to dye or not to dye?
Ang buhok kong jet black ay pinagbabalakan ko ng papinturahan. Wala namang major na nangyari sa buhay ko bukod sa muntikan na’kong mamatay nung isang araw [ayaw ko ng ikwento nakakabwisit kasi] para i-make-over ko ang buhok ko. Feel ko lang magpaka-kikay lately dahil sa mga sumusunod na kadahilanan:
~Kailangan magmukhang sariwa, hindi na’ko bumabata at kailangan na ng extra effort.
~Gusto kong inggitin ang sister ko na matagal ng balak magpapintura ng buhok na drawing pa din hanggang ngayon.
~Baka sakaling magmukha akong sosyal, sosyal climber ako e.
~Feel ko lang.
Hindi ko naman balak salantain ang buhok ko, kagaya nga ng sabi ko from my past entry na hindi naman kailangan magpaka-OA, ieenhance ko lang naman ng konti.
Ano kayang magandang kulay? green kaya? echos! Basta… Sopresa. Pag within a month at wala kayong napunang ipinangangalandakan ko ang bagong pintura kong buhok, isa lang ang ibig sabihin nun: DISASTER.
~~~~
Uy nga pala… wala itong kinalaman sa buhok ko, gusto ko lang officially i-welcome ang dalawang taong nademonyo ko para maglipat bahay dito sa wordpress. Si menggay, isa sa opismeyt at kaututang-dila ko dito sa opis, at si dhey ang former…. kakambal ko [to dhey: kinabahan ka no?! LOL!] na matagal nagkuta sa multiply.
Sa inyong dalawa: nagpauto na naman kayo sa’kin.

diva. 80% babae - 20% bakla. echosera. mahadera. blue curlers. komikera. gandang walang maliw. chovarloo addict. chism person. world peace enthusiast. 1 3/4's na OA. stressed-out poreber. spontaneously sweet. walking disaster. mishaps princess. with golden heart. poreber inlabs. sorta-kinda-medyo feeling goddess. girl-next-window. reyna ng tralala.
MARU
on August 17th, 2007
tita, pers taym mo ba magpapapintura? hmmnn…ano kaya magiging tsura mo? post ka ng kodak ha? nga pala, maganda ang brand na Dutch Boy o kaya Boysen, yung para sa flatwall para makintab. Goodluck!
replytsina