santa jojie
Excited ako this coming Christmas, hindi ko alam kung bakit. Para akong bumabalik sa pagkabata e 27 pa lang naman ako para mag-ulyanin. A basta, excited talaga ko. Siguro dahil na din sa mga feelings na ito:
- Feeling ko mas may pera ako ngayon paskong ito [powered by positive thinking].
- Feeling ko madami akong gifts na matatanggap this year.
- Feeling ko mas masarap yung Hamon na nakahain sa mesa sa Noche Buena, ay hindi nga pala kami nagno-Noche Buena.
- Feeling ko konti lang ang inaanak na ha-hunting sa akin.
- Feeling ko mananalo ako sa lotto kahit hindi ako tumataya at mamumudmod ako ng madaming salapi.
- Feeling ko… basta feeling ko lang.
Sana nga magkaroon ako ng madaming pera bago magpasko, gusto ko ngang sumideline sana sa may Quezon Ave., kaya lang baka bayadan lang ako ng beinte pesos, laos ang mala-diyosa kong kagandahan. Charing! Seryoso, gusto ko talagang magka-sideline, pandagdag din sa nalalapit na holiday season.
Hindi niyo na naitatanong mahilig ako magregalo. Pero bago kayo pumila at sumipsip sa’kin alamin niyo muna kung may datung ako para maregaluhan ko kayong lahat. Frustration ko ito taon-taon e, ang hindi ko maregaluhan ang mga gusto kong regaluhan dahil sa busy ako, echos! Ang totoo kulang sa budget.
This year, aayusin ko talaga ang Christmas list ko. I’ll see to it na mabigyan lahat ng nasa listahan. Maaga pa lang mag-shopping na’ko para pagdating ng December wala na akong problema. Antarush ng plano ko diba? Sana naman hindi ito matulad sa mga nakaraang pasko na hanggang listahan lang at mauuwi lang sa trash can.
As early as now may naiisip na’kong gift ideas, feeling ko [ulit], ang mga ideas na ito ang tatalo sa mga pinanreregalo ni Kris Aquino, Gretchen Barretto at Ruffa Gutierez.
- Newly improved Baguio Man with a bling-bling sa ‘tooott!’ pag tinanggal yung bariles.
- Panties at brief na may bible verse sa harap.
- Teddy bear na pugot ang ulo.
- Condoms na may kasamang picture ko with my blue curlers.
- Pelukang pinaglumaan ni Madamme Auring.
- Shirt na may naka-print na “MY PENIS SIZE IS <insert penis size here>” [for men only, kailangan ko pang kuhanin ang size ng inyong 'tooot!'. At puleeezzz... BE HONEST].
- Shirt na may naka-print na “MY BOOBS ARE AUTHENTIC.” [for women only].
- Alarm clock na tawa ni Mahal ang panggising.
- Foot Scrub para sa face.
- Orenolang de-remote.
Ilan lang yan sa mga naiisip ko. Kewl diba? O mamili na kayo, email o PM niyo ko para mai-reserve ko na yang regalong yan para sa inyo. ![]()

diva. 80% babae - 20% bakla. echosera. mahadera. blue curlers. komikera. gandang walang maliw. chovarloo addict. chism person. world peace enthusiast. 1 3/4's na OA. stressed-out poreber. spontaneously sweet. walking disaster. mishaps princess. with golden heart. poreber inlabs. sorta-kinda-medyo feeling goddess. girl-next-window. reyna ng tralala.
vin
on September 11th, 2007
napaka-authentic ng regalo mo neng! natalo mo pa si oprah!
replytsina