Project Lafftrip Laffapalooza

project Lafftrip LaffapalloozaNahirapan ako sa pakontes na ito ni Badoodles ng Kwentong Barbero. Sa dami ba naman ng blogs na nakakapagpatawa sa akin dahil sa totoo lang mababaw lang naman talaga ako. Top 5 lang ang hinihingi. Hayss. Kaya ako eto mega-stretch sa aking memory kung sino ba sa kanila ang magaling sumipsip sa akin pinaka-nakakapagpakabag sa akin na dahilan kung bakit medyo polluted ang hangin dito sa opisina.

Let’s get it on!

1. Maldito “Maldito At It’s Finest” ~ isa ding pavirgin, at gustong mang-hiram ng curlers ko. Kulang pa siguro sa energy kaya kailangan ng baterya ko.

2. Goddess MARU “MARUISM” ~ ang kakabog kay Ruffa Mae Quinto, Ai-Ai delas Alas at Tiya Pusit.

3. Malen aka Nosebleed Queen turned EB Queen “Chuvaness” ~ ang babaeng gustong panawan ng ulirat dahil sa balinguyngoy.

4. Mahal na Reyna “Reyna Elena” ~ author ng Social Climbing 101.

5. Jojitah the Diva “SPONTANEITY” ~ dahil sayang ang frize, yun lang.

Para sa mga gusto ding sumali at bumoto ever eto ang mechanics:

1. Kailangang may sarili kang blog.

2. Iboto ang iyong 3-5 peyborit humor blogs sa pamamagitan ng pagpo-post tungkol sa mga ito sa iyong blog. I-rank ito mula Number 1 hanggang Number 5.

3. Ang mga binotong humor blogs ay magkakamit ng kaukulang boto:
- Number 1 – 5 votes
- Number 2 – 4 votes
- Number 3 – 3 votes
- Number 4 – 2 votes
- Number 5 – 1 vote

4. Ang title ng iyong post ay pwedeng “Project Lafftrip Laffapalooza”, “Super Cool Blogs”, “Best Humor Blogs”, “5 Blogs Na Nakakatawa” o kahit anong title na maisip.

5. Ang iyong post ay pwedeng in ispokening inglis o Tagalog.

6. Sa iyong post kelangan mong banggitin na sumasali ka sa Project Lafftrip Laffapalooza at i-link ang site ng http://kwentongbarbero.com

7. Kung sa tingin mo ay isa ka ding humor blog, pwede mong iboto ang sarili mo. Matapos naming i-evaluate kung humor blog ka din, ay sasabihan ka namin kung qualified ka nga.

8. Tandaan, tatlo hanggang lima lang ang pwedeng iboto. Hindi pwede ang tie sa iyong ranking.

9. Mag-iwan ng comment sa page na ‘to para malaman namin kung may pinost ka nang peyborit blogs sa blogsite mo under Project Lafftrip Laffapalooza.

10. Kung sakaling papalitan ang ranking ng mga binoto o kaya may papalitan kang peyborit blog [nag-LQ kayo, hindi bati, etc], kelangang i-inform kami.

11. Heto ang sample entry ng pagboto.

Premyo

1. Kung ang kahit isa sa mga binoto mo ay makapasok sa final tally ng Top 10, makakasama ang pangalan mo sa bubunuting raffle ng isang independent third party committee. Ang isang mabubunot ay pipili ng kanyang magiging premyo [isa lang sa mga sumusunod]: Nokia N70 Music Edition, Sony Cybershot Digital Camera, o halagang 15,000 pesos.

2. Ang mga makakapasok naman sa Philippines 10 Best Humor Blogs ay makakatanggap ng certificates at exclusive bragging rights. Ang Top 3 sa mga ito ay makakatanggap ng ‘Oscars of Blogging’ na tropeo. Ang mga mananalo ay i-aanounce sa site na ‘to sa 2008.

May tanong? Email na lang sa dwmx2@yahoo.com

Bookmark and Share
diva. 80% babae - 20% bakla. echosera. mahadera. blue curlers. komikera. gandang walang maliw. chovarloo addict. chism person. world peace enthusiast. 1 3/4's na OA. stressed-out poreber. spontaneously sweet. walking disaster. mishaps princess. with golden heart. poreber inlabs. sorta-kinda-medyo feeling goddess. girl-next-window. reyna ng tralala. etc. etc. etc.



