elites vs. jologs

Posted on October 12th, 2007

Lifted na ang imbiyenaism chovarloo ko, pero medyo nakakimbiyerna pa din itong entry ko. Hindi ko na sana gusto pang palalimin ang mga isyu-isyu at bagay-bagay dito sa blogosphere, kasi para sa akin pag pinatulan mo ang mga bulok, parang kamatis hindi malayong mahawa ka. At ayaw kong i-corrupt ang aking virginal beauty. Charing!!!

Nagpanggap lang akong hindi affected sa recent entry ni kumareng chuvaness a.k.a malen a.k.a ada a.k.a nosebleed queen, pero ang totot iisa kami ng sintemiyento de patis. At ako kaisa sa tinatawag nilang JOLOGS [and daym proud of it!] ay hindi maiwasang mag-alsa ang kalooban hindi na para sa akin kundi sa buong kapatiran ng sanKAJOLOGAN. Kung sa akin lang kaya kong ipagkibit ng balikat dahil alam ko namang pare-pareho lang namang mapanghi ang ihi at mabaho ang jebs namin. Matibay na ang sikmura ko sa pang-aalipusta, inaalmusal ko pa nga noong araw yan. Hindi dahil makapal ang mukha ko kundi iba ang uri ng paglaban ko, mauna maasar talo! Na-offend ako para sa mga kafatid ko na bago pa lang dito sa blogosphere, alam ko yung pakiramdam na ligaw at hindi alam kung saan magsisimula pero sandamakmak na demonyo agad ang gustong sirain ang diskarte.

Ayoko na maglitanya pa ng kung ano-ano, kung baga sa showbiz kung sino ang may pinaka-kaunting naitalak siya ang may class sayang naman ang ka-divahan ko no, kaya isang one liner na lang ang iiwan ko sa mga elites, elites wannabe, at aristocracy maniacs na yan.

LIBRE ANG KARAPATAN NAMIN SA OPINYON, KUNG GUSTO NIYONG SA INYO LANG EDI BILIHIN NIYO! PERO HINDI NAMIN IBEBENTA! BELAAATTTT!!!!

Hindi ako nag-iisa… Madami kami - apat. Intayin niyo ang resbak namin. ;)

Bookmark and Share

Filed under: blog layp, i-rant mo jojie, my five-pesos worth


Add to Technorati Favorites

Magsubscribe na ever via email!

Delivered by FeedBurner
Ang mag-subscribe may mababait at super cute. Echos!

17 Responses to “elites vs. jologs”

  1. chuvanessNo Gravatar Says:

    indi ako nag-iisa… Madami kami - apat. Intayin niyo ang resbak namin. wahhahahaahhahaha

    talak ni jojie:

    ayos ba? baka sakaling matakot pag sinabi kong apat. wahahahaha!

    replytsina

  2. BluepNo Gravatar Says:

    lol lol lol

    ayan na nagsisimula ng mag-aklas isa isa ang mga kapwa ko Jologs….. Ibagsak ang imperyalistang si Malen!!!! — hehehehe mali pala…

    talak ni jojie:

    bluepanjeet!!! :D uy salamat at naligaw ka dito sa aking balaytsina. :D
    pabagskin si malen! nyahahaha! wag lab ko yun.

    replytsina

  3. A Z R A E LNo Gravatar Says:

    apat? dami nga nyahahahaha! rumesbak na rin ako! kaso mo… aaah ehh.. basahin mo na lang lols

    talak ni jojie:

    matindi ka talagang rumesbak pards. :lol:

    replytsina

  4. BananaNo Gravatar Says:

    niyahaha! ano yan lols. masyado akong behind kafatid. tsk tsk..

    replytsina

  5. katherineNo Gravatar Says:

    IM PROUD TO BE JOLOGS…basta isa lang alam ko maganda ako…tayo pala…
    manigas ka sa inggit….kung sino ka man….

    talak ni jojie:

    naman! :D

    replytsina

  6. rHoNo Gravatar Says:

    naku… naku naman sister!! ang puso ha! yaan mo yang mga yan… mga araw din yan! hahahaha! basta, ikaw pa rin ang nag-iisang diva!! taray!!

    hoy anu ba… miz na kita! di ko ikaw makita sa YM! lagi kang naka-SMS! lichugas ka talaga iha!! nyahahaha… God bless! Happy weekend na rin pala.. hihi!

