Pag kaya ko ng magluho at matuto akong magalit sa pera, pramis bibili talaga ako ng Magic Sing. Yung wireless microphone na madaming nakaprogram na kanta. Yung pang-videoke. Yung may score pagkatapos mong kumanta. Balita ko may updated version na ngayon ang Magic Sing, kinumpleto na nila ang selection ng kanta ni Manny Pacquiao. Huwwwaaaawww! Sulit na sulit pag nagkataon. [...para sa'yo ang laban na'to].
Kasama talaga ito sa plano ko dahil hindi niyo na natatanong mahilig ako sumayaw, charing!. Adik kasi ako sa videoke like every typical pinoy. O aminin… trip niyo din, wag na magpasosyal alam ko aliw din kayo sa videoke craze na ito. Kahit na parang palakang nirerepe ang boses napapakanta basta videoke na ang labanan, palakasan na lang ng boses para makakuha ng mataas na iskor. Bukod sa aliw din ang mga manyak sa mga babaeng nakatwo-piece na babaeng nagpapagulong-gulong sa buhanginan o kaya nagpapaikot-ikot sa puno.
Keri lang naman ang boses ko. Sa history ng videoke sessions ko ay hindi pa naman ako naiisyuhan ng temporary restraining order, kaya palagay ko may potential din akong maging videoke diva. Malay niyo magkaroon ako ng gigs sa mga sikat na bars sa Metro Manila.
Mahalaga sa pagvi-videoke ang choice of song, para ding sumasali ka sa mga singing contest sat tv, dapat yung babagay sa timbre ng boses mo, kundi laos ang iyong promising career. Pumili din ng kantang swak sa mood mo. Ang pangit naman kung kakanta ka ng FAME na parang namatay ang favorite mong pet diba.
Siyempre meron akong mga regular songs na kinakanta, ito yung mga unang hinahanap ko sa bible ng videoke at sobrang kabisado ko ng kantahin kahit hindi na ako mag-vocalize.
- Forever Blue/Cacai Velazques
- Friend of Mine/Odette Quesada
- All This Time/Tiffany
- Bitch/Meredith Brooks
- No More Rhyme/Debbie Gibson
- Breathless/The Corrs
- A Smile In Your Heart/Jam Morales
Kayo, ano ang peborit videoke songs niyo? Teka… matagal na itong gumugulo sa isipan ko. Ano ang tono ng:
ARE YOU HAVING A GREAT TIME

diva. 80% babae - 20% bakla. echosera. mahadera. blue curlers. komikera. gandang walang maliw. chovarloo addict. chism person. world peace enthusiast. 1 3/4's na OA. stressed-out poreber. spontaneously sweet. walking disaster. mishaps princess. with golden heart. poreber inlabs. sorta-kinda-medyo feeling goddess. girl-next-window. reyna ng tralala. 




6 Users Response In This Post
ako din yang friend of mine kinakanta ko dati sa videoke.. pero sa bahay lang namin.. di ksi malakas loob ko pag madaming audience parang umuurong voice ko hahaha… maiyain itich hahaha..
replytsina
Panalo pag mga Aegis songs ang kinakanta sa isang videokehan. Try mo. :p
replytsina
Ano sinasabi mo? Mahal na mahal mo ang pera? Diba kung mahal mo na mahal mo ang isang bagay, diba you should let go? hahahaha!
replytsina
hahahah! jojitah ka talaga! parang gs2 ko i-add sa diksyunaryo ng PINOY SLANG YAN ahh…nilink kita pala kita…
ako din fave ko ang FRIEND OF MINE sa videoke…tsaka you made me live again..yan yata ang female version ng MY WAY eh
replytsina
wow!!! mukhang magandang ideya nga yan…
pasok….. hihihih
isang kanta nga ng friend of mine dyan
replytsina
duet tayo ng prend of natin ok? natawa ako dito sa post mo kasi kahapon bigla kong na remember may magic sing nga pala ako — di sa iniinggit kita ha, hehe — may i get ako at sing with my bubwit — pero kasi boring yung laman, panay DOREMI at beautiful sunday tuloy ang hirit naming mag-ina dapat bili muna ko ng ibang chips sa raon pag uwi namin dyan. sama ka?
replytsina
Leave A Reply Here