I am currently on…..

http://YourGen.com/ - Text Generator

 

ECHOS!Gusto ko lang manggulat na feeling ko naman wa epek.

Hiatus na siguro [atleast para sa'kin] ang pinakagasgas na word sa blogosphere. Madami-dami na din akong nadaanang blog na nag-hiatus, nagha-hiatus, naka-hiatus, o kung anik-anik na hiatus [hindi ko alam ang tamang pag-gamit sa word]. Kung sino-sino ang mga ito ay hindi ko na iisa-isahin dahil tamad akong mag-link ngayon. Basta madami.

Ano ba ang hiatus? Sabi mi mareng merriam, pareng webster at amigong wikipedia:

1: a break in an object: GAP

2: a lapse in continuity

Pinasosyal lang palang pamamahinga ito, inferness antarush pakinggan. Pero sa totoo lang, noong una kong na-encounter ang word na ito e akala ko pang-addict, parang marijuana, kasi tunog halaman. Bigkasin ninyo ‘to:

  • hiatus –> cactus
  • hiatus –> lotus
  • hiatus –> hibiscus

Magkaka-rhyme diba?! So akala ko noon pag “ON HIATUS” e, “ON DRUGS”. Ang jologs talaga ng takbo ng u-tak ko.

Para sa’kin maganda naman ang intensiyon ng mga blogger na ina-annoubce ang pagha-hiatus nila, parang jowakis na nakikipag-cool-off muna. Pag bumalik tuloy ang ligaya at pag hindi break na talaga. Get’s niyo?

Ang nakakaloka lang todo explanation din ang ibang nag-hiatus:

“…i ran out of things to blog blah, blah, blah…”

“…i am not a lost in blogosphere anyway yada, yada, yada…”

Parang nagpapapigil? Nakakatuwang, nakakainis. Kung lalayas ka o hihinto ka man sa pagba-blog karapatan natin yun. Choice nating magpa-alam at maa-appreciate ng reader[s] natin yun. Pero para sa’kin hindi kailangang mag-explain na parang nagbibigay ka ng testimonya sa korte o nagmomonologue ka sa teleserye.

E ano nga bang pakialam ko?! Wala… Pakialamera lang.

O sya sya padilla at ako ay naka one-day hiatus!

Bookmark and Share