buhay pag-ibig, the anthology 5 [republished]

WARNING: Contents are absolutely ang freakinglyyyyyy… EMO! [final installment]

Ang huling installment, kinakabahan na si J.K Rowling. hahaha!

Posted: October 27, 2005

BUHAY PAG-IBIG, THE ANTHOLOGY… (LAST INSTALLMENT)

 

being friends with him while i have this pesteng feelings was torture. it draws a lot of emotions from me as in… meron ngang hindi ko na mapangalanan. big fan ako ng isang salita pero sa sinamang palad, pati yun tinalikuran ko. i’ve tried to say my goodbyes a couple of times pero hindi ko napangatawanan. he insisted that we shouldn’t let this ruin our friendship, that we will get through this and be friends forever. pero ang hindi nya maintindihan na ang friendship na sinasabi nya was slowly ruining me. wasak na wasak ang puso ko and i don’t want to lose that tiny self-respect i still have for myself. that time i don’t know how to get out ’til that day that he finally told me that he found her…

he already found her…

he found her without looking my way.

he found her…

my heart broke into a million peices. bawat sakit nagpapamanhid sa buong pagkatao ko. mas masakit pala pag pinamukha sa’yo. yung isinampal sa pagmumukha mo ang katotohanan. hindi man ako umasa ng lubos, masakit pa’din.

nagpaalam ako. i did drastic things na di ko pa nagagawa sa buong buhay ko. hindi s’ya pumapayag, pero ipinaunawa ko sa kanya na hindi makakatulong sa’kin na nakikita ko siyang masaya. as a friend i was really happy for him pero hindi ko kayang ipagkait sa isang bahagi ng pagkatao ko ang pait at lungkot na dulot ng kaligayahan niya.

we part ways… temporarily dahil hindi ko naman kaya ang habangbuhay siyang maglaho sa buhay ko. pinahahalagahan ko din naman ang pinagsamahang gusto niyang ipinagdidiinan niya sa’kin.

masakit na sa pagdaan ng bawat araw, na habang ninanamnam ko ang bawat sakit andun lang siya na maaaring nasaktan sa pagkawala ko pero masaya sa piling ng iba. mali. alam kong maling maramdaman yun pero hindi ko kayang pigilan. dumaan ako sa phases ng recovery: denial, anger, withdrawal, extreme depression, self pity at bitterness. and probably still dealing with it right now.

i decided to come back. i don’t know why. kahit siya tinanong din kung bakit at wala akong konkretong maisagot. gusto kong masaktan dahil kelangan na ba ng rason para bumalik ako? madami ng nagbago, pagbabago na hindi ko alam kung dapat ko bang ikasaya o ikalungkot. siguro pareho…

masaya… dahil masaya siya talaga at tamang maging masaya na din ako para sa kanya. maaaring tama ang naging desisyon ko noon na umalis para bigyan ng puwang ang mga sarili namin. his life now is falling into it’s right places. so proud of him, always been proud of him. he’s slowly finding his way under the sun and start reaching for his stars. that above all was enough reason for me to be truly happy for him.

malungkot… dahil aminin man namin o hindi, masyado ng madaming nagbago at sa pinagdaanan namin maaaring huli na para bumalik sa dati. kung susubukan naman namin alam namin pareho na hindi na pwede hindi dahil hindi namin gusto kundi dahil yun ang tamang gawin sa ngayon.

gumawa ako ng desisyon at tinatanggap ko ang consequences nun. minsan kailangan mong piliin magdesisyon ng naaayon sa idinidikta ng puso mo. pero minsan diin kelangan din magdesisyon ng naaayon sa kung ano ang tama. sapat na sigurong pareho ko yung ginawa.

hanggang ngayon hindi ko pa’din maintindihan kung bakit nangyari ang lahat. indeed, life is full of surprises and it has it’s own way of twisting your emotions and judgement.

impokrita ako kung sasabihin ko na wala ng kirot. andun pa’din and i am still working so damn hard to get it over with completely… even if it takes me a lifetime, i must…

just like the previous H’s of course! mawawala ba ang lessons that i’ve learned.

una, honesty has it’s price. being honest is good! hell damn good… but it’ll cost you some bruises. not all honest people are rewarded for their honesty. they are good yeah… because they are honest.

pangalawa, i can still stretch my emotional pain tolerance to the super maximum level… as in todohan na’to haha!

finally, after four heartaches, ang pangit ko pa ding umiyak! arg! walang improvement….

