the diva becomes dot com

Sa hinaba-haba din ng pila sa finish line din magpapahinga! Matapos ang mga nakakalerky na linggo sa pag-aayos nitong bago kong balaytsina, sa wakas pwede na akong tumanggap ng mga guests.

Madugo pala talaga. Hindi ko akalain na isa ito sa susukat ng pasensiya ko at makakapagpalunok ng pride chicken ko. In the name of DOT COM. Linsiyak! Hindi lang ilong ko ang dumugo pati u-tak ko. Pakiramdam ko lagi may project akong dapat tapusin at may deadline na kailangang habulin.

Habang nasa kalagitnaan ako ng aking dot com adventure madami akong natutunan hindi lang yung mga technicalities kagaya ng domain, host, ftp, nameserver at kung ano-anong chovarloo.

Patience is really a virtue. May mga pagkakataong gusto ko ng sukuan ang dot com adventure na ito. Iniisip ko ipagpapalit ko ito sa walang kapagod-pagod at hirap na Wordpress.Com para lang kumita kahit papano. Pero hindi ako biniyayaan ng milya-milyang pasensiya kung ito lang ang magpapasuko sa kadivahan ko.

Nakakilala ako ng totoong mabubuting nilalang. Sa totoo lang hindi na ako masyadong naniniwala na may mga sobrang bait na tao sa balat ni mother earth. Jaded na ko pagdating sa bagay na yan. Pero mali ako. Nakilala ko ang dalawang ANGELS na handang tumulong, as in yung tulong na tulong talaga. Genuine yung mga kabaitan na pinapakita nila sa’yo, at ito ay walang iba kundi sina:

  • Malen~ ang responsible kung bakit may dot com ako ngayon. Alam ko ayaw na niya pasabi pa pero sa ganitong paraan man lang maipakita ng divang kagaya ko na naappreciate ko ang anghel na kagaya niya. Malayo pa ang pasko pero may Christmas gift na ako, teka.. hindi kaya hindi siya angel kundi isa sa reindeer ni Santa?! Echos! Lab ko si Malen.
  • Jean ~ kahit gusto kong mahiya hindi ko magawa dahil dama kong hindi ako dapat mahiya kay Jean. Kahit na binubulabog ko na siya dahil nalelerky na’ko sa kaka-troubleshoot ng kung anik-anik na koneksiyones ko dito sa bago kong balay. Kung alam lang niya na naaappreciate ko yun ng sobra-sobra. Kahit na puri ko ibibigay ko na.. Charing!

Sa buong proseso ng dot com adventure na ito ay isang malaking LEARNING EXPERIENCE sa akin. Para i-challenge ang sarili ko sa bagay na wala talaga kong alam e maituturing ko ng isang achievement pero mas maganda kung magbubunga ng salapi ang achievement kong ito. Bonggacious diba?

Ay lab my new home. Sana ma-lab niyo din. Sana lagi niyo pa din akong dalawin dito, pag kumita na’ko baka ma-afford ko na magpameryenda ng caviar. O diba masaya yun. ;)

Bookmark and Share
diva. 80% babae - 20% bakla. echosera. mahadera. blue curlers. komikera. gandang walang maliw. chovarloo addict. chism person. world peace enthusiast. 1 3/4's na OA. stressed-out poreber. spontaneously sweet. walking disaster. mishaps princess. with golden heart. poreber inlabs. sorta-kinda-medyo feeling goddess. girl-next-window. reyna ng tralala. etc. etc. etc.



SOME KINDA-MEDYO KAPAREHONG POSTS-SLASH-ENTRIES

18 Comments

burskyNo Gravatar Unknow Unknow  on October 25th, 2007



pooooooohhhsang gala! di na kita ma-reach!!!

talak ni jojie:
nakakapamura diba? hahahaha…

replytsina

rHoNo Gravatar Unknow Unknow  on October 25th, 2007



huwaw naman tlaga… may sarili ng bahay si jojitah!! dati parenta-renta ka lang wordpress, ngayon big time ka na!! yahoooo!!! congrats!!

o, pakain ka naman dyan! nyahahaha!

talak ni jojie:

tenchu rho. :D hay naku mahirap pala pero oks naman resulta..

replytsina

malenNo Gravatar Unknow Unknow  on October 26th, 2007



WAHAWW!! LAB KO SI JOJITAH. MWAAAAHH

talak ni jojie:

natagalan ako sa template mare, bumagsak na lang ako sa pink. :lol:

replytsina

kengkayNo Gravatar Unknow Unknow  on October 26th, 2007



congrats, girl! enjoy the attenshun…

talak ni jojie:

ate kengks!!!!! tenchu.. ay lab yu too ate kengks. :D

replytsina

brathNo Gravatar Unknow Unknow  on October 26th, 2007



humaygad! ang taray mo sis huh? anyway congrats sa bago mong bahay kahit medyo nasilaw ako ng konti di kasi ko nasanay e hehehehe

xiao!

talak ni jojie:

it’s pinkylicious sister. nyahahaha.. tenchu sis. *muah!

