flower of my eyes
Posted on October 16th, 2007
Kilala niyo ba ang F4? Para sa mga elites ang tanong ko, baka kasi maligaw dito sa balaytsina ko e. Hindi? Hindi ko sasagutin, belat! Sa kagaya kong Jologs e hindi ko na kailangan itanong pa. Walang kakurap-kurap alam kong OO agad.
Uy! Naloko talaga ako ng husto sa apat na Taiwanese na ito. Pinatos ko pati mga piratang TV interviews at guestings nila kesehodang hindi ko maintindihan. Kumpleto ako ng mga Concerts nila, pati na din ang mga walang kwenta nilang videos. Muntikan na din akong mag-aral ng Mandarin noon epekto ng kaadikan ko sa kanila, nangangarap na mag-karoon ng chance makausap sila.
Nakakatuwang alalahanin, actually hindi pa naman naglalaho ang fascination ko sa apat na F na ito, kaya pa din naman nila ako patiliin in case na makasalubong ko sila sa gitna ng kalsada o di kaya habang namamasyal at nagsa-shopping ako sa Hongkong. Echos lang yung huli.
Hindi naman ako mahilig sa singkit sa totoo lang, ang sisterette2 ko ang mahilig sa singkit. Basta singkit kras na niya agad, pinayuhan ko pa nga dati na tumira na lang sa China para madami siya pagpipiliian tingnan ko lang kung hindi siya maloka. Pero may kakaibang charm ang F4 na alam kong madaming sasang-ayon. Hindi ko lang ito gawa-gawa para maitalak no.
Nag-subside na din naman ang hype ng F4 dito sa Pinas pero sa akin parang hindi pa ata at parang HABANGBUHAY na may magpapaalala sa kahibangan ko sa F4. Ano yun?
Eto:

F4 na F4 ang manong ko diba? Sayang nga lang at hindi ko kamukha si San Chai, pero keri na, ako naman ang San Chai ng buhay niya kahit na parang tarsier sa laki ang mata ko.
Tags: elites, f4, jologs
Filed under: manong
16 Responses to “flower of my eyes”
Mag-Comment Galore
SOME KINDA-MEDYO KAPAREHONG POSTS-SLASH-ENTRIES


October 16th, 2007 at 1:29 pm
hahaha tarsier ka nman jan! kaloka ka!
in fairness ha F4 looks nga ang manong mo…
sa entry mong ito napatunayan kong certified JOLOGS din ako hahaha.. atin-atin lang to ah alam mo ba noong kasagsagan ng kasikatan nila.. nanalo ako sa ABS-CBN ng ticket sa F4 concert.. at go kami ng mudra ko.. la ko paki kahit sabihang baduy basta makita ko lang sila, di nga lang kumpleto hahahah..
ikaw nakanood ka ba?
replytsina
October 16th, 2007 at 2:40 pm
bwahahaha..tarsier ba kamo? sobrang natawa ako dun..hahahaha..sumisingkit tuloy ang mata ko..yoko na nga…
replytsina
October 16th, 2007 at 7:09 pm
naks! inlove….
PS:
huwaw!! bumalik ang blue curlers!!
replytsina
October 16th, 2007 at 7:09 pm
haha.
hanggang ngayon, adik pa rin ako sa F4. may poster pa nga ako ni Jerry Yan sa kuwarto.
replytsina
October 16th, 2007 at 7:45 pm
nung kabataan ako adikz ako sa F4 ayun nainlove ako sa kmukha ni jerry yan ending adiktus pala…nyahahaha…na mimiss ko tuloy ung rum ko dati na puro poster nya…kahit san ako bumaling nandun sya…bumili pa ako dvd ng meteor garden khit intsik salita….OH BABY…BABY…BABY…
replytsina
October 16th, 2007 at 11:13 pm
Indi ko alam if abnoy ako…pero isa lang masasabi ko.pak dat F4..ahhahhaa…ni minsan indi ako nikilig kay san chai o daw ming si na yan habang nanay ko sarap batukan at lagyan ng batuta ang bungaga sa kakatili pag nakawatch sa tv..hay….sama mo na rin buong pamilya ko..indi ko alam baka ako ang “black with sparkling red and green toes sheep” sa aming pamilya.
replytsina
October 16th, 2007 at 11:13 pm
hanep jojie! ang ganda ng theme…let the curlers talk! i love it! hahahahha
replytsina
October 16th, 2007 at 11:15 pm
hahahha
ay naku, magkadugtong yata talaga ang bituka natin…hahahha. pero ako basta si DAO MING SI lang solb na ko.
PS
on the process na pala ang gift chenes ko..nag email kanina, baka tom, ok na…yipeeeee
replytsina
October 17th, 2007 at 3:52 am
hay, pano ako, at least blue-green eyes nung asawa ni kengkay na si kengkoy, ahehehe
replytsina
October 17th, 2007 at 11:43 am
hmmmm mukang pang f4 nga ang ka gwapuhan ni manong ah!!!bale pag kasali si manong,, f5 na! hehehehe
xiao!
replytsina
October 17th, 2007 at 12:11 pm
wwaah.. wafu wafu!! hehehe
kahit ako, madaling maloka sa mmga singkit eh… heheheh
replytsina
October 17th, 2007 at 12:41 pm
wow nman ang ganda namn ng bagong team mo at ng header mo pati pa ang tagline.. bigyan mo namn ako ng isang malupit na tagline. ang corny kasi nung sa akin nyahahhaha
replytsina
October 17th, 2007 at 12:42 pm
ooppps… sorry THEME un ha.. hehehehe kaloka bakit ba team ang nai-type ko hahaha
replytsina
October 17th, 2007 at 12:58 pm
at tinanggal ko na ang tagline ko.. bago mo pa makita hahaha…
napansin ko din mali pala ang spelling hahahaha
replytsina
October 17th, 2007 at 6:10 pm
awww! talagang sinuportahan mo agad ang bagong labas na theme ng WP ha. Maganda sya, jojiepie.
Speaking of F4… na-adik din ako sa kapapanood sa kanila tuwing hapon. Gusto ko labteam ni dao at ni san chai.
replytsina
October 17th, 2007 at 7:20 pm
dapat F5 sila eh.
nag-back out lang ako kasi hindi ako marunong magsalita ng chinese
replytsina