Chuvaness Adventure
Laging merong dalawang mukha ang istorya, sabi nga ni Tito Boy Abunda na hindi ko totoong Tito. Kaya ito ang version ko ng EB namin ni Malen aka Chuvaness aka Nosebleed Queen aka EB Queen.
First EB ko ito sa aking buhay blogista. Na-excite naman ako at si Malen ang unang makaka-experience ng kadivahan ko. I knew it all along na si Malen talaga ang itinadhanang unang makasilay sa ganda kong walang maliw. Swak na swak ang description ni Jojo Acuin nung pahulaan ko ito sa kanya at alam kong alam niyo na ang susunod kong sasabihin [all together now], echos!
Ang totoo
Call time 1:00pm sa may LRT Gil. Puyat Station. Hindi sa gitna ng riles ha. Dun sa baba sa may sorta-kinda Mall chovarloo.

Pero dahil ngarag pa si Malen galing trabaho e nagpahintay siya ng hanggang 1:30pm na inabot ng 2:00pm. So may I wait ang beauty ko kaya piktyur-piktyur muna. Habang nagpipiktyur may tumabi sa aking lalaki na gusto yatang idisplay ang abs niyang libagin [sinilip ko] dahil nililis nya ang t-shirt niya. Deadmatology 101 ang subject ko kaya lumayas din sa tabi ko ng nahalatang nadidiri ako kesa naaakit.
Nanghihinayang ako na hindi ko napiktyuran ang itsura ni Malen nung makita niya ko.
Nawala ang hiya ko kay Malen ng pagsakay namin ng Taxilaloo e may I abot siya ng pasalubong niya sa akin from

Hindi na napigilan ni Malen at inumpisahan na niya ang aking photoshoot sa taxi pa lang. May foint naman kasi siya na “everything should be documented” kaya pati ang sosyalin kong relo na hindi Rolex e may napiktyuran ever.

Naloka kami sa dami ng tao sa MOA pagdating namin doon. Nagkalat ang mga bagets at not-so bagets. Wit namin alam kung saan kami susuling dahil nagkakanda dokleng-dokleng kami sa dami ng utaw in all forms and sizes. Pero hindi yun nakahadlang sa aming tsismisan galore habang hinahanap namin ang mahiwagang sinehan. Madami-dami din kaming napagtsismisan na juicy at ikalalaki ng mga ano mata niyo.
Kagaya nga ng naikwento ko nung isang araw madami ang nanood ng One More Chance kaya walang nagawa si Malen kundi pagbigyan ang hilig ko na umupo sa bandang unahan. O wag OA, second to the front row naman ang pwesto namin no. Na-enjoy namin yung movie, at talagang itinadhana na si Malen ang makasama ko kasi nakeri niya ang kababawan ko, kahit nagtyaga lang kami sa Pepsi naming puro tubig. After ng movie walang patumanggang kwentuhan, kumain, piktyuran, piktyuran at piktyuran. Pati sa banyo hindi namin pinatawad.

Sobra talaga akong natuwa na halos ika-tumbling ko ng 360degrees dahil madami kaming pagkakapareho. Hindi lang ako ang Art Enthusiast, Dalagang Pilipina at Next Top Mowdel. Si Malen din! Talagang itinadhana kaming magtagpo.



Napagod kami kakatawa at kakapiktyur, ngayon alam na namin ang feeling ng nagpipictorial at mapagkamalang bagong




Grabe ang bonding namin that day. Nakakapagod, sa kakatalak at kakatawa. Saya. Hindi talaga nagkamali ang tadhana. We’re meant to be friends, afterall same feathers is just a skin dip, este! flocks together. Lab ko si Malen hindi dahil sa pasalubong, earrings at loads of fun na hatid niya kundi dahil she really is a one amazing person. Beautiful in and out.

We’re so damn pretty! Oh yeah.. Oh yeah..
![]()

diva. 80% babae - 20% bakla. echosera. mahadera. blue curlers. komikera. gandang walang maliw. chovarloo addict. chism person. world peace enthusiast. 1 3/4's na OA. stressed-out poreber. spontaneously sweet. walking disaster. mishaps princess. with golden heart. poreber inlabs. sorta-kinda-medyo feeling goddess. girl-next-window. reyna ng tralala.
menggay
on November 23rd, 2007
Wow.. Nakakatuwa naman nagkita na chuvaness at ang divah…
ang keyut keyut po ng mga pix nyo…
At ang mga pose ang kukuLit hahaha!!!!
replytsina