meme na
Posted on September 11th, 2007
Love na love ko ang meme-slash-tag chuva na ito. Feeling ko assignment ito na kailangan kong karerin, nageenjoy naman ako. Pero teka, isa-isa lang ang pagtatag ha, baka mapagtataga ko kayo pag nataranta ako.
Tinag ako ni pards AZRAEL kahapon lang, tamang-tama at kinakalap pa ng naghihingalo kong brain ang gusto kong i-blog kaya pansamantala tags tags baby muna ang mga eksena.
TEN THINGS I HATE (OR LEAST LIKE)
FOOD: Hindi ako maarte sa pagkain, mabubuhay ako sa bundok o kahit sa Mars basta walang ATAY. Diko trip ang kalasahan parang lasang lupa. OO, nakatikim na’ko ng lupa.
FRUITS: Ayaw ko ng KIWI para ring okra ang lasa.
VEGGIES: Nilalakad ko na sa kongreso na i-ban ang OKRA.
PEOPLE: S-N-O-B-S. Kasupladuhan/Kasupladahang wala sa lugar. Sama na din yung mga Grouchy. Matataray/Matataroy na wala sa lugar [din]. HYPOCRITES. [others, see: pet peeves].
EVENT/SITUATION/INCIDENT: Asarang nauuwi sa pikunan. Monthly period, pahirap sa buhay. LBM sa unexpected places. Biglaang pag-ulan na wala akong dalang payong. Kalampahan moments ko.
TV SHOWS/MOVIES: Home TV Shopping, pinaglalaway kasi ako.
MUSIC: Hard Core Rock at SOME novelty songs.
HOUSEHOLD CHORES: Maglaba at Magplantsa, parehong nakakakuba.
THINGS AROUND THE WORLD: Breakout ng kung ano-anong sakit. [e.g. AIDS, SARS CANCER Birds Flu, Biological Viruses]. Poverty. Racism.
THINGS ABOUT MYSELF: Aloofness. I hate myself pag nagpi-PMS ako.
Finish! Kailangan ko din daw mag-tag pa ng iba e mukhang nai-tag na lahat. Etong dalawang D na lang, dhey at dilan.
Filed under: jojie's top10 anik, tags | meme
One Response to “meme na”
Mag-Comment Galore
SOME KINDA-MEDYO KAPAREHONG POSTS-SLASH-ENTRIES


September 11th, 2007 at 6:16 pm
bili ka na ng washing machine lol
PMS OK LANG YAN.
Naku medyo snobbish look ako. does that mean i’m out. waaah
replytsina