Halloween Wish Eklavu

Posted on October 15th, 2007

Dahil malapit na ang Halloween hayaan ninyo akong mag-wish. Ang tarush no, may Halloween Wish eklavu akong nalalaman. Ayon sa divaness dictionary na ang author ay ako, ang Halloween Wish ay ang Iwas Wish, ito ang mga bagay-bagay at pangyayaring AFRAID kayong mangyari sa inyo this coming UNDAS. Getching?

Eto ang aking mga bonggang Halloween Wish.

  1. Huwag naman sanang maisipan ng papu ko na dalawin ako, alam ko namimiss niya ako pero ok lang naman sa’kin kung itetext o imimiscol na lang niya ako. Mas kaya ko nalang siya makita sa piktyurs e. Pero lab ko si papu pramis! At sana tamadin siya bumaba galing sa heaven kasi balita ko traffic sa kanila pag ganitong season.
  2. Huwag naman sana akong madapa habang papunta kaming sementeryo. Bukod sa hindi pa masyadong hilom ang sugat ko sa tuhod e hindi pa handa ang ka-divahan ko sa isa pang kahihiyan.
  3. Huwag sana ko magising isang hatinggabi at maisipan kong maglangis  habang tinutubuan ako ng pakpak at nahahati ang katawan ko sa gitna.
  4. Huwag matakot sa sarili kong repleksiyon sa salamin.

Bonggacious diba? Hindi naman ako masyadong demanding diba? Gusto ko lang isalba ang katinuan ko. ;)

Bookmark and Share

Tags:
Filed under: wala lang


Add to Technorati Favorites

Magsubscribe na ever via email!

Delivered by FeedBurner
Ang mag-subscribe may mababait at super cute. Echos!

10 Responses to “Halloween Wish Eklavu”

  1. rhapsodyNo Gravatar Says:

    malapit na nga pala ang undas.. namimiss ko ang paggawa ng bolang kandila na pwedeng gawing wax..

    talak ni jojie:

    ay naku, ako walang tyaga sa pagbilog ng kandilaloo. ;)

    replytsina

  2. antukenNo Gravatar Says:

    ngayon lang ako nakarinig ng halloween wish. hehehe.

    talak ni jojie:

    now you know.. ;)

    replytsina

  3. teenmistressNo Gravatar Says:

    heheh bongga ka day!! hehehe astig ng wishlist mo… pwede na rin pala no kahit di chritmas?! hehehe :))

    talak ni jojie:

    bongacious diva?! :lol: uy! tenchu pala for dropping by.. :)

    replytsina

  4. MalditoNo Gravatar Says:

    Ang taray!may halloween wish..indi ka na papayagan ni santa claws dahil may wish ka na ngaung undas..hahaha….check mo nalang email mo..baka mag email papu mo…ako indi makakauwi…mag isa akong magsisindi ng kandila sa room habang tugtug ang “like a virgin”…hahhaa..bat ba ganito ang laging song sa isip ko?hahahaa..syet!!!may virginiasm ako…LOLS

    walang kinalaman si santa dito no, wag siyang epal. nyahahaha! amp! natakot tuloy akong icheck ang email ko.

    virginiasm? aylabet! ako din.. :lol:

    replytsina

  5. chuvanessNo Gravatar Says:

    hahaha, halloween wish chenes. ngayon ko lang yan narinig ahhh…

    talak ni jojie:

    ano pang hinihintay… wish na! :lol: sana pala ginawa kong tag ito. ;)

    replytsina

  6. joyNo Gravatar Says:

    Hahaha. That made me smile. Do people celebrate halloween in the Philippines now?

    joy
    Your Love Coach

    talak ni jojie:

    hi joy. :) alam mo naman ang pinoy… lahat ng okasyon parang laging party kahit para sa mga patay.

    replytsina

  7. Kiko MatsingNo Gravatar Says:

    Yan ang ok na wish!! Haha! :)

    talak ni jojie:

    ayos ba pareng kiks? ;)

    replytsina

  8. bruhildaNo Gravatar Says:

    naalala ko tuloy yung text message saken 2 nyts na akong di pinapatulog dahil sa kamultuhan na yan… hahaha…gusto ko yan halloween wish ngayon ko lang nalaman na merong ganyan…

    talak ni jojie:

    nya… minumulto ka sister? mag-halloween wish din kasi! ;)

    replytsina

  9. katherineNo Gravatar Says:

    ay inggit ako…may wish din ako…SANA WAG NANG NAKAWIN UNG MGA FLOWERS NA NILALAGAY NMIN SA PUNTOD…AT SANA MAKONSENSYA UNG KUMUHA NG YERO NMIN SA SEMENTERYO…ISA PA PALA WAG AKO DALAWIN NG MGA DEAD N LOVE ONES NMIN…tama ba nmng d2 ako magwish sa comment ko….

    talak ni jojie:

    nyahahaha! ok lang kafatid keri na.

    ang yero ninakaw?!

    replytsina

  10. MalditoNo Gravatar Says:

    Gawin mo na kasi tong tag!!para masaya!!go go go mare!!

    talak ni jojie:

    o hala ikaw ang tinatag ko. wahahaha!

    replytsina

Mag-Comment Galore



SOME KINDA-MEDYO KAPAREHONG POSTS-SLASH-ENTRIES