    talak ni jojie:

    sister! e paano naman saliwa ang oras natin. pag naka-OL ka super duper busy ang diva. :) miss na din kita lukaretz.

    replytsina

  7. BananaNo Gravatar Says:

    hmm. kaya naman pala ginalit niyo ang divaness na si jojie. tsk tsk..

    talak ni jojie:

    diva man naha-highblood din. :lol:

    replytsina

  8. MalditoNo Gravatar Says:

    Sino ba yan mareng jojie?at ako nalang ang magsasalvage..ahehhee….mahal ngayun magpa admit dahil sa sakit ng puso..cge ka.

    talak ni jojie:

    maldito dear don’t worry I have a very healthy heart. nyahahaha! sige timbre ko sayo para mai-salvage na. :lol:

    replytsina

  9. LavernNo Gravatar Says:

    Hay nabasa ko nga din ang sentimyento ng labs ko jan eh. ;-) tsaka si Brother Az. Iisa lang naman ang sentiments natin. Leave us alone! Madafakasana! lols

    Btw, ngayon ko lang nakita ang iyong rss feed at don’t worry nagsubscribe na ako. Sa dami kasi ng ating miyembro ang dami ding feeds sa pc ko hehehe. Don’t worry, kaisa ka na dun Mareng Jojs! Mabuhay ka kabayan!

    Cheers,
    Ambo the Pogi ;-)

    talak ni jojie:

    ambooo!!! kumusta naman kayo ni malen?! wahahahaha! uuyyy… relasyon.. ;)

    replytsina

  10. kengkayNo Gravatar Says:

    ako kahit di ko alam kung ano ibig sabihin talaga ng jologs pero dahil marasap sya pakinggan, jologs na rin ako, ehehehe… kaya lima na tayo. oki, ituro mo sa akin yan jojie at i-achtung-achtung ko yan, :D sayang ang wrinkles, be kind to animals na lang tayo ;)

    talak ni jojie:

    ay ate kengks, imimiyembro ka namin pramis. ;)

    replytsina

  11. MARUNo Gravatar Says:

    ano etich? huli ang kagandahan ko sa mga kaganapan. kahit saan ako magpunta eh puro tungkol sa pagiging jologs ang topic. bakit nyo ba ako pinag uusapan? wahihi!

    talak ni jojie:

    goddess may umaapi sa ating kafatiran. huhuhu!

    replytsina

  12. The Nomad’s Journey Continues « A Nomad’s Journey Says:

    [...] that. I almost gave up in exasperation and disappointment if it were not for two angels - MARU and JOJITAH. Sabi ni Maru - people like me do not surrender; talak ni Jojitah - ang mga tulad natin ay parang [...]

  13. brathNo Gravatar Says:

    ampf! pati ako na curious kung sino ba talaga yun.,.,.,.,

    pano ba yan since birth e jologs na talaga ko kaya anim na tayo wooooooh!hehehehehe

    xiao!

    talak ni jojie:

    sister, ay naku.. malamang ma-highblood ka din pag na-knows mo.

    replytsina

  14. AmboNo Gravatar Says:

    Sis Jojs, ikaw ha para kang si Cristy Fermin hahahaha

    talak ni jojie:

    ako nama’y nakakatunog lang sa mga latest chismax no. wahahaha!

    replytsina

  15. eitheryousinkorswimNo Gravatar Says:

    sis jojie

    huli po ako sa balita. snu po ba itong tinutukoy nyo ni az? share naman po.

    talak ni jojie:

    mahabang istorya sis. uy salamat nga pala sa pagdaan. ;)

    replytsina

  16. RhapsodyNo Gravatar Says:

    i swear naiiintriga ako.. baka mali ako ng inaakala.. sino ba tlga un? hint! hint! lolz..

    talak ni jojie:

    ay naku kafatid baka malerky ka. ;)

    replytsina

  17. RhapsodyNo Gravatar Says:

    totoo naiintriga ako gusto ko masilayan ang bahay ng elite na yan..

    talak ni jojie:

    ayoko i-post ang URL dito kafatid, baka lumali lalo ang isyu.

    replytsina

Mag-Comment Galore



SOME KINDA-MEDYO KAPAREHONG POSTS-SLASH-ENTRIES