replytsina

TRiSHNo Gravatar Unknow Unknow  on October 26th, 2007



awwww….diva to the max ka na talaga! kelan housewarming? :)

talak ni jojie:

babe! este trish!!! :lol: araw-araw housewarming basta dinadalaw niyo ako dito. ;)

replytsina

MARUNo Gravatar Unknow Unknow  on October 26th, 2007



hahaha! sabi ko na nga ba at mawiwindang pati curlers mo sa paglipat-bahay mo. relate na relate ako!

tama ka, jojiepie! ang mga nabanggit mong tao sa itaas… understated na yung “mabait” lang na term. ako man ay malaki ang utang na loob sa mga yan.

nways, welkam bak, dai! i miss u sa totoo lang.

talak ni jojie:

goddess!!!! nangarag talaga ako ng todo, pati PM mo hindi ko na nasagot. Pero siyempre kaya ng powers nating mga diyosa ito. ;)
kababait talaga ng dalawang yun, ang sarap kuning ninang. :lol:
na miss din kita. :D namiss ko ng mangulit. :) balik na ang diva.

replytsina

malenNo Gravatar Unknow Unknow  on October 26th, 2007



ansosyal na ng lifestyle naten no? LOL…toloy toloy na ang pag yaman naten nyan! Yipeeeee! back to blogging ka na ha…walang maingay na curlers lately….the return of the jologs attack…hahahha, wait baket di ko mabuksan yun blog ni AZ?? is he switching also?

talak ni jojie:
maleeennnn.. sosyalin na tayo mare. :lol: balik nako sa sirkulasyon at maghahasik ng lagim. nyahahaha..

mare tenchu sa lahat. :)
di pa’ko nakadaan kay pards e. tingnan ko later.

replytsina

bruhildaNo Gravatar Unknow Unknow  on October 26th, 2007



gusto ko ang kulay ng kurtina mo favorite ko din kasi pink. kakainggit naman. sana ako din.

talak ni jojie:

madugo ang dot com my dear pero kaya. :D balang araw sa sipag at tiyaga magiging dot com ka din, para tagline sa commercial no? nyahahaha..

salamat sa pagdalaw sa bago kong balay. :)

replytsina

AmboNo Gravatar Unknow Unknow  on October 26th, 2007



Yahoo! Tuloy-tuloy na ang swerte Jojs! O ihanda na ang lahat ng pwedeng ads dito bwahahaha. Todo na to! Maglagay ka ng commentluv dito Jojs bilis! Btw, ito ang kulay ng mga astig! Fenk! lols

talak ni jojie:

ano ba ambo para kang yung ka-labtim mo tinataranta ako. wahahahaha.. teka ano yung commentluv?

replytsina

MalditoNo Gravatar Unknow Unknow  on October 26th, 2007



ang shoray naman…pink na pink…wala bang flowerets manay curlers?hahhahaa….congrats sa bagong balay!!sana tumatag pa ang apat na haligi neto…tsalamat…time to update the links….bep bep!

talak ni jojie:

siyempre para maganda ang pasok ng anju pink muna para maliwanang. :lol:

replytsina

selvoNo Gravatar Unknow Unknow  on October 26th, 2007



congratulations marekoy!!! malaking bagay din ito and im sure froud nafroud ka…

tama nga ang sabi ng lolo kong beterano ng 2nd World War II… if there’s a wheel, there’s a road.

talak ni jojie:

tenchu parekoy. :D tama ang lolo mo. nyahahaha..

replytsina

druNo Gravatar Unknow Unknow  on October 26th, 2007



I’ll see you around then.

Char! :P Di na rin kita ma-reach grabe. Ingat ka dito ha?

talak ni jojie;

yeah.. see ya around. ;) tenchu dru!

replytsina

AZRAELNo Gravatar Unknow Unknow  on October 26th, 2007



merienda na caviar ampft! nyahahahaha! panalo ka tlaga jojie! I lab ur new house!

talak ni jojie:

tenchu pards.. pero nangangailangan ata ng header. ahem! ahem! ahem! :lol:

replytsina

kikoNo Gravatar Unknow Unknow  on October 26th, 2007



Congrats sa bago mong mansyon!! Tsk! Diva to the max na ‘to!!! :)

talak ni jojie:

tenchu pareng kiks. ;)

replytsina

dhezNo Gravatar Unknow Unknow  on October 27th, 2007



wow… talaga ang taray!!! at ang curlers… congrats jojie! ;)

talak ni jojie:

dhez!!!! tenchu, tenchu.. ;) dalaw ka lagi ha.

replytsina

AmboNo Gravatar Unknow Unknow  on October 27th, 2007



Jojs, yung commentluv plugin yung parang sa blog ko. Everytime na me magcomment sayo, automatic madidisplay din ang last post ng blog nya after his comment. Cool di ba? I am using this, reyna, k and bluepanj. here’s the link http://www.fiddyp.co.uk/commentluv-wordpress-plugin

talak ni jojie;

ambooooo!!!! na-install ko na.. :D

replytsina

rhapsodyNo Gravatar Unknow Unknow  on October 28th, 2007



i love pink!!! i love ur new home!!

talak ni jojie:

mylene!!!! sarap sa mata ng pink no?

replytsina

Leave a Comment