pity me please… pity me!
Lampa ako, tapos ang usapan. Pangkaraniwan na sa akin ang madapa, matapilok, matisod at madulas. Hindi na din bago sa’kin yung kung ano-anong nasasagi dahil sa kalampahan ko na may sayd epeks na pagiging clumsy, o clumsiness na may sayd epeks na pagkalampa.
Naranasan ko na madapa sa prusisyon habang suot ang bago kong biling sandals na may heels na 3 inches. Naranasan ko na din madapa sa kahabaan ng Makati Avenue. Nagtataka nga ako kung bakit hindi pa din ako bingot hanggang ngayon. Sinuswerte pa din siguro ako sa mga pagkakataong iyon.
Pero kagabi, iniwan ako ng swerte at hindi ko naisalba ang hindi ko kagandahang tuhod. OO, nadapa ako kagabi. Kung kailan napagtripan kong magpalda pauwi ng Cavite. Nakaapak ako ng balat ng saging at ang sumunod na eksena ay poetry in motion na, charing! Usually pag nadadapa ako o natatapilok nakukuha ko pang ngumiti at pagtawanan ang sarili ko, pero kagabi… di keri ng powers ko ang magsmile habang umaagos ang 10cc na dugo sa tuhod ko [exag lang yun].
Sobrang sakit ever! As in… Parang naramdamang kong kumayod pati buto ng tuhod ko. Maluha-luha ako sa sakit na parang gusto kong magdrama sa harap ng madlang nakakita sa kahiya-hiya kong eksena. Pero wiz ko na talaga napansin ang mga mapanlibak at mapang-uring tingin ng mga witness. Isa lang ang nasa isip ko. Taena ansakit!!!!
Ang ebidensiya!

Sana naman naawa kayo sa’kin hindi kagaya ng mga taong ito:
Sister ni jojie: Ayan! Dinala pa ang katangahan sa cavite! Buti na lang hindi ako sumabay sa’yo! wahahahahahahaha!
Sister din ni jojie: wahahahahahahaha!
Ang suswit nila no? Gusto ko silang ibalik sa sinapupunan ng ina ko. Punong-puno sila ng simpatya.

diva. 80% babae - 20% bakla. echosera. mahadera. blue curlers. komikera. gandang walang maliw. chovarloo addict. chism person. world peace enthusiast. 1 3/4's na OA. stressed-out poreber. spontaneously sweet. walking disaster. mishaps princess. with golden heart. poreber inlabs. sorta-kinda-medyo feeling goddess. girl-next-window. reyna ng tralala.
rhapsody
on September 2nd, 2007
hahaha..!!! oo kawawa ka nman hahaha!!!
ako din.. twice sa hagdan ng school nung college ako.. naginarte lang akong nahihilo umupo ng saglit sa steps haha.. ung isa walang nkakita kaya tayo agad xempre.. once sa bahay, feeling ko ung eksena sa movie na gumulong gulong pa kinapit ko ung braso ko pero di umubra.. ending napakalaking pasang sobrang nangitim sa may binti.. at bangas sa mukha… wahahaha!!
replytsina