Seryosohin ko naman

Posted on November 17th, 2007

Matagal-tagal na din mula nung huling gumawa ako ng matinong entry. Teka. Parang wala naman akong matinong entry *tawang demonyita*. Hindi ko nga alam kung may naibabahagi man lang akong makabuluhan sa mga nag-aabalang basahin ang mga talak ko dito. Totoo. May pakialam naman din ako sa aspetong yun no. Luka-luka at ¾ man ako maganda pa din, echos! O sige na seryosohan na. Seseryosohin ko muna itong entry na ito para maiba naman. Goodluck sa akin!

Dumadaan ako ngayon sa isang malaking turning point sa lahat ng turning point sa buhay ko. At sobrang ngarag na ngarag talaga ako kaka-analyze na nastre-stress na talaga ako. Ang hirap magdesisyon kung ano ang pipiliin mo, sa bagay na DAPAT mong gawin o sa hindi pag-gawa sa bagay na DAPAT mong gawin dahil HINDI KA NAMAN MAGIGING MASAYA.

Ang kumplikado ng buhay no? Mas kumplikado pa sa pinakumplikadong strap ng bra ko. Pero masarap pa ring mabuhay kahit puro kumplikasyon. Spice nga ata ng buhay ang kung ano-anong dilemma. Itetest at itetest ang character mo.

Pero ano nga ba ang pamantayan para maging isa kang mabuting nilalang dito sa mundong ibabaw na punong-puno ng ironies? Hanggang ngayon inaanalisa ko pa din. Masasabi mo na bang isa kang mabuting tao pag gumawa ka ng bagay na mabuti pero labag naman sa kalooban mo? Bayani ka nga sa paningin ng iba, pero paano naman ang pananagutan mo sa sarili mo? Mabuting tao ka ba pag ginawa mo ang DAPAT kesehodang labag sa paniniwala mo?

Sa kahuli-hulihan isa lang naman din ang sagot diyan. Masyado ng overrated kumbaga – NAGMAMAHAL ka kasi, at sa aminin man natin o hindi alipin tayo ng pagmamahal. Yun na yata ang habang-buhay nating hindi matatakasan, hanggat tao tayo.

Malabo ba? Ako din nalabuan. Pero yan ang tumatakbo sa utak ko ngayon. Kung na-gets niyo. Iisa ata ang pinagdadaanan natin.

*kinilabutan ka ba sa entry na ito? Pwes mag-Neozep na. ngek! Anong konek?!

—————————–

Bookmark and Share

Filed under: my five-pesos worth, pagnilay-nilayan


Add to Technorati Favorites

Magsubscribe na ever via email!

Delivered by FeedBurner
Ang mag-subscribe may mababait at super cute. Echos!

5 Responses to “Seryosohin ko naman”

  1. rHoNo Gravatar Says:

    ayoko ng neozep… hindi epektib! nyahahaha!!

    naku sister, wag ka ngang masyadong mag-isip dyan at baka maloka ka!! oha… nagbalik na ako!! aymissssshuuuu sisterette ko!! sana e maging okay ka na.. baka naman ikaw ang kailangang mag-neozep kafatid?? ingatz ka lagi en God bless! mwuaaahugggzzz!

    talak ni jojie:

    rho!!!!! langya di man lang nagparamdam na nandito sa pinas hindi ko tuloy nakubra yung pasalubong ko. hahahahaha! miss you sister! *muah!*

    rHo’s last blog post..I?m Complete

    replytsina

  2. MARUNo Gravatar Says:

    tanggap lang ng tanggap ng mga pagsubok sa buhay. pag nalalampasan mo naman kasi ang mga yun…u are twice victorious. tsaka tama ka, nahihinang ang karakter mo sa mga kumplikasyon sa buhay lalo na pag nagagawa mong matuto sa leksyon na dala. mas nagiging malalim ang pagkatao mo.
    madali maging tao…pero mahirap ang magpakatao. waaaa! mamaru, is this me?

    talak ni jojie:

    sabi ko na isa ka sa makakarelate. ;) ay lab yu goddess..

    MARU’s last blog post..I?m hired! Lols!

    replytsina

  3. antukenNo Gravatar Says:

    hmmn. hindi ko naintindihan. hahaha. eniwei, kung ano man ang ibato sa yo ng tadhana, sambot lang. ang mahalaga, may natutunan ka. at hindi na ulitin pa ang mga maling nagawa na. haysus. di ako sanay sa serious mode. haha.

    talak ni jojie:

    kinilabutan ka din? hahahaha!

    replytsina

  4. kengkayNo Gravatar Says:

    laglag ako dito… makahanap nga ng neozep. pero kung ano man yan dear divah… andito kami para sa yo at nagmamahal.

    talak ni jojie:

    aaawwww… ate kengks. *bighugs*

    kengkay’s last blog post..Si Kengkay at ang Holdaper

    replytsina

  5. rHoNo Gravatar Says:

    naku, paano pa ako makakapagparamdam e nasa deadtown ako!! wala kaming internet sa amin… e hindi ko rin naman alam ang fon number mo iha! next time na lang… nyahahaha! :)
    rHo’s last blog post..I?m Complete

    replytsina

Mag-Comment Galore



SOME KINDA-MEDYO KAPAREHONG POSTS-SLASH-ENTRIES