atm kunsumisyones

At dahil payday, sugod mga kapatid ang drama ko sa nearest ATM machine para mag-withdraw ng milyones ko, echos! Maligayang-maligaya ako na ipinapa-obvious ko talaga dahil masasayaran na naman ng pera ang makakalyo kong mga kamay. Hindi ko pinansin ang malakas na ulan kahit na hanggang tuhod na basa ang mumurahin kong islaks, may I smile na parang may shoot ako ng commercial para sa close-up.

Pagdating ko sa ATM machine… Anak ng kapreng di maihi o! Andun na naman yung mga bespren kong nagnenegosyo ng sanla-ATM. Sandamukal na ATM ang pinagsasaksak sa walang kalaban-labang machine. Letsugas! Hindi lang ata 10 ang dala ng herodes, walang habag sa mga nakapila at higit sa lahat walang habag sa kagaya kong basang sisiw na umamot lang ng konting oras sa breaktaym para makuha ang sweldong pinakamimithi.

Umuusok na talaga ang bumbunan ko matapos gahasain ni mamang lending ang machine. Gusto kong pukpukin ng may katulisan kong takong ang bumbunan niyang tinamad tubuan ng buhok, pero dahil last two minutes nalang at aatungal na ang bell naming paos minabuti ko ng lang mag-withdraw ng milyones. Nangamba pa nga akong baka nilimas nadin ni mamang lending ang puri ni ATM machine. Salamat naman at may natira pa para sa’kin.

Bumalik ako sa opisinang bawas na ang excitement at joy-to-the-world kong drama.

Buti pa ang mga doggies na ito may mga disiplina, hmpt!

doggies

Bookmark and Share
diva. 80% babae - 20% bakla. echosera. mahadera. blue curlers. komikera. gandang walang maliw. chovarloo addict. chism person. world peace enthusiast. 1 3/4's na OA. stressed-out poreber. spontaneously sweet. walking disaster. mishaps princess. with golden heart. poreber inlabs. sorta-kinda-medyo feeling goddess. girl-next-window. reyna ng tralala. etc. etc. etc.



SOME KINDA-MEDYO KAPAREHONG POSTS-SLASH-ENTRIES

7 Comments

brathNo Gravatar Unknow Unknow  on August 31st, 2007

haha kawawa naman yung atm machine, wasak na wasak na ang pagka babae nun( iyon ay kung babae ang atm machine), di bale nakuha mo naman sweldo mo e,,,,

pa canton ka naman! heheheheh

xiao!


talak ni jojie:

o sige, ipadala ko diyan sa new jersey. :lol:

replytsina

chuvanessNo Gravatar Unknow Unknow  on August 31st, 2007

hahaha…naka experience na din ako ng ganyan…sobrang tuwa ko kse akala ko ako na yun next in line, sus porbida man guid! 25 yata yung ATM na dala ni manong, payroll yata nila yun


talak ni jojie:

kabwisit divah?!

replytsina

druNo Gravatar Unknow Unknow  on August 31st, 2007

Hahayy.. Meron talagang mga ganyan. Pero malay ba natin importante ba talaga ang ginagawa niya. :P Sige na lang.. Breathe in, breathe out.. Kung di na talaga kaya, tapunan mo ng bato at tumingin sa ibang lugar. hahah


talak ni jojie:

parang mas type ko ipukpok yung takong ko.

replytsina

kengkayNo Gravatar Unknow Unknow  on August 31st, 2007

hay, memories of pinas :D dito chika na yang pag widthraw sa atm — kasi yung atm card mo accepted na sya as cash - basta andun yung datung ha! e kasi sa tin pati 50 pesos gustong ipasuka sa atm eh, hehe


talak ni jojie:

hay naku… pinabilis nga ang buhay, may mga pasaway naman. hmpt!

replytsina

deejayzNo Gravatar Unknow Unknow  on August 31st, 2007

yan kasi ang problema ng mga tao, ubos ubos biyaya, nakatunganga hanggang katapusan. kaya nde pwedeng ma-delay ang sahod.

bisitahin mo naman ang aking munting sanktuaryo!


talak ni jojie:

aray ko! LOLs! e talagang madaling maubos kokonti lang kasi no. :D
salamat naman sa pagbisita, daan din ako sa blog mo. :D

replytsina

menggayNo Gravatar Unknow Unknow  on September 3rd, 2007

hahahaha!!! Hindi ko talaga maiwasan tumawa ng tumawa.. :)
Sa lahat ng entry mo my dear jojitah isa to sa pinaka naaliw ko at pinaka gusto( sabagay lahat naman gusto ko)….

Tawa ko ng tawa. May punto ka naman talaga hahahaha….


talak ni jojie:

para ka namang kinikiliti sa… hahahaha! :P

replytsina

RichardNo Gravatar Unknow Unknow  on September 3rd, 2007

Next time magdala ka ng lighter… tas sindihan mo na ung booth bago pa man matapos ung nag-wiwithdraw..

sometimes… being evil is fun! :lol:


talak ni jojie:

e nakaganti nga ako, nabilanggo naman ako, wag na lang. :D

replytsina

Leave a Comment

CommentLuv Enabled