slumbook
Posted on September 19th, 2007
Pag tinatanong ako kung ano ang unang naiisip ko pag naaalala ko ang Elementary at High School days ko, isa dun ang SLUMBOOK. O aminin, napa-smile ang iba sa inyo. Parte naman talaga ng elementary at high school life ang slumbook ekek na ito. Simbolo na ito ng early kakikayan, kumpetensiya at paglandi naming mga babae.
Umpisahan natin sa kakikayan. Naalala ko noon halos maubos ang allowance ko makaipon lang ng pambili ng magandang slumbook, bata pa lang kasi sosyal climber na ang drama ko. E masisisi niyo ba akong ang mga mahadera kong kaklase na spoiled pero hindi naman bagay ay saksakan ng kayabangan. Ipinaparada ang mga kikay nilang slumbook, yung iba may mga padlock pa na akala mo may secret account na nakatago. Yung iba naman may mga sariling maleta, kundi ba naman tumulo ang laway ko. Dahil sa murang edad ay kinalyo na ang kamay ko kakasulat sa bawat page ng notebook kong mumurahin para lang magkaroon ng slumbook. Ang harsh diba? Kung iisipin mo slumbook lang iyon pero kita na agad kung sino ang meron at wala. Pero kahit anong gawin kong ipon hindi ako nakabili ng magandang slumbook noon kasi matakaw ako sa chichirya bukod pa sa compulsory bumili ng paninda sa chicher namin, pakunswelo ko na lang sa sarili ko ampapangit naman ng penmanship nila.
Mahigpit din ang kumpetensiya kung sino ang may pinakamaraming napapirma sa slumbook, lalo na sa mga boys na kakikitaan na ng pagkabagot at pagtataka kung bakit kaming mga girls ay nag-aabala sa mga ganitong bagay. Dito ko narealize na kayang-kaya ng girls paikutin ang mga boys, konting papungay lang ng mata at pahampas-hampas sa braso bumibigay na ang mga damuho. Kung sino ang madaming napapirma ibig sabihin siya ang pinaka-charming at popular.
Eto naman ang pinaka juicy kung bakit lokong-loko kami sa pagii-slumbook na ito. Nagkakaalaman kung sino ang may gusto kanino, sino ang naka-MU nino, at sino ang naging magsyota. Ang salarin ay ang mga katanungang ito:
- WHO IS YOUR CRUSH?
- WHO IS YOUR FIRST LOVE?
- WHO IS YOUR FIRST KISS?
Ang aaga kumerengkeng diba? Kahit anong bantay ng mga magulang naniniwala akong may way para sa paglandi, sa case ng mga super bagets e etong slmbook-slumbookan na ito. Madami na din akong nasaksihan na nabuong pag-iibigan, love triangle, love quadrangle at love disaster dahil sa slumbook na iyan. Nasirang friendship dahil sa selosan – si-girl-may-kras-kay-boy-na-may-kras-sa-friend-ni-girl na drama.
Nakakalokang balik-balikan ang mga riot na naganap dahil lang sa pag-iislumbook. Aba naman, madami-dami din naman akong nabuking na may kras sa aking musmos na ka-divahan dahil sa slumbook. Pinakilig din naman nito ang aking murang pwet.
Hindi ko na mahagilap kung saan ko naitago o kung may naitago nga ba akong slumbook ko nung araw, para mabalik-balikan ko naman ang masasaya at nakakalokang sagot ko at ng mga kaswela ko. Napiktyuran ko sana ng naidisplay ko dito sa bahay ko.
Uso pa din naman ang slumbook kahit dito sa cyberspace. Sa mga kumakalat na surveys na lang at meme/tags slumbook na slumbook na ang dating kaya nga natutuwa pa din ako sagutan ang mga iyon dahil naaalala ko ang younger years ko, sabagay mga five years ago pa lang naman yun.
Filed under: buhay ko, pagnilay-nilayan
12 Responses to “slumbook”
Mag-Comment Galore
SOME KINDA-MEDYO KAPAREHONG POSTS-SLASH-ENTRIES


September 19th, 2007 at 2:43 pm
naalala ko ang slumbook ko.. isang malaking notebook heheh..
at dahil din sa slumbook pinagsulat ako ng babae sa kabilang section kasi may crush sa akin ang crush niyang classmate ko.. cguro titignan nya kung crush ko din ang crush niya.. ano ba yan hehehe..
replytsina
September 19th, 2007 at 3:58 pm
Teka ang ganda ng header mo ngayon! hayrililayket! demet! ahahaha.
replytsina
September 19th, 2007 at 8:14 pm
makikikay din ang mga klasmet ko dati pagdating sa slumbook. hay. those were the days.
yun pala ung header. hay lab et.
replytsina
September 19th, 2007 at 8:48 pm
pag slumbook ang naiisip ko, naaalala ko ang mga walang kamatayang sagot gaya ng:
M2M, Don’t judge me! tsaka Mirror please.
replytsina
September 19th, 2007 at 10:18 pm
korek na korek kadyan jojie!! pagandahan nga noon ng slumbook.. nako! ang sarap alalahanin.. hehehe!
replytsina
September 20th, 2007 at 5:00 am
ako nga dati tinatakot ko pa mga klasmeyt ko nung elementary para sumulat sa slumbook ko eh nyyyahahahha
bratH: hoy! kung ayaw mong masaktan, sumulat ka dito sa slumbook ko!
klasmeyt: sige na nga *sabay kamot sa ulo
nyahahahahha
xiao!
replytsina
September 20th, 2007 at 12:16 pm
Hay… SlumbOOk
Bigla ko tuloy naalala ang aking kabataan hehehe!!! Kaka kilig hihihih
Pinaka paboret ko kwestyon ei yung Who is your crush, nagbabakasakali mabasa ang aking pangalan hahaha
Ambisyosang menggay hahaha!!!
replytsina
September 20th, 2007 at 4:18 pm
Naalala ko noong tinedyer din ako habang naglalakad sa isang madilim na eskinita malapit sa bahay namin merong sumusunod na sidecar na may malakas na sounds(uso pa ang mga punkista nun). Natakot ako dahil akala ko bubugbugin ako ng mga punkista, bigla akong sinitsitan. Kinakabahan pa akong huminto at lumingon sa kanila, yun pala iaabot lang nung kasama nilang babae yung slumbook para pasulatan sa akin. Susme! makikipagkilala lang pala!
replytsina
September 21st, 2007 at 3:24 am
ANG NAAALALA KO JAN SA SLUMBOOK EH P.E.D.R.O.S.E
NYAHAHAHHA
replytsina
September 21st, 2007 at 4:22 pm
sa slumbook ako unang natuto sa world geography - Italy, Japan, Rome at Czechoslovakia
replytsina
September 24th, 2007 at 5:04 pm
^ alam kong ika-le-lerky mo yan kaya etchos lang :p
replytsina
September 22nd, 2008 at 5:08 am
Lol. Pretty nice stuff.
Describe yourself: Judge Me! / Mirror Please!
Hahahaha
GM Ravens last blog post..The Story of the New Siggie
replytsina