Happiness, Anger at Chorva

Napa-isip ako sa forwarded message na ipinadala sa akin ng friend-ko-pero-na-hindi-ko-friend-pero-feeling-namin-friends-kami, na obviously ay mahilig magpadala ng mga ganitong chorva. Nung isang araw lang yun pero hanggang ngayon pinagninilay-nilayan ko pa din.

Eto yun:

Two things in life you have to take mental note of: Don’t make any decisions when you’re angry and never make promises when you’re happy.

Pasok sa banga diba?!

Antaray na kowt. Madami-dami na din namang mga kowts na dumaan sa selepono ko pero bihira yung mapaisip talaga ako na parang may ga-mundo akong problema.

Nabalik-balikan ko tuloy yung mga pagkakataong nakagawa ako ng mga desisyon out of anger, and when anger fades awaygusto ko namang sa sarili ko magalit dahil nakapagdesisyon ako ng hindi ko tinimbang. Ang masama huli na para pagsisihan ko yung desisyong nagawa ko, whether I like it or not nakagawa na din ako ng damage sa iba.

Ang happiness naman sobrang nakaka-high, parang lahat ng eksena feeling ko party sa saya. I make promises dahil feeling ko square ang mundo, hihinto ito dahil masaya na ako before I knew it sala-salabat na promises na ang hindi ko natutupad because I am busy being happy. Pag binawi naman yung happiness dahil unfortunately bilog ang mundo at hindi square I’ll be too busy sulking.

Kung iisipin mo masyadong complicated, because we are built also to feel and not to think alone. Ang pangit lang pag hindi balance. Paano nga ba i-balance? Ay, ewan. Hindi ko din alam. Yun ang aalamin ko pa. Iintayin ko ang mga susunod na kowts na ipapadala ng friend-ko-na-hindi-ko-friend-pero-feeling-namin-friends-kami, baka isang araw nandun ang sagot sa tanong ko.

Speaking of chorva, naloka din ako sa isa pang forwaded message mula pa din sa friend-ko-na-hindi-ko-friend-pero-feeling-namin-friends-kami [nakakapagod i-type ha!].

Buong akala ko ay may katotohanan:

This is very interesting. Dagdag kaalaman din ito.

CHORVA has it’s etimology from the greek word CHEORVAMUS  meaning, “for lack of the right word to say or in a place of something you want to express but you cannot verbalize”

Amazing isn’t it?

Naniwala ka naman?!

CHORVA lang yun!

Bookmark and Share
diva. 80% babae - 20% bakla. echosera. mahadera. blue curlers. komikera. gandang walang maliw. chovarloo addict. chism person. world peace enthusiast. 1 3/4's na OA. stressed-out poreber. spontaneously sweet. walking disaster. mishaps princess. with golden heart. poreber inlabs. sorta-kinda-medyo feeling goddess. girl-next-window. reyna ng tralala. etc. etc. etc.



SOME KINDA-MEDYO KAPAREHONG POSTS-SLASH-ENTRIES

4 Comments

tim angNo Gravatar Unknow Unknow  on August 18th, 2007



Ang tarush talaga ng kowt, at naniniwala ako doon.
Btw, nakita ko na yung Friendster account mo. Kaso private. Di ko makita yung mga pictures. Sayang.


jojie says:

ay! view mo uli pag may time ka, palitan ko profile settings pero wag moko isama sa listahan mo ha! sasabunutan kita. LOL! :D

replytsina

Jervin RuizNo Gravatar Unknow Unknow  on August 18th, 2007



ang anger kasi hindi maiwas-iwasan. kahit sino naman nagagalit. i think, everyone needs to know his limitation.


jojie says:

awareness is the best policy. :D salamat sa pagdaan, visit ko blog mo.

replytsina

princess_yNo Gravatar Unknow Unknow  on August 19th, 2007



“never make promises when you’re happy” - guilty! chorva! lols :)
hi jojie! :)


jojie says:

hi.. *kaway kaway sabay smile* :D

replytsina

burskyNo Gravatar Unknow Unknow  on August 21st, 2007



kilala ko yang friend-na-whatever-goes-next-put-it-here na yan. ;)
infernez, masaya magbasa ng forwards niya… minsan. huwag naman sana madalas davah? >.<


jojie says:

e paano pa kung pinoporward ko din sayo lahat ng pinoporward niya? hahahaha… madaming pang-load ang batang yun. :D

replytsina

Leave a Comment