bet at hindi getching
Posted on September 26th, 2007
Hindi ko alam kung ano ang meron ang week na ito at haggardness ang tema ng ka-divahan kong nabawasan ng kinang dahil sa stress. Ngaragan portion, kunsumisyones portion at imbiyerna portion dito sa opisina naming ako ang pinakamaganda. Sa dami ng intriga pati hairdo ko nagugulo, ganun katindi! Wala tuloy akong maipost na makabuluhan sa sanblogospheran. Tags tags baby tuloy ang naipapaskil ko dito sa balay ko.
Pero siyempre ang beauty kong walang maliw ay always ready para hainan kayo ng juicylicious with matching glittery effects sa mga naglalaro sa aking insured na brain [damaged kasi]. Sa mga oras na ito feel ko ishare ang mga bet at hindi ko getching na eksena nitong nagdaang week.
HINDI KO GETCHING
- Kung bakit itong si ex-president chovarloo Erap pa ang may kundisyones sa presidential pardon ekek na ito. Tatanggapin lang ‘daw’ niya ang pardon pag walang kundisyones na aaminin niyang guilty siya. Ang tarush! Tapos siya ang may karapatang humingi ng kundisyon? Parang utang na loob ng gobyerno ang bigyan siya ng pardon? Bopols ako pagdating sa mga ganitong usapin, pero pramis hindi ko talaga gets.
- Kung bakit napakamalas ni Papa Piolo sa Deal or No Deal. Parang gusto ko ng batuhin ang tv namin sa sobrang inis ko at pagka-imbiyena. Alam ko hindi naman kasalanan ni Papa Piolo yun, kagaya ng hindi naman niya kasalanan maging gwapo, at tama din naman ang sabi ni banker, “hindi ibibigay sa’yo ang lahat”. Pero sayang naman ang exposure at kamalasan ang inabot ni Papa Piolo, bagong tabas pa naman.
- Kung bakit may Clash Dance ang ASAP. Ampanget! Kulang na lang magsabunutan pag showdown. Wala din sa bokabularyo nila ang salitang ‘timing’, ok lang sana kung nakaapak sila sa bubog ng habang nagso-showdown o di kaya padamihan ng makakaing buhay na manok habang pinaghahampasan nila ang mga katawan nila. Jologs ako, pero na-jologan pa’ko dito.
- Kung bakit sobrang baho ng pupu ng pussy. Kaya hindi napalapit ang loob ko sa mga pussy na yan dahil sa mabaho ang pupu nila. Peborit pa naman ng pussy ng kapitbahay naming gawing litter box ang harap ng bahay namin, kaya paglabas ko ng bahay araw-araw sira agad ang aking umagang kay ganda. Lukot na nga ang bulsa lukot pa ang mukha ko, kaya ata wala akong makalap na positive vibes baho vibes agad ang sumasalubong sa’kin.
- Kung bakit mas matrapik pag may MMDA o Traffic Enforcer. Akala ko nagkakataon lang, pero lagi-lagi talaga, kulang na lang gawan ko ito ng thesis para naman mapatunayan ko na tama ang theory kong ito.
MGA BET
- Aliw na aliw ako sa Lastikman. Napapanganga ako sa epeks, basura ang Zaido. Cheapangga kung ikukumpara sa Lastikman.
- Alam kong nobody’s perfect pero kung may close to perfection sa’kin si KC CONCEPCION na yun. Napanood ko yung TV special ni KC at sobra akong bumilib. Getching ko kung bakit sila nagpalabas ng special about her life in Paris. Ayaw nilang isipin ng tao na porke’t papasok na siya ng showbiz e madali ang lahat sa kanya dahil anak siya ni megastar. Divang-diva si KC parang ako, echos!
- Ang mga blogomare kong si Jeangrey at Chuvaneska. Sa walang sawang pagtulong tungkol sa binabalak kong sideline. Si mareng Jeangrey nagpadala pa ng email sa’kin. Tats naman ako. Si Chuvaneska naman ay sasamahan ako sa adventure kong ito, masipag din ako bigyan ng updates sa mga kailangan kong malaman at kung ano-ano pang info. Ambabait nila, sana dumami pa sila.
