on reaching 20+ waistline

Posted on September 14th, 2007

Huy! Oo ikaw. Pumapayat na ako. Ang dating 30+ kong waistline ay tumungtong na lang sa 20+, huwaaaaw diba? Medyo natulala pa nga ako ng marealize ko na talaga ngang pumayat na’ko. Pumapayat na ko. Huy! Naintindihan mo ba? Pumapayat na’ko.

Pasensiya na, medyo na-excite lang. Masaya lang na ang extra-bilugan kong katawan e bilugan na lang ngayon. Oh yeah… Pero teka, pumayat ba’ko dahil sa pagdidiyeta o dahil lately madami akong iniisip? Hindi ko nga din ma-figure out kung alin sa dalawa. Ay, hindi na imfortant sa’kin kung alin man dun sa dalawa basta I’m in a partying mood dahil sumesexy na’ko ulit.

Sexy kasi ako dati hindi niyo na naitatanong, constru magnet nga ako e. Halos lahat ng kanto sa lugar namin na may tinatayong bahay at may constru siguradong ako ang kras. Antarush diba? Dapat sinamantala ko pala nung araw at pinag-uuto ko sila para gawing mansiyon ang bahay namin, echos!

At dahil sumesexy na’ko nangangati ang mga paa kong pumunta sa Mall para mag-shopping at magpalit ng wardrobe. Mula kasi nung mag-gain ako laksa-laksang taba e nawalan na’ko ng ganang magbihis, hindi ibig nun lagi akong bold ha! What I mean was, nawalan na’ko ng gana to dress up. E paano ba naman parang laging galit na galit ang mga bilbils ko at gustong magpumiglas lagi.

Balik tayo sa pagpapalit ng wardrobe. Naisip ko, paano ko naman gagawin yun kapos sa hindi lang kapos sa budget ang kadivahan ko. Ang siste nito madedepress na naman ako. Ganito kaming mga girls no, nadedepress agad pag hindi makapag-shopping at masustentuhan ang kakikayan. Magpakamatay na lang kaya ako? Huwag, tragic masyado amfanet pag pinagtsismisan sa burol. Mamundok? At least dun diko na kailangan maging kikay, pero paano naman ang ka-divahan ko kung mga puno at unggoys lang ang makakaenjoy.

Ok fine, masyado na’kong OA. Masisisi niyo ba ang tulad kong pressured to keep my refreshing beauty, fresh. Sa ngayon wala muna akong magagawa kundi pagpantasyahan ang mga damit sa ibaba at pangaraping balang araw mabibili ko din sila.

dresses

cute blouses

Ang cu-cute nila ano? Mabibili ko yang mga yan balang araw, at sana keri ko na din siya suotin. Pag dumating ang panahong iyon lalong manggigigil sa’kin si manong. Pasok sa banga diba? ;)

Bookmark and Share

Filed under: i-rant mo jojie


Add to Technorati Favorites

Magsubscribe na ever via email!

Delivered by FeedBurner
Ang mag-subscribe may mababait at super cute. Echos!

13 Responses to “on reaching 20+ waistline”

  1. rHoNo Gravatar Says:

    alam mo… ganyan din ako! hanggang tingin na lang sa magagandang damt… ang pinagkaiba lang natin, ikaw pumapayat na at ako naman e lumolobo lalo! hahahaha!


    talak ni jojie:

    ay naku magdiyet na din kafatid at ng hindi na lang tayo hanggang tingin na lang. ;)

    replytsina

  2. JoviNo Gravatar Says:

    May ideya ako! Mag fund raising tayo para mabili mo yang mga damit na yan! Itayo natin ang Jojitah Foundation. Willing akong sumuporta sa mga ganyang worthwhile causes…


    talak ni jojie:

    i’m tats by your idea mareng jovi, feeling ko isa akong abandoned child. wahahahaha! pero nasan naman ang pride ko nun? kelan natin sisimulan? wahahahaha!

    replytsina

  3. druNo Gravatar Says:

    Sabi ni papa sa akin na pumapayat daw ako. Eh malakas na kaya akong kumain. Bakit kaya no


    talak ni jojie:

    e siyempre nagdadalaga nagbibinata ka e. ;)

    replytsina

  4. menggayNo Gravatar Says:

    Ganda ng mga dress….Don’t worry masusuot mo rin nyan…

    sana makapag suot din ako niyan pagdating ng araw!!!! :)


    talak ni jojie:

    naman! ;)

    replytsina

  5. brathNo Gravatar Says:

    masusuot mo din yan kafatid ! kaw pa! keri mo yan noh.
    join ako sa fund raising mo ah

    xiao!


    talak ni jojie:

    anak ng pating! uy! uy! wag niyo seryosohin si kumareng jovi!

