ng hintay magbarilan…waaa as in wala na nga pinag iba ang teargas sa usok ng maynila. Kaloka nga ang araw na yOn hahaha!!! kamusta naman ang mga kaban kaban bigas…. hahahaha!!! :)

talak ni jojie:

ako na lang ang mamimigay ng kabang-kabang bigas sa pasko. echos!!! hahahaha!

menggay’s last blog post..Yuck?.!!!!!

replytsina

rhapsodyNo Gravatar Unknow Unknow  on December 3rd, 2007



weheheheh ndi man lang natinag ang nunal ni GMA

talak ni jojie:

naman! parang wala lang.. ampft!

rhapsody’s last blog post..almost two years ago

replytsina

JoviNo Gravatar Unknow Unknow  on December 5th, 2007



Introboys talaga! Dahil hanggang intro lang magaling! Buti na lang, Kagandahang Diva, at di tayo nagawi sa Manila Pen nang araw na yun para kumain ng goto, kung hindi na hassle din siguro tayo jan sa kudetang yan! Hmp!

talak ni jojie:

trulili jovi girl! buti di ako inantok at napagbalakan kong sa Manila Pen magsiyesta kundi mainit ang ulo ko dahil maalimpungatan sigurado ako sa mga linsyak na introboys na yan. lol!

Jovi’s last blog post..I Carry You in my Heart

replytsina

Leave a Comment