Sana naman sa susunod ay mas madami na ang bet kaysa sa hindi ko getching. Aba ang pangit naman kung puro ako reklamo sa buhay no. Hindi maganda sa image ko, baka kumonti ang fans ko, charing!
Tags: blogmates, erap, pinoy, pussy, tv
Filed under: atik, anda, anju!, buhay ko, entertainment at tsismis, i-rant mo jojie
11 Responses to “bet at hindi getching”
Mag-Comment Galore
SOME KINDA-MEDYO KAPAREHONG POSTS-SLASH-ENTRIES


September 26th, 2007 at 1:31 pm
Kung bakit mas matrapik pag may MMDA o Traffic Enforcer.
totoo nga.. inisip kong bka nagkakamali lang ako nung inopen ko sa isang kakilala ang naging observation ko, kasi pinagtawanan ako, kaya akala ko mali ako. at least nakahanap na ko ng kakampi sa iyo hahaha.. cge gawan mo ng thesis hahaha..
replytsina
September 26th, 2007 at 5:25 pm
Hi Jojie, first time kong napunta dito and I must say enjoy akong magbasa ng mga posts mo! Keep it up. ABout the MMDA, talaga naman totoo sinasabi mo. I have been around a lot sa Metro Manila to say that indeed, mas matrapik pag may MMDA or pulis sa kanto na nag-aabang ng mga mag kakamaling driver. Pero sa akin di problema ito dahil I use my bike to go around the city, walang trapik trapik sa akin.
replytsina
September 26th, 2007 at 6:31 pm
i love KC as well. gusto ko pag iniinterview sya hindi sya inglesera, unlike the other celebrities na trying hard na mageingles, ingles pa rin nang ingles haha:)
replytsina
September 27th, 2007 at 1:49 am
kawa naman si fafa piolo, hindi ko napanood yung kasi alang deal or no deal sa tfc haka inis! hay oo nga sis ang korny ng zaido, nabubuwisit lang ako sa palabas na yun ala na yata silang maisip na ipapalabas kaya pati yun pinatulan narin nila hay….
xiao!
replytsina
September 27th, 2007 at 5:13 am
jojitaaahhhh….
nagalit ako sa mga kafatid ko kase di nila ako ginising nun sunday ng gabi para jan kay KC..inaabangan ko pa naman…nagising ako nun last part na, yung kay laurence..ang ganda ganda nya…yan ang ka-level mo mare..diva to the nth power!
wow. special mention aketch. anything for you dear…wabyu. pa-kiss nga!
replytsina
September 27th, 2007 at 8:17 am
watch din ang lola mo sa show ni KC last sunday at nagpuyat talaga ako. dream city ko na ang Paris at mas lalo ako na-inlab nung napanood ko sya with KC. hayyssss… take note, naiyak ako dun sa pamamaalam nya kay Leslie na OFW sa Paris. waahhhh!
replytsina
September 27th, 2007 at 1:15 pm
sus di ako maka-relate! Kasi naman orbit kami walang TFC.. un kasi gusto ng mga roommates eh.
replytsina
September 27th, 2007 at 2:13 pm
Tatanungin ko sana kung anung “pussy” ba ang tinutukoy mo dito. Hehe.
replytsina
September 27th, 2007 at 4:21 pm
korek ka dyan ateng.. na bwibwisit at lokang loka ko dyan sa clash dance ng asap para silang mga inahing manok na di mapa-itlog aba ei nagkakasipaan na…hahaha
Pasok sa banga yung “lastikman” ang galing… lupet ng mga heffects nila…pinaghandaan talaga…
replytsina
September 27th, 2007 at 5:04 pm
hi jojie. enjoy dito sa blog mo. link kita ha.
replytsina
September 27th, 2007 at 6:01 pm
huy, good luck diva sa yong kadivahang mga balak. may youtube ba nung tv special ni KC na kakambal mo, hmm?
replytsina