    replytsina

  6. chuvanessNo Gravatar Says:

    na pressure ako..makapag papayat nga din…hehehe..uy dapat sa EB suot mo un letter B. hehehe…patahi na lang wag na sa mall mahal yan eh

    hahahahha


    talak ni jojie:

    konti lang sister, yung makapagpakikay naman tayo. :D baka kasi i-associate na’ko kay Malu Fernandez e mahirap na. wahahahaha!

    replytsina

  7. defpotecNo Gravatar Says:

    gusto ko malaman sikreto mo.. inggit ako


    talak ni jojie:

    diyeta at madaming-madaming kunsumisyon. :lol:
    uy.. first time mo dito a, tama ba? o ngayon lang nakapagcomment? pwes! hindi ka na virgin! wahahahaha!

    replytsina

  8. katherineNo Gravatar Says:

    elow po nakikiraan lang po…pwde po ba pa add….kaloka banat ko…wak ka sana maimbyerna…salamat…

    pero sa totoo lang po nagpapapayat din ako dami ko na ni try til naubos padala ng papa ko wa epek pa rin sa akin…kahit mag bzbzhan ako wala din….sabagay net lang nmn kinabisihan ko…kaisa mo po ako sa nangangarap magsuot ng huwaw ng dress…kaya ngaun ang ginagawa ko kumain ng iba’t ibang skyflakes araw araw…pero nisunod ko din payo sa akin ni nika na kumain ng magic flakes bka mas epektib….hahaha…salamat po ulit.Balang araw papayat din ako…


    talak ni jojie:

    hi katherine. :D sana naman iniwan mo address mo para naman mabisita kita at mailink na din.

    wag naman puro skyflakes baka naman matuyo ka na niyan, samahan mo na din ng madaming tubig kagaya ko. ;)

    replytsina

  9. katherineNo Gravatar Says:

    wak ka wori sundin ko payo mo..hehehe…
    eto nga pala…
    http://www.richkath.wordpress.com
    ym n rin….
    fhmsweetheart(lagi ako ol yun lang invi ako)
    eto nga pala address ko sa bhay at cell#…..joke feeling close ako…but im looking forward to dat….cheerssss…
    ayan ahhhhhhhh….kaloka nipost ko talaga…kakaaliw ka…salamat


    talak ni jojie:

    ang hyper mo sister. :lol: dalawin kita minsan sa bahay mo. ;)

    replytsina

  10. menggayNo Gravatar Says:

    wag kayo maniwala sa ate ko!!!!!!!!!!!! mataba pa rin yan!!!!! nyahahaha.. love you te —-singit sa pc (maganda mong sister *joi*)


    talak ni jojie:

    waaaahhhh!!! may hacker!!!! :lol:

    replytsina

  11. kengkayNo Gravatar Says:

    uy, congrats. ako nga yung levis jeans ko nung college many many years ago e bitbit ko dito. kasi yun yung size na gusto ko, hahaha. minsan kasya, minsan hindi. pero at least, di ko pa sya natatapon, meaning, pwede pang isiksik mga bilbil. pag may nakitang akong ganyang damit sa garage sale dito, ibili kita. pramis. ano ngang size mo na, hane?


    talak ni jojie:

    aylabyu ate kengks! ay naku dina ko sure sa size ko ngayon. swak kasi ako sa size 4 dati, ewan ko lang ngayon. talagang kinarir ko ang pagiisip. nyahahahaha! ate kengks masaya na’ko sa german sausage. ;)

    replytsina

  12. rhapsodyNo Gravatar Says:

    wow galing mo naman mag-diet.. ako din kasi sikip na ng mga pants ko di na ko makahinga hahah.. super duper lalong maiinlove na nga ang manong sa kanyang manang..


    talak ni jojie:

    naman! hindi naman ako magaling mag-diet no. sobrang pagtitiis lang ang strategy, tsaka mangunsumi, mangunsumi, at mangunsumi.. LOLs!

    replytsina

  13. JeanGreyNo Gravatar Says:

    LOLZ bakit ang daming gustong pumayat? ako gusto ko ulit tumaba. last year lang nasa 43 ang waistline ko ngayon 29 na lang… hehehe ang sikreto para pumayat? tama si jojie mangunsumi ka ng mangunsumi at maghanap ka pa ng mga problema ayun sigurado yhan papayat na kayo! =P

    ang gaganda ng mga dress na yan… pero hanggang tingin lang ako hindi ako marunong magsuot ng ganyan.. =P


    talak ni jojie:

    anlaki ng pinayat mo a.. sana ako din..

    replytsina

Mag-Comment Galore



SOME KINDA-MEDYO KAPAREHONG POSTS-SLASH-ENTRIES