to inglet or not?

Posted on September 4th, 2007

It’s been ages since I made an entry in English and I barely remember when or what is it all about. Since some [I assume] of my readers are coños and coñitas, I realized that I should make an effort to reach out to them in exchange and appreciation for visiting my home.

….

….

Anak ng pitongput’ pitong balyenang di maihi! Wala naman talaga akong pakialam sa mga coño at coñitang mga yan. Tapos na ang inglet, inglet days ko sa blogosphere, natapos na nung isuko ko ang pangarap kong magtrabaho sa call center. Ngayon kailangan niyo muna akong lasingin para mapa-inglet. O di kaya naman palanghapin niyo ko ng gas galing sa mga tyan ninyo para mapa-inglet niyo ko.

Bukod sa hindi ako magaling sa inglet dahil parang laging nagsusuntukan ang grammar ko, e hindi ko masyadong ma-express ang sarili ko sa inglet. Pakiramdam ko para akong sinasapian ng engkanto. Tsaka matigas ang dila ko sa inglet parang laging pinupulikat.

Nung maglipat bahay ako dito sa WP napagdesisyunan ko ng iwanan ang pagiging social climber ko at wag ng magpara-inglet, inglet pa. Natuwa pa nga ako at napi-filter ang language dito [mabuhey wordpress!], ibig sabihin may puwang sa kagaya kong bopols sa inglet. Isa pa mas napapasarap ako sa kwento kapag kumportable ako sa ginagamit kong salita. Kung may pagkakataong nawawala ako sa sarili ko, na alam kong palagi, yun ay dahil sa madalas kong makausap sila Ruffa at Kris. Charing!

Sabi ko nga sa disclaimer nitong bahay ko, na uulitin ko ulit dahil 1000x akong inire ng nanay ko.

~if ayaw mo ng taglish because your head hurts, malaya kang i-click ang “x” icon dun sa upper right corner ng page na’to [bye…]

Nabopols pa nga ako sa “upper right corner” na yan, left ang nai-type ko, buti na lang may mga nagmagandang loob itama ang kashungahan ko. Anyway highway in the by way, yun na nga… wag na kayong mag-expect na parang 9mos preggy na ibabalik ko ang inglet days ko. Ibinaon ko na yun sa likod bahay namin, ay teka… wala pala kaming likod bahay. :P

Bookmark and Share

Filed under: blog layp


Add to Technorati Favorites

Magsubscribe na ever via email!

Delivered by FeedBurner
Ang mag-subscribe may mababait at super cute. Echos!

11 Responses to “to inglet or not?”

  1. rhapsodyNo Gravatar Says:

    yeah right sister.. it’s so fu**ing hard to express yourself in English.. heheh.. ok na ung taglish dibah.. mas nakakaaliw pa nga kung pure tagalog dibah.. hahaha!!!


    talak ni jojie:

    you’re sooooo paking right! LOLs!

    replytsina

  2. LaarniNo Gravatar Says:

    ‘Pag ang gusto mong audience ay maliit lang like Filipinos lang, pwede ang taglish pero kung target mong audience ay international, kelangang mag english.

    I don’t call bloggers who blog in English na conyo, may mga tao talagang nadadalian mag english. For instance, mas madali mag type ng english kaysa tagalog kasi ang daming letter “A” pag tagalog. lol.

    Okay. That doesn’t make sense at all.
    :P


    talak ni jojie:

    uhm.. okay.. LOLs!

    replytsina

  3. dEeNo Gravatar Says:

    hahaha - ako nga type ko mag-inglet kaso kagaya mo - nahihirapan akong iexpress ang mga gusto kong ipaalam sa madlang pipol - kaya mas natutuwa pa rin akong mag-taglish with matching slang hahaha!


    talak ni jojie:

    mabuhey tayo kafatid!

    replytsina

  4. JimNo Gravatar Says:

    ayos la-ang yan. kakailanganin mo din ang lintek na Ingles na yan sa ayaw at gusto natin. Pero maghintay-hintay ka na at susunod na “universal language” ay mandarin kaya magsimula ka na mag-aral… mwwahahaha… Ni hao! :)


    talak ni jojie:

    huwwwaaaattt?! LOLs! uy pero type ko ang mandarin, intsik manong ko e. :D

    replytsina

  5. chuvanessNo Gravatar Says:

    nun nag s-start palang me mag blog, akala ko bawal mag tagalog! hahahhah


    talak ni jojie:

    hindi naman bawal lang ang umutot! wahahahaha!

    replytsina

  6. brathNo Gravatar Says:

    pahirap talaga sa buhay ang mag inglet no? ako nga hirap na rin mag inglet dito sa esteyts e. kaya NO TO INGLET! hehehehe

    xiao!


    talak ni jojie:

    ay naku pagtagal-tagal mo pa diyan may twang ka na din magsalita, manonosebleed na din ako sayo. LOLs!

    replytsina

  7. MithiNo Gravatar Says:

    Hi Jojitah (ankulet pala ng pangalan mo–hehe). Medyo natamaan ako dun ah kase sa blog ko english ako magsulat ;) pero PRAMIS hindi ako konyo. :P


    talak ni jojie:

    uy! tenchu sa pagdaan… :D daanan ko blog mo para mapatunayan ko. wahehehehe. :D

    replytsina

  8. druNo Gravatar Says:

    Hey! It’s been a while. ;) Hahaha! Okay lang naman talaga whether english ka ba or tagalog, as long as you’re comfortable with the way you express yourself. O devah? :P


    talak ni jojie:

    korekek! ;)

    replytsina

  9. kengkayNo Gravatar Says:

    ako din nabaliw sa kakainglis dun sa mommy blog ko, kaya naisip ko magtalak naman sa tagalog, ayun, super enjoy ako!!!


    talak ni jojie:

    mabuhay tayong mga enjoy! LOLs!

    replytsina

  10. A Z R A E LNo Gravatar Says:

    first time ko mag-blog, derecho ingles ako. ang hirap taragis. sinubukan ko naman derecho tagalog, mas mahirap grrrrrrrr.. kaya bagsak ko taglish tlaga..

    ngunit subalit datapwa’t.. nakakaramdam pa rin ako minsan ng konting kahirapan pag-taglish..

    kaya baka any day now, gagamitin ko na ang native language ko..

    FRENCH. oui! oui! ahahahaha!


    talak ni jojie:

    pards di ka naman gutom niyan? french fries gusto mo?! wahehehehe…

    replytsina

  11. Raymond Lee QuijanoNo Gravatar Says:

    hmm… maari ba kitang yayain sa labas para yayain kang uminom? pag nangyari yun… malalasing ka… at pag nalasing ka..mapapa inglet ka… at pag napa inglet ka…. i re record ko yun at ibebenta ko…

    for sure… mas mabenta yun kesa sa google adsense. hehe


    talak ni jojie:

    linshak ka! nyahahaha!

    replytsina

Mag-Comment Galore



SOME KINDA-MEDYO KAPAREHONG POSTS-SLASH-ENTRIES