After ni H4 dumating sa buhay ko si manong, and the rest saka ko na ikukwento. :P Sana may napulot man lang kayo sa aking anthologies. Gusto ko din naman mainspire lalo na yung mga waiting and hoping na love is just around the corner. Minsan kailangan ng effort with a capital E, minsan kailangan pahinugin muna sa corner. Getching niyo ba? Basta yun na. ;)

 

 

Bookmark and Share
diva. 80% babae - 20% bakla. echosera. mahadera. blue curlers. komikera. gandang walang maliw. chovarloo addict. chism person. world peace enthusiast. 1 3/4's na OA. stressed-out poreber. spontaneously sweet. walking disaster. mishaps princess. with golden heart. poreber inlabs. sorta-kinda-medyo feeling goddess. girl-next-window. reyna ng tralala. etc. etc. etc.



SOME KINDA-MEDYO KAPAREHONG POSTS-SLASH-ENTRIES

7 Comments

vinNo Gravatar Unknow Unknow  on October 10th, 2007

pwede na to sa “love notes, the movie”! ang taray!

talak ni jojie:

feeling ko pang “Maricel Drama Special” ito, apat na episodes e. :lol:

replytsina

tim angNo Gravatar Unknow Unknow  on October 10th, 2007

winner ang series na ‘to. uber emo talaga!

talak ni jojie:

naman! best actress awardsssss please… :lol:

replytsina

burskyNo Gravatar Unknow Unknow  on October 10th, 2007

heto ang ultimate expression ng iyong pagka-DQ and diva! :D pinagpawisan ako sa seryeng ito, grabe…

talak ni jojie:

nyahahaha! at bakit ka pinagpawisan? hindi naman pang xerex ang entry ko a! :P

replytsina

rhapsodyNo Gravatar Unknow Unknow  on October 10th, 2007

pa-crash course ko kaya sa yo ung prenship ko para maka-move on na :D
panalo, ang husay ng gumanap..

talak ni jojie:

o siya ipakilala mo na sa’kin yang friend mong yan. ;)

replytsina

kengkayNo Gravatar Unknow Unknow  on October 10th, 2007

hay jojie, ano naman tong phasing ng emote mo :) — talagang may chapter pa. ang masasabi ko lang, ‘believe in the impossible, for impossible dreams do come true’ :D

talak ni jojie:

share lang ng aking lab stories ate kengks. :D

replytsina

dhezNo Gravatar Unknow Unknow  on October 10th, 2007

grabe, talagang dko siya pinalampas, binasa ko lahat in 1 day. buti nlng jojie andyn c manong mo… o db, inspite of all the chuvaness e meron parin tlga para sayo… kelan nmn kyo ako? hmmm… :) link po kita, slamat! ;)

talak ni jojie:

hi dhez! :D salamat sa pagtiyatiyaga mo hija. isa kang bayani. :lol: biro lang.. salamat kafatid sa pagsubaybay. ;) link mo lang ako ever, dalawin kita sa iyong balaytsina. :)

replytsina

rHoNo Gravatar Unknow Unknow  on October 10th, 2007

i-submit mo sa maalaala mo kaya… pasok na pasok ito sister!! o di ba?? well, at least ngayon… masaya ka na sa piling ni manong! baka sa susunod e sakalan na yan este kasalan na yan ha! hehehe!

talak ni jojie:

sister baka bagay sa “malala ka na kaya?” hahahaha!

yun nga ang purpose ever e, na despite the luhas at paghihiraps galore e hindi ako nawalan ng pag-asa chovarloo na ako ay liligaya. pasok? :lol:

replytsina

Leave a Comment