friend in me
Posted on October 14th, 2007
I’m not always there when you call… But I’m always on time.
Kung meron man akong good qualities bilang tao at may magpapa-numerate sa akin nun [sana wala] hindi ninyo makikita sa listahan ko ang “mabuting kaibigan”. Hindi dahil sa demonyita ako at bruha ha, hindi ko lang mai-qualify ang sarili ko as “good friend” [at ininglet pa!]. Hindi ko kasi alam kung ano ba ang qualifications o may qualifications nga ba para masabi mong isa kang mabuting kaibigan, tsaka para sa akin subjective yun. It’s your friend who can tell.
Ano nga ba ako klaseng kaibigan?
1. Hindi ako clingy. As much as possible ayoko nagiging dependent sa kaibigan ko at ang kaibigan ko sa akin. Meron kasing friendship na demanding at natatakot ako sa ganoong klase. Madami kasi akong abandonment issues [Meredith Grey statue??] chovarloo.
2. I’m not always present. Hindi ako yung tipong andiyan all the time, may pagkakataong bigla akong naglalaho na parang kabute especially pag may mga bagay-bagay na mabibigat akong pinagdadaanan. I find solace on being alone sometimes, at akominsan ibinibigay ko sa kaibigan ko yung solace na hinahanap nila. Big fan ako ng SPACE chenilling na yan e.
3. Hindi ako yung tipo na pag nadapa ka e itatayo kita at ichecheer-up. Ako yung tipo ng itatayo ka sabay sermon sabay tawa.
4. Maaring hindi kita yakapin pag umiiyak ka at may mabigat na pinagdadaanan, minsan tapik lang sa balikat ang kaya kong i-offer at libreng softdrinks pag hindi ka na makahinga dahil barado na ng uhog ang ilong mo sa kakaiyak.
5. Hindi ako marunong ng BIG GESTURES, maliliit na bagay lang ang kaya kong gawin kasi yun ang alam kong kaya ko lang ibigay.
6. Hindi ako naniniwala sa konsepto ng BESTFRIEND, para kasi sa akin unfair i-label ang friendships to a certain degree.
Parang ang cold ko diba? But I cherish lahat ng uri ng friendships meron ako, kesehodang 5mins lang tayo nagkausap para sa akin may nabuo ng friendship, kung hindi man natin ma-sustain o maalagaan nandito na yun sa archive ng heart ko. Isa pa I don’t close doors on friendships, magsasara na ako ng pinto sa lahat ng aspeto ng buhay pero hindi sa mga kumakatok para maging kaibigan ko.
Nalungkot naman ako bigla at na-miss ko ang old at not-so-old friends ko. Lalo pa at na LSS din ako sa UMBRELLA song kagaya ni goddess maru [na sana pumayag sa paggamit ko sa you tube video sa site niya].
Para sa lahat ng friends at future friends ko:
When the sun shines, we’ll shine together
Told you I’ll be here forever
Said I’ll always be a friend
Took an oath I’m stick it out till the end
Now that it’s raining more than ever
Know that we’ll still have each other
You can stand under my umbrella
You can stand under my umbrella…
Tags: friends
Filed under: prenships
15 Responses to “friend in me”
Mag-Comment Galore
SOME KINDA-MEDYO KAPAREHONG POSTS-SLASH-ENTRIES



October 14th, 2007 at 12:15 pm
ella..ella..ella…eh…ehh…ako ang nauna…yehey!!!cge lang…magkikita din kayu soon!!!
replytsina
October 14th, 2007 at 5:12 pm
Basta tayo prens din ha?
replytsina
October 14th, 2007 at 9:09 pm
awwww eto na naman yung song boohoo…
replytsina
October 15th, 2007 at 10:00 am
awww basta marekoy ano man sabihin mo.. you’re one of a kind… and i am very fortunate to have you as a friend kahit pa man virtual. pero totoo nga di ka laging anjan… wala ka kasi sa mga gabing giniginaw ako’t nangungulila … nyak.. nyak.. nyak
replytsina
October 15th, 2007 at 10:56 am
yan ang mga totoong kaibigan…
kapag nakulong ka hindi kita dadalawin sa kulungan..sasamahan kita sa loob at doon magkikipagtawanan.
ngyon ko lang nalaman na totoo pa lang nag su-suspend ng account ang wordpress..pano nga kaya ngyari yun?
replytsina
October 15th, 2007 at 11:20 am
salamat sa pagdalaw mo sa account ko ha… sana maging friends din tayo… hehehe goodluck…
replytsina
October 15th, 2007 at 11:27 am
aw! sis! parehas tayo ng pananaw tungkol sa best friend miski ako wala nun, gusto ko kasi pantay pantay silang lahat, hehehehe lab yu sis!
xiao!
replytsina
October 15th, 2007 at 12:19 pm
I love your post coz u described the kind of friend in me.At least di lang pala ako ang nakakafeel na di ako good friend…
replytsina
October 15th, 2007 at 2:24 pm
I’m not always present..
ganyan din ako.. hindi naman sa nagtatago kapag may pinagda-daanan.. pero ewan ko nga ba kung bakit ganun ako hehehe..
replytsina
October 15th, 2007 at 3:35 pm
ako din naniniwala sa concept ng breastfriend este bestfriend.
mas gusto ko yung umbrella version ni ate mandy moore.
replytsina
October 15th, 2007 at 5:27 pm
ako not present talaga, eheheheeh.. Mumu si kengkay
replytsina
October 15th, 2007 at 9:03 pm
nag-comment na ako kay sexy maru na akala ko kay rhianna ang song. eniwei, mas maganda at ma-drama ang dating ng version ni mandy. ako naman, friend na kung pwedeng andun lagi, ganun gusto ko. pero di rin ako clingy. at hirap na hirap din ako sa mga sitwasyon na kelangan magbigay ako ng advise. sus, ka-bobo ko pagdating sa ganyan.
replytsina
October 15th, 2007 at 9:43 pm
Okay ka talaga friend! At lalo kong namimiss ang wordpress kasi di ko nababasa ang mga blogs about your lyp
Ingatz lagi! And if you need me, nandito lang ako… Di ako pupunta dyan, ano ako? Rich?!
replytsina
October 16th, 2007 at 4:11 am
Hmmm..pwede din para kay bornok..pero mas gusto ko pa rin song sa kanya ang aray ni mae rivera o ang like a virgin ni madonna..haha…damn!cant get enough of like a virgin..hahhaa…
replytsina
October 16th, 2007 at 5:55 am
labyu jojieeeee
friendship knows no bounds, kahit cyber friends lang tayo, i know deep inside, sa totoong buhay click na click tayo…wahahhahaha
mahal na mahal ko kayong mga taga WPP!! Ang sanka-jologan ng blogosphere! 143445254
replytsina