saya epeks
Masaya ko today, hindi matanggal ang close-up smile sa aking lips, ayan o… Kita niyo? At dahil masaya ako, teka nasabi ko na bang masaya ako? Yun na nga masaya ako, puro pagkain ang pumapasok sa utak ko, pareho din pag depress ako kaya wala ding kawala sa pagtaba.
Kanina pa’ko takam na takam lumafang ng kung ano-ano, parang gusto kong ubusin ang natitirang budget ko for next week. Pero hanggang pagkatakam na lang ako sa kinasamaang palad dahil pinaalala ng konsensiya ko na nagda-diet pala ako.
Madami na’kong namimiss na kainin, pero siyempre tiis lang muna kailangan kong magpa-sexy para handa sa pagdating ni manong. Pababayaan kong maglaway na lang muna ako sa pagkain na trip kong kainin kapalit naman nun ang paglalaway ni manong pag nakita niya ang kasexihan ko pagbaba pa lang niya ng eroplayn.
Iisipin ko na lang sila [mga pagkain] hanggang mapagod ang utak ko at sumunod pati sikmura ko. Pagmamasdan ko na din lang sila sa piktyurs maghapon, pag-uwi ko ng bahay para na din akong naumay.
Addict ako sa SHAWARMA. Kahit makalat siyang kainin. Kahit nagkakanda tinga-tinga ako sa karneng baka. Trip ko pag sandamukal ang sibuyas at kamatis at siyempre ang ipares ko siya sa 1.5 litrong Coke.

Trip ko naming gawing mani ang PRAWN TEMPURA. Yung tipong hindi ko naiisip na 200php mahigit ang kilo ng sugpo ngayon. Type na type ko itong orderin sa mga Japanese Restaurant pero pag nagtitipid ako keri na sa Japanese Fastfood kagaya ng KARATE KID at TOKYO TOKYO. Panalo rin itong iulam sa malagkit-lagkit at sobrang hilab na kanin kasabay ng bottomless na red iced tea.

Gustong-gusto ko naming nginangata ang mga maliligat na sago ng PEARL SHAKES ng ZAGU. Peborit kong flavor ang Melon at Café Latte. Kaya kong umubos ng isang grande. Masarap kaulam nito ang chicharong baboy, pramis. Try niyo.

Pag nakatabi niyo ko at amoy toyomansi ako na hinaluan ng bawang, isa lang ang ibig sabihin nun, lumafang ako ng sangkaterbang SIOMAI. Mas trip ko ang Pork kesa sa beef. Kaya kong patumbahin ang 25pcs na siomai sa isang upuan lang, ibang usapan na ang second round ha. Merong nagtitinda ng siomai ditto sa’min na napakasarap at napaka mura lang hindi ko ito sinasabi dahil nasuhulan ako ng siomai ng may ari para i-advertise ang siomai nila, talaga lang masarap.

FRENCH FRIES naman ang all-time lihi food ko. Lagi ko itong hinahanap-hanap kahit saan ako nandoon. Gusto ko nga sana lumipat na sa bulubundukin ng Basilan pero ipinagpaliban ko dahil wala dung French Fries. Peborit ko ang french fries ng McDo sa lahat ng french fries sa buong mundo.

Pag naman gusto kong i-exercise ang bunganga ko at i-strech hanggang saan kakayanin [o madudumi ang isip. Wahahahaha!], PIZZA naman ang nilalantakan ko. Hindi pa naman nangyari na nagkasya ang isang buong slice sa bibig ko, mga ¾’s lang echos! Hindi ako pihikan sa flavor basta yung madaming beef, cheese, bell pepper, pineapple, at ham. Ayoko sa pizza yung may olives. Lalo na yung may dilis! Anchovies daw yun, whatever.

Parang pinahirapan ko lang lalo ang sarili ko sa entry kong ito. Gutom pa naman na ako talaga. Makainom na nga lang ng isang basong tubig. Nga pala, sinadya ko ding lakihan ang mga piktyurs para matakam at mahirapan din kayo. ![]()

diva. 80% babae - 20% bakla. echosera. mahadera. blue curlers. komikera. gandang walang maliw. chovarloo addict. chism person. world peace enthusiast. 1 3/4's na OA. stressed-out poreber. spontaneously sweet. walking disaster. mishaps princess. with golden heart. poreber inlabs. sorta-kinda-medyo feeling goddess. girl-next-window. reyna ng tralala.
menggay
on September 6th, 2007
piktyurs palang nagrereact na tiyan ko…Grabe!!!Nakakagutom naman yan!!! Yung shawarma parang bigla tuloy ako nakaamoy ng sibuyas dito sa Hopisina… i love it!!!!! ……. At yung shakes wow…ang lamig,..
September 15, huhuhuhu ang layo pa waaaaaa!!!!
replytsina