wow pare, badtrip!
Posted on August 27th, 2007
National Heroes day kahapon, pero ngayon ang holiday pero heto kami at may pasok. Badtrip! Imbes na nagbu-beauty rest pa din ako hanggang ngayon eto at nandito sa opisina at nagpapalipas ng boredom. Kaya eto ako ngayon mangugngulit na lang dito sa wordpress.
At dahil badtrip ang lunes ko ayaw kong mag-smile kahit na gustong-gusto ko naman. Ayaw ko ding tumawa kahit na parang sinusundot na ang tagiliran ko. Ayaw ko ding makipagkwentuhan, kahit na kating-kati na ang dila kong dumaldal. Ayaw kong kumanta, kahit na gustong-gusto ko ng sabayan sa Ryan Cabrera sa pag-atungal ng True. Hindi ko tatanggapin ang iaalok sa’kin ng opismeyts kong food, kahit na gustong-gusto ko talaga yung tanggapin.
A basta, paninindigan ko na ito. Badtrip ako period.
Filed under: tralala moments
4 Responses to “wow pare, badtrip!”
Mag-Comment Galore
SOME KINDA-MEDYO KAPAREHONG POSTS-SLASH-ENTRIES


August 27th, 2007 at 4:09 pm
ganun? sige na nga, makibad trip na rin ako. lalo pa’t ang asawa ko e halos matimbuwang sa selos dahil sa ka-chi-chika ko sa forum at sa YM. malamig na daw ang gabi nya..hay
replytsina
August 27th, 2007 at 4:27 pm
oks lang yan. wala bang holiday pay???
thanks for visiting din. added you na to my links ^_^
replytsina
August 28th, 2007 at 1:35 am
baka may dalaw ka o dadalawin pa lang! nyahahaha!!
replytsina
August 28th, 2007 at 8:12 am
girl, dapat lang na ihirang ka na isang Pambansang Bayani na may asul na curlers dahil sa pagkakabayani nyo sa trabaho. ewan ko ba, tuwang-tuwa talaga ako jan sa asul mong curlers. ang taray! parang gusto ko rin magpakuha ng litrato na nakabalot ng twalya ang ulo. hehehe! at home na at home.
replytsina