one more chanceFinally! Meron na din akong naharbat na manood ng linsyak na One More Chance na yan. Apat sana ang naharbat ko, since yung tatlo e busy sa pag-iisip sa solusyon sa lumalalang krisis sa baha sa Metro Manila kaya hindi nila naisingit sa kanilang iskedyul na hectic na hectic. Wala akong choice kundi pagtyagaan si Malen, charing! Op kors ako ay masaya at si Malen ang naka-bonding ko. Rebyu itech kaya isantabi muna natin ang kwento ng sagupaan namin ni Malen kahapon. Baka matabunan namin ni Malen ang Box Office na Movie.

Box Office siya dahil hindi maikakaila na madaming nanood, tuwang-tuwa naman ako sa nangyari dahil sa daming nanood e sa 2nd to the front row kami napapwesto ni Malen na halos ikalerky niya at gusto yatang panawan ng ulirat. Hindi niyo na din naitatanong na hindi ko nga ba alam kung bakit, mahilig talaga ako pumuwesto sa front row ng sinehan. Wala lang. Aliw na aliw lang akong nakikita pati pores at blackheads ng mga artista, feeling ko they’re not-so perfect at kaya ko lumebel kung blackheads at blackheads lang din ang pag-uusapan.

Heniways, dahil isa akong henyo pagdating sa pangookray e hindi nakalusot sa akin etong One More Chance na itech starring John Lloyd Cruz na hindi ko alam kung kamag-anak ni Tirso Cruz o Lloyd Samartino at Bea Alonzo na hindi ko din alam kung kamag-anak din ni Alicia Alonzo. Keri na ang cast pero ok sana kung kinuha nila si Wendy Valdez instead na si Beatriz So. Mas bagay si Wendy sa role at baka-sakali ding hindi sumakit ang tenga ko sa tinis ng boses ni Bea.

Eto ang ilang bagay na napuna ko sa movie. Oo, hindi ako magkukwento. Ano bale! 110 din yun para ikwento ko sa inyong mapagpanggap na hindi jologs. You better watch it para malaman ninyong hindi ako bulaan sa mga mangilan-ngilan kong okray list.

1. Hindi ko magets kung bakit nung nagtaklubong ng kumot si Popoy at Basya para maglambutsingan e mas maliwanag pa sa loob ng kumot kesa sa kwarto kong naiilawan ng tig 40pesos na fluorescent bulb. Naloka aketch! Oo na, siyempre nga naman para sa mga nonood yun para makita ang kilig moment nila sa ilalim ng sankumutan. Pero day, mas kinilig sana ako kung madilim sa ilalim ng kumot.

2. Hindi naman sila mahilig sa peluka ano? Si Bea nagpeluka. Si Maja nagpeluka. Inaantay-antay ko nga baka towards the end of the movie si John Lloyd magpeluka din.

3. Kapag may gatherings sila Popoy, Basya and Company pag Thursday, iisa lang ang pagkain. Pizza, pasta, wine, at yung bread na akala ko chopstick pero bread pala pero akala ko chopstick. Ay ang gulo ko! Basta yun, naisip ko lang kung hindi ba sila nauumay.

4. Pag napanood mo yung buong movie maisa-suggest mo na palitan ng taytol, kagaya ng: “Lost in SPACE” o di kaya “ONE MORE SPACE”.

5. Naalala ko bigla ang nasirang labteam ni Jolina-Marvin! Pasukan ba naman ng kantang “Nanghihinayang”.

Naaliw naman ako at kinilig sa ibang eksena, at truliling ang ikapapanalo ng movie na ito ay ang makakarelatetsina ka sa iba-ibang eksena. At ang mga lines, masasabi mo sa sarili mo na “Uy! Nabitawan ko yang ganyang talak noon.” with matching reminiscing epeks. Like ko din ang sayang hatid ni Janus Del Prado dun sa movie, pero hindi ko balak gayahin ang paglaklak niya ng shampoo ha.

Para lang sa “in touch in their inner self”, ika nga ni Malen ang movie na ito. Kung hindi mo tanggap na jologs ka. Wit mo ng tangkaing manood.

Bookmark and Share