payong kaibigan
Posted on August 28th, 2007
Hindi ako mabuting source of advice at madalang na madalang ako magbigay ng advice, pag hinihingi lang ng pagkakataon. Kaya medyo nawindang ako sa isang reader na napukaw ko ang interes nung nabasa ang entry kong may kinalaman sa pagbubntis [juntis... juntis...].
Para sa’yo jenn, sasagutin ko ang inquiry mo sa abot ng aking makakaya.
hi po! ako gusto ko na mgjuntis to my husband,pero di makabuo eh! advise naman jan!kailangan ba talaga wag bbangon agad.para makabuo? en panu ba mallaman kung pertile ang girl?reply naman jan.
Dama ko ang bigat ng kanyang problema dahil sa huli niyang sinabi, sino naman ako para tumanggi.
Jenn,
Unang-una salamat at pinagtiwalaan mo akong hingian ng payo, sana lang hindi mo masyadong seryosohin dahil baka masira ko lang ang buhay mo. Natutuwa naman ako at gusto mo na ding magka-baby kagaya ko, mas lamang ka nga lang dahil pwede ka ng gumawa ng baby.
Fertile ang babae after more or less [depende sa menstrual cycle mo] 14days after ng last day ng iyong regla. Makakaramdam ka din ng mainit na pakiramdam dala ng mataas na body temperature. Feeling mo nilalagnat ka pero hindi naman. Kakaiba din ang texture ng iyong discharge. Pag pasok sa banga lahat ng sinabi ko, it’s the right and left time na para magkulong na kayo ng kwarto at mag-tong its, echos!
Tungkol sa tanong mo na kung hindi muna babangon after the baby-making session para makabuo agad ay hindi ko yan masasagot dahil hindi ako bihasa sa mga techniques kung paano makabuo agad. Ang maipapayo ko lang sa’yo dalasan niyo na lang ang baby-making sessions niyo. Kung dati ay three times a day make it seven times a day, pag ayaw pa’din gawin niyo ng 24/7. Naniniwala kasi ako na “daig ng masipag ang maagap”.
Sana naman kahit papaano ay nakapagpagaan ako sa bigat ng dilemma mo ngayon. Kung sakali at umepek ang ipinayo ko sa’yo, imbitahan mo ako sa binyag ng una niyong baby.
Nagmamaganda,
Jojitah
Filed under: atik, anda, anju!, my five-pesos worth
13 Responses to “payong kaibigan”
Mag-Comment Galore
SOME KINDA-MEDYO KAPAREHONG POSTS-SLASH-ENTRIES


August 28th, 2007 at 2:51 pm
Nasisiyahan ata si Jenn sa advise mo. “Uy! 24/7 daw!” hahahaha!
replytsina
August 28th, 2007 at 4:14 pm
haha ayos!
replytsina
August 28th, 2007 at 4:48 pm
pwede din ba ako sumagot/mag-suggest jie? >:)
replytsina
August 28th, 2007 at 5:03 pm
naku po, pwede ka ng maging ob gyne.
replytsina
August 28th, 2007 at 8:09 pm
langya! nag advice ka pa!
24/7? pucha! lalabnaw semilya nun. hahaha!
replytsina
August 29th, 2007 at 1:27 am
LOLZ!! the best ka po talaga… sana kapag nakabuo, jojitah din ang ibigay na name o kaya spontaneity!
replytsina
August 29th, 2007 at 2:29 am
may bago ka ng career ms.jojie! hehehehe
xiao!
replytsina
August 29th, 2007 at 5:29 am
napadaan lang po…i like yer name JOJITAH…parang pwede expression — jojitah ka talaga! hehehehe
natawa naman ako sa payo mong 24/7…pwedeng pumalit kay margie holmes
replytsina
August 29th, 2007 at 6:20 am
wahahahaha! 24/7.. duduguin lalaki nyan!
replytsina
August 29th, 2007 at 8:06 am
na tats naman ako sa sidebar mo
replytsina
August 29th, 2007 at 9:17 am
naku po… hindi kaya manglupaypay si manoy sa 6th to nth round nyan? ^^
replytsina
August 29th, 2007 at 10:04 am
nakakapagod ata isipin yung payo mo … 24/7!? kailangan ata ng shabu nun para maging possible! ;P
replytsina
August 29th, 2007 at 1:55 pm
24/7??? wahahahaha.. aus ahh… masarap o masakit? hahaha
replytsina