The Story Behind “Manong&Manang”
Posted on August 22nd, 2007
Ang alam ko ang iba sa inyo nag-aabang kung kailan ko iku-kwento ang lab story namin ni manong. Manatili na lamang kayong nag-aabang kasi hindi ko pa kayang hubaran ang bahaging iyon ng aking not-so colorful life. Tama na muna ang mga free tastes para sa mga tsismosa at tsismoso, bahala na kayong [oo kayo!] pagtagni-tagniin ang istorya. Feel kong mag-inarte.
Sa dinami-dami ng terms of endearment namin ni manong sa isa’t-isa [na ang iba ay mabantot], manang at manong ang napili kong gamitin dito sa blog ko sa hindi malinaw na dahilan. Basta yun ang unang pumasok sa cuekote ko. Hindi ko na naisip magpa-cute kasi alam kong cute na’ko [wooohhooo!].
Saan nga ba galing ang manang at manong? Kasi ganito yan… Noong nabubuhay pa ang padir ko, manang at manong din ang tawagan nila ni mudra. Ayun, dahil wala kaming originality kinopya namin ni manong ko. Buti na nga lang hindi kami idenemanda, pero napag-isip-isip ko na parang pagpupugay na din yun sa kanila. O diba ang galing kong lumusot.
Medyo weird nga lang kasi sa mga bicolano [si manong ay bicolanong intsik] ang manang at manong ay ang tawag nila sa ate at kuya. Hindi lang ako sigurado kung mayroon pang ibang kahulugan yun sa ibang dialect. Sa mga tagalog naman pag tinatawag na manang at manong e ibig sabihin member ka na ng senior citizen, o di kaya naman ikaw ay magpi-fishball, magbabalut, tindera/tindero sa palengke, magtataho, magbubuko, magmamani, maga-icecream at kung anik-anik pa.
Kahit naman parang may incest sa pagitan namin o di kaya para kaming mga gurang at mga street vendor, e nag-eenjoy naman kami tawagin ang isa’t-isa ng manang at manong na may kasama pang kilig sa pwet. Ganun yata pag inlababo kahit mabantot at weird ang itawag sa’yo ng jowakis mo, term of endearment pa din yun. Nakakakiliti pa din sa hart.
13 Responses to “The Story Behind “Manong&Manang””
Mag-Comment Galore
SOME KINDA-MEDYO KAPAREHONG POSTS-SLASH-ENTRIES


August 22nd, 2007 at 1:52 pm
Wala naman kaming magawa kung yan ang gusto mong itatawag sa kanya. Nakakaiba din diba kung Inday ang tawag mo sa kanya diba..? Pero kahit ganun naman, wala pa rin kaming magawa dyan. Wala pa rin!
Antamis niyo ha.. ^^ Nakakalanggam!
replytsina
August 22nd, 2007 at 7:15 pm
haha, natawa ako dun sa “kilig sa pwet”
nice one! blog hopping!
replytsina
August 22nd, 2007 at 9:11 pm
korek ka dyan… kahit ano pa ang tawag basta SYA yon, yun na yun!! oha.. puro yun ang nasabi ko! lichugas na yan!
humayo kayo……. at magmahalan! o, kala mo ha! alam kong di ka pa pwede dyan! hihihih…
replytsina
August 23rd, 2007 at 1:53 am
ngayon lang ako naka encounter na ganon tawagan sa isa’t isa
pero unique sya huh…
xiao!
replytsina
August 23rd, 2007 at 2:33 am
cute nga eh. yung barkada ko tawagan nila TSONG at TSANG.
Hmp, basta ako isa lang , BHE, lahat sila bhe tawag ko para di ako mabisto. wahahahaha!!!
replytsina
August 23rd, 2007 at 5:45 am
buti nga kayo manong at manong ang tawagan eh. may kasama pa ring pag-galang kahit paano.. kami ni misis azrael tawagan namin “HOY”
replytsina
August 23rd, 2007 at 12:11 pm
ang ka sweet nga pakinggan ei…:)
kyut nga yun ei…
Mas maloka sila pag ikaw ang manong at siya ang manang(lol:))
Muah!!!!
replytsina
August 23rd, 2007 at 4:10 pm
pag galit si misis azrael, tawag na saken..”HOY KUPAL”
replytsina
August 24th, 2007 at 1:05 am
mahal na mahal ko si manang..
sensya na po kung ngayon lang ko kadalaw dito. naaliw ko kakabasa entries mo,.
galing magsulat ng asawa ko,. kakatibok ng heart,. hehe,. luv u so much be,. ingat ka lagi,. luv u,.
replytsina
August 24th, 2007 at 1:15 am
i
love
you
manang
ko
!
replytsina
August 25th, 2007 at 5:25 am
ano ba yan, lab story, bilisan ko ang daan baka matapunan ako ng smak, hehe.
replytsina
September 15th, 2007 at 4:43 pm
[...] info By jojie Categories: manong and love Sobrang nami-miss ko si manong ko lately. May mga oras pa nga na natutulala ako kakaisip lang sa pinakmamahal kong jowawits. [...]
February 12th, 2008 at 2:45 pm
mudra, manoy-manay po ang tawagan sa Bicolano. sa Iluko po ang manong-manang. how i know? taga-Bicol po ako, pero me dalawa akong ex-misis na ilocano. hehehehe. mag-apila pa ba…
replytsina