Linggo kahapon, araw ng beauty rest. Aktwali hindi ko na kailangan yun, I have a very refreshing beauty that would last for the next 50years. Charing lang yun! Ang totoo kailangang-kailangan ko ng pahinga, masyado akong stressed lately sa kung anik-anik na pangyayari’t drama sa aking not-so colorful life. Kaya naman sinamantala ko kahapon at sobra akong nagbabad sa boob tube.
Enjoy na enjoy naman ako, sa totoo lang madalang na’ko manood ng TV, tuwing Monday na lang kasi adik ako sa Grey’s Anatomy. At paminsan-minsan sumisilip-silip sa news, nagpapanggap na super interesado ako sa current events at wag mapaghalatang updated pa’ko sa kung anong porn site ang pinagkakaabalahan ng boss ko kesa sa nagyayari sa Pilipinas.

Lubha naman akong naaliw sa mga palabas kahapon, para akong taong kahapon lang nadiskubreng may TV. Naaliw ako sa mga bagong commercials. Habang tumatagal papraning na nga papraning ang mga pinoy.
Ang pinaka-naloka ako, sa commercial ng E-aji, yung chichiryang may kasama ng dip. Naghanap ako ng video, wala pa, so itotodo ko na muna ang pagkukwento. Pag-ere ng commercial ang unang akala ko tungkol siya sa beauty product na pang teenager. May highschool girlaloo kasi na panay ang pa-cute sa isang highschool boylett, naiinis [diko alam kung naiinis ba yun o najejebs lang, pwera sa lungkot factor kuno sa mukha niya] si girlaloo at hindi pa siya dinidiskartehan ni boylett, so ayun drama-dramahan mode si girlaloo, sabay pasok ng amiga niyang highschool girlaloo din na parang hindi gumagalaw ang buhok sa pagkakaayos. To the rescue ang drama sa lungkot-lungkutan niyang amiga, achuchuchu achuchuchu… Sabay tanong:
“Alam mo ba ang sekreto ko?”
Sa eksenang ito ang akala ko may ilalabas na pampaganda, pampaputi, sanitary napkin, face powder, deodorant at kung anik-anik na kakikayan. Naloka ako ng biglang ilabas ni giralaloong-parang-hindi-gumagalaw-ang-buhok-sa-pagkakaayos ang… E-AJI! Teka… teka.. Anong konek?! Ito ba ay may gayuma na pwedeng ipakain sa kinakarir na boylett??
Nagkagustuhan si girlaloo at si boylett sa banding huli ng commercial na tralala pa din ako sa kung anong koneksiyones ng hayuf na chichirya sa namuong pag-iibigan ni boylett at girlaloo, hanggang sa i-reveal ang tagline na lalo kong ikinaloka.
“REMEMBER, BEAUTY IS JUST A SKIN DIP.”
Waaaahhhhh! Sabihin niyo nga kung ako ang slow o sadyang nashunga ang San Miguel at pinatulan ang concept na yun?
This is why I sooo.. love pinoy commercials, kaya akong patumblingin ng tatlong 360 degrees.

diva. 80% babae - 20% bakla. echosera. mahadera. blue curlers. komikera. gandang walang maliw. chovarloo addict. chism person. world peace enthusiast. 1 3/4's na OA. stressed-out poreber. spontaneously sweet. walking disaster. mishaps princess. with golden heart. poreber inlabs. sorta-kinda-medyo feeling goddess. girl-next-window. reyna ng tralala. 




7 Users Response In This Post
eh yung biolink VCO shampoo nakita mo na?
naghihintay pa ako ng vid nun sa youtube eh.
replytsina
hi jojieeeeeeeeetaaaah!
di ko pa napanood kaya i can’t comment..hahahah…pero muka ngang panget yun concept…yun mga commercials ng bayntel dati, i love it! korek, ang byooti mo is very refreshing. mwaaaaaah!
replytsina
daHil sa entry mo ateng nag kainteres tuloy akong manuod at tumutok sa commercial mamaya pag uwi ko hahhaa!!!!
naloka ako don sa tag line na yon!! “REMEMBER, BEAUTY IS JUST A SKIN DIP”
hahaha!!!!! pwede… hahhaha!!!!
manunuod ako mamaya!!
replytsina
naloka din ako sa commercial na yan. paminsan minsan lang ako manuod ng TV, natiyempuhan ko pa. magandang motto yan.
replytsina
winner nga yung sa BIOLINK! pati tatay ko tuwang tuwa don.
Yon ang magandang endorser ng mga beauty products, may result!
Sino kaya mag rekwes sa akin para mag endorse ng beauty product? (asa pa)
replytsina
sister baka naman nakakaganda ng skin yung chichirya na yun kaya ganun yung tagline nila., garbe talaga mga commercials ngayon no? hehehe
xiao!
replytsina
err… innocent me sa mga commercials. pero what do they mean by “dip”? ^^
replytsina
Leave A Reply Here