marjohn
Posted on September 21st, 2007
Matagal-tagal na din pala ako sa WP pero wala pa akong naikukwento tungkol sa mga utaw ng buhay ko bukod kay manong ko. Hindi naman ako biglang naging si jojie the diva lang kung walang tao sa likod ng kumikinang kong ka-divahan, kaya nararapat lamang na bigyan ko sila ng espasyo dito sa aking humble abode. Pero isa-isa lang muna kasi hindi naman kaya ng powers ko pagsabay-sabayin sila no.
For my first utaw, na nagbibirthday today [this is some sort of a birthday tribute na din] I want you all guys to meet my baby brother that is no longer a baby.
MARJOHN
Ang aming unico hijo, the thorn among the gumamela, kalachuchi at makahiya. Ang bunso ng aming pamilyang pandangal. Ang prinsipe namin.
Akala nila mamu at papu hindi na sila makakalalaki dahil tatlong bilat ang sunod-sunod nilang naproduce, pero dahil sa ayaw sukuan ni papu at sa paghahangad na din mapadami pa ang apelyido niyang hindi kagandahan e nakuha na din nila sa tyaga at nabuo din nila etong baby brother ko that is no longer a baby.
Nung totoong baby pa itong bunso namin kakikitaan mo na talaga ng katalinuhan na siyempre saan pa ba nagmana kundi sa akin, echos! Hindi ko alam kung totoong epektib yung ginawa ng mamu ko na iipit sa encyclopedia ang unang gupit ng buhok para tumalino o sadyang nasa genes. Hindi makakatulog si utoy [term of endearment namin ang utoy sa kanya, sa kalaunan naging toy nalang] pag hindi yung nursery rhymes na pang pre-school ang tugtog, at take note on a big note dapat tapos ang side A and B ng cassette tape para makatulog siya ng mahimbing.
Nursery pa lang itong si utoy ay kaya na nitong mag-videoke, bagong-bago pa ang videoke craze noon, sa VHS pa lang available kaya aliw na aliw ang lahat pag mas kaya pang ipronounce ng kafatid ko ang lyrics kaysa sa kapitbahay namin. Saulo din niya lahat ng pangalan ng pokémon characters noong araw [ngayon medyo memorize pa naman niya].
Dahil sa busy ang paryentes namin sa pagnenegosyo para may maipakain sa aming mga inakay nila, ako bilang pangnay ang tumayong ina-inahan nitong si utoy mula noong magstart siyang mag-schooling. Maaga ang training ko maging stage mother, taga-enroll, taga-hatid, taga-sundo, taga-attend ng PTA, taga sama sa mga field trips, taga-tutor, taga-gawa ng speech at madami pang iba. Minsan na nga akong napagkamalang totoong nanay nito e, pero imbes na mainsulto e natuwa pa’ko. Siyempre naman lab na lab ko itong kafatid kong ito.
Second year high school na si utoy ngayon, nagbibinata na, iba na ang bonding at kulitan naming dalawa. Tungkol na sa mga libro, movies at tv shows na kami nagkakasundo ngayon. May oras pa nga na siya pa ang nagpapahiram o inihihiram niya ako ng mga librong magandang basahin. Paborito ko din itong ka-date sa sinehan wala kasing reklamo kahit pagbitbitin ko ng kung ano-ano. Adik ngayon yun sa mga gawa ni Stephen King, On Line Games at Naruto.
Sa aming magkakapatid masasabi kong si utoy ang pinaka-mabait. As in. Swerte nga kami sa isang ito kasi hindi kami nangangambang baka mapariwara. Naawa nga ako kay utoy nung mga panahong natsugi si papu two years ago, alam ko kahit hindi siya nagsasalita sobrang sakit sa kanya yung nangyari, pero tahimik niyang tinanggap ang lahat at may mga oras pa nga na sa kanya kami kumuha ng lakas.
