Beauty Plus Sexiness
Dahil amoy na amoy ang kagandahan at kaseksihan ko mula Batanes hanggang Jolo, nabigyan tuloy ako ng pinakamagandang Pusa sa balat ni mother earth at mas maganda pa kay Cat Woman ng Byutipul at Sexy Blogger Award. I so deserve this… No questions asked, tanggap ko agad. Parang inihulma ang mga awartsina na ito sa pagkatao ko. Buti na lang hindi Best in Humbleness ang award na kumakalat ngayon dahil siguradong walang papansin sa akin na ganda lang ang meron.

Ay lab it!
Dahil nagkalat naman ang magaganda at seksi dito sa sanblogospheran, e ipasa ko itong awardtsinas na ito bago pa man mapanis. Masyado akong busy lately kaya wala akong panahong mangalap ng piktyures at gumawa ng slideshow kagaya ng nasa ibaba. Trip ko sana yun para naman abangan nila kung lalabas ba ang fez nila.
Eeekk!!! Magic! Nagka-slideshow bigla! Echos!
Sa mga hindi nakakita ng mga sarili nilang fez sa slideshow na yan ay tatlo lang ang kadahilanan.
1. Hindi ako nakakuha ng inyong piktyores kahit na nakatalikod o talampakan lang ang kita.
2. Hindi ko pa kayo knows. So why don’t you give me a call and let’s talk about the weather of Timbuktu.
3. Tinamad na ako.
Sa lahat ng female blogistas, we are all pretty and sexy. Ang kumontra tatadtaring parang bopis!
![]()

diva. 80% babae - 20% bakla. echosera. mahadera. blue curlers. komikera. gandang walang maliw. chovarloo addict. chism person. world peace enthusiast. 1 3/4's na OA. stressed-out poreber. spontaneously sweet. walking disaster. mishaps princess. with golden heart. poreber inlabs. sorta-kinda-medyo feeling goddess. girl-next-window. reyna ng tralala.
malen
on November 24th, 2007
ahahaha…tenchu…we so deserve this agen..sabi mo nga..panalo talaga ang mga litanya mo….
inferness ang pic ko jan ha…sandamakmak!!!! hahahahaha…ilabyu!!!
malen’s last blog post..Me and My Sponkie
replytsina