SOME KINDA-MEDYO KAPAREHONG POSTS-SLASH-ENTRIES

10 Comments

MalditoNo Gravatar Unknow Unknow  on November 21st, 2007



talagang dapat na akong mag vote….madami na akong utang na loob sa inyo…nyahay!!bibili ako ng sariling curlers ko..kahit walang pagsabitan…ahahahaa…..salamat…is my freesure to see my name on the list…abangan nalang yung sarling line up ko sa patintero//ahehhee..ang sarap ng curlers mo…ginawa kong pulutan sa red horse..

talak ni jojie:

gawin bang pulutan ang curlers ko?! nyahahaha! heniway.. u deserve it maldito dear. ;)

replytsina

AmboNo Gravatar Unknow Unknow  on November 21st, 2007



At talagang binoto ang sarili bwahahaha. alam ko habol mo? ung 15k kapatid! magpapasko na kelangan natin yan!

talak ni jojie:

aktwali nalilito nga ako sa tatlong frize, parang type ko silang lahat. hahahaha!

Ambo’s last blog post..Pinoy Best Humor Blogs

replytsina

malenNo Gravatar Unknow Unknow  on November 22nd, 2007



ahahahahha

panalo ka joji! binoto ang sarilli! hahahahahah…lab it! we deserve this mare sabi mo nga! hahahahahha

lol @ tya pusit!

talak ni jojie:

sabi mo nga sayang ang frize.. hahahaha..

malen’s last blog post..Clone, Mutation, Soulmates?Whatever!

replytsina

MisyelNo Gravatar Unknow Unknow  on November 22nd, 2007



uyy makasali nga dito, at maiboto din ang babaeng laging nakakerlers :D

talak ni jojie:

ahem! ahem! ako ba itech?! hahahaha!

Misyel’s last blog post..Sulat kamay..ano?ng sa ?ngalan mo?

replytsina

MARUNo Gravatar Unknow Unknow  on November 22nd, 2007



ahahayyy! nanominate ako ni jojiepie! nakiliti wekwek ko a! kelangan makasali ako dito at ng maibulalas ko rin ang aking mga peborits.
maraming salamat mahal ko…magkadugo talaga tau. hindi ka bias!

talak ni jojie:

hindi ka din bias goddess nasilip ko din ang nomination chuva mo, at may taste ka inferness. wahahahaha!

MARU’s last blog post..2008 Starbucks Planner

replytsina

Super Cool Blogs | M A R U I S M Unknow Unknow  on November 22nd, 2007



[...] JOJIE - Hindi pwedeng hindi ko ‘to maging paborito. Labs ko ang babaing ‘to na may power [...]

gastiNo Gravatar Unknow Unknow  on November 22nd, 2007



hehe! may list ka na rin pala…sasali din ako dito sayang ang 15k. sangkatutak na beer yun

talak ni jojie:

sayang talaga ang frize chienes. ;)

replytsina

kengkayNo Gravatar Unknow Unknow  on November 22nd, 2007



weeee — agree ako sa nakalista sa yo. sabi ko nga kay maru kung sasali ako sa kontest na ito e iboto ko sampu, disqualify agad si kengkay, hehehe

talak ni jojie:

ang hirap nga kasi lima lang e.

kengkay’s last blog post..365 Ways to Make Love

replytsina

Laffalooocheewa Unknow Unknow  on November 25th, 2007



[...] Project Lafftrip Laffapalooza by Jojitah [...]

reyna elenaNo Gravatar Unknow Unknow  on November 26th, 2007



Sana po manalo ako Ate Charo… hu! hu! hu! Eto na lang talaga ang pag-asa kong magkabalikan kami ni Charlie. Kelangan nya kasi *singhot* nang celfon!!! Iboto nyoooo po akooo para sa celfon!!!!!!

talak ni jojie:

magkaribal ata tayo sa selepono mudra. type ko ng palitan ang may cancer kong selepono. hahahaha! bigay ko na lang kay charlie mo yung luma ko, ok ba yun? hahahaha!

reyna elena’s last blog post..I?m one selfish beautiful and sexy blogger!

replytsina

Leave a Comment