Ambilis talaga ng panahon, may binata na kami ilang taon na lang. Gagawa na din siya ng sariling buhay at diskarte. Pero para sa’kin siya pa din ang baby brother ko, kahit na mukha na yung damulag at kaya na akong ihagis.
Filed under: featured utaw
13 Responses to “marjohn”
Mag-Comment Galore
SOME KINDA-MEDYO KAPAREHONG POSTS-SLASH-ENTRIES


September 21st, 2007 at 9:35 am
awww very proud si sistah… i’m sure proud din si utoy sayo. gusto ko nga rin marinig na magkwento itong si utoy tungkol sa ate nyang diva… pero teka kung sa encyclopedia inipit ni mudra ang unang gupit na buhok ni utoy para tumalino, saan kaya inipit ang unang gupit na buhok mo sa rack ng mga plaka? (wala pang cd noon eh)…
replytsina
September 21st, 2007 at 2:31 pm
ayus! nice tribute to a baby brother! sana mabasa ni marjohn ‘to ng malaman nya kung gaano ka-proud sa kanya ang ate nyang diva. maganda rin minsan na mailahad ang buhay ng mga taong malapit sa ating puso. nagsisilbi itong inspirasyon na lalo nating pagbutihin kung ano man ang mga pinaggagagawa natin sa buhay.
bigla ko tuloy naisip ang bunso kong kapatid. pero hindi ako tulad mo diva. wala akong maisip na masabing maganda tungkol sa bubso namin dahil hindi sya katulad ni ‘utoy’…
ang kapatid ko ay isang ungas na ‘pototoy’ at isang animal. nyaaaaaaaaaaaaaa!
replytsina
September 21st, 2007 at 3:32 pm
“HAPPY BIRTHDAY MARJOHN !!!!!”
Pangarap ko yan na magkaroon ng kuya or ng baby brother di kasi kami nabiyayaan…
sana may kapatid din ako lalaki huhuhu…
Nice tribute ateng JojitaH..
replytsina
September 21st, 2007 at 3:43 pm
am sure proud din si utoy sa kanyang diva sistah. hepi berdey, utoy. palibre ka sa ate jojie mo ha…
replytsina
September 21st, 2007 at 7:18 pm
hapee bertdey marjohn.
kuh, samen apat kameng maria, yun panlima buti naging miguel na.
replytsina
September 21st, 2007 at 8:22 pm
Uy! Happy birthday kay Marjohn na mukang kasing kulit ng kid bro ko…
replytsina
September 21st, 2007 at 8:48 pm
ang sarap mo naman maging kapatid! maswerte ang baby brother mo sayoat ang mga kafatid mo..
sana may kafatid din ako..
replytsina
September 21st, 2007 at 9:40 pm
haberdi sa kapatid mo.
parang ang saya niyong dalawa. hehe. close din kami ng bunso namin. masaya i-spoil ang mga bunso talaga, no?
replytsina
September 22nd, 2007 at 2:31 am
ang bunso namin dapat BOY din..kaso after 22years, nasundan pa na isang napakakulit na bebi gurl na idol na idol si barbie
she’s 4 yo and i love her dearly…super spoiled brath sa kin..para akong mommy nun…enwei, hafi berthday kafatid ni mareng jojietahh! pa-kiss! mwah! hehehe
replytsina
September 22nd, 2007 at 10:12 am
huwoi! hapi bartday utoy!!!!!! sabihin mo sa diva mong ate nag pa canton naman siya dito sa wp! nyahahahahhaa
xiao!
replytsina
September 22nd, 2007 at 10:31 am
para sa mga bumati sa aking baby brother, ako na ang mag-thank you para sa kanya. baka kasi ma-weirduhan pag sinabi kong andaming nag HABA BERDIE sa kanya e. hihihihi…
THANK YOU!
replytsina
September 22nd, 2007 at 8:34 pm
haberdey sa kanya! haha. @_@
replytsina
September 23rd, 2007 at 1:22 pm
hapibetday jojie jr. ahihihi
replytsina