ouch! painful nga…

Dahil binigyan ako ni Isagani X ng kunsumisyon, wala na akong magagawa kundi ang sumunod. Kakarerin ko na din at kailangan ko talagang mamili at sa mga sumusunod na dilemna:

Which of the following do you consider as the most painful event?

1. Not seeing your love one on the day of your wedding, that is being stood up
2. Not seeing your love one before he/she dies
3. Not seeing your love one before you die
4. Suppose that life after death is true, not seeing your love one attend your funeral.

Kung tutuusin nakakaloka siya lahat, at malamang alin man sa apat na nasa itaas ay ikawindang ko ng todo-todo. Pero ang pinaka di ko kakayanin if ever ay:

Not seeing your love one before he/she dies.

Wala ng sasakit pa sa idea na hindi mo man lang maipahatid sa taong mahal mo ang lahat ng nasa dibdib mo. Sabihing mahal mo sila sa una man o sa huling pagkakataon, yung assurance na ipapabaon mo na nasa puso mo sila no matter what. O di kaya naman, ayusin ang mga gusot. Who says na ok ang relasyon natin sa lahat ng mahal natin sa buhay? Ang pangit din naman na kung kailan mamamatay na saka natin yun maiisip, pero yun yung nangyayari at reyalidad na hindi na natin matakasan aminin man natin o hindi.

Mas painful kasi, matagal-tagal mo ding dadalahin sa dibdib mo, siguro habang nabubuhay ka. Di kagaya ng hindi ka sinipot ng kung sinong herodes sa simbahan, kaya mo pang mag-move on. At kung kaluluwa ka nalang at di mo makita ang mahal mo sa buhay sa burol mo, keri pa din kasi malay mo naman kung may anong dahilan lang kung bakit di sila makapunta.

Nahagip ako ng motor kahapon habang patawid, kung sinamang palad malamang nakaburol na’ko ngayon, pero keri ko yung number 4, wala ka na namang choice dun e.

E ano nga ba ang point ko? Magmahal, ipadama at wag mag-aksaya ng panahon to express how you feel with your loved one kahit pa ang pagpapakita mo ng pagmamahal ay ang pagpapaligo ng mura. Sweet pa din yun. Di naman kukwentahin kung gaano kadami ang dumalaw sa’yo nung burol mo. It’s how you build relationship.

Ay ang gulo ko. Isagani X naway nalinawan ka sa malabo kong attempt hinggil sa topic na ito. Wag ka sanang madala i-tag ako. :D

 

 

Bookmark and Share
diva. 80% babae - 20% bakla. echosera. mahadera. blue curlers. komikera. gandang walang maliw. chovarloo addict. chism person. world peace enthusiast. 1 3/4's na OA. stressed-out poreber. spontaneously sweet. walking disaster. mishaps princess. with golden heart. poreber inlabs. sorta-kinda-medyo feeling goddess. girl-next-window. reyna ng tralala. etc. etc. etc.



SOME KINDA-MEDYO KAPAREHONG POSTS-SLASH-ENTRIES

5 Comments

isagani x, m.a.No Gravatar Unknow Unknow  on August 16th, 2007



Buti na lang napabisita ako dito kahit hindi mo ni link ba yung article.

Pakilink naman yung mismong article para magkaroon ng compilation under the comment thanks.

Ilalagay ko ang part ng post mo sa next post ko ha. :P
http://isaganix.wordpress.com/2007/08/15/wedding-death-or-funeral/


jojie reglos:

ay engks. sige po i-link ko yung article. :D

replytsina

ate siennaNo Gravatar Unknow Unknow  on August 17th, 2007



ako ang choice ko…

not seeing your loved one… period!


jojie says:

oo nga no! :D ginagawa pa kasing complicated.

replytsina

rHoNo Gravatar Unknow Unknow  on August 17th, 2007



pareho kami ni ate sienna… yun na yun!! hindi ko carry ang mag-isa sa mundong ibabaw! nakakaloka…


jojie says:

ano nga yun no island in a man? LOL! o sige yun na yun! :D

replytsina

Raymond Lee QuijanoNo Gravatar Unknow Unknow  on August 17th, 2007



susme..


jojie:

:D

replytsina

Wedding, Death and Funeral: Their Replies « Isagani X: My Head, My Heart, My Hands Unknow Unknow  on August 21st, 2007



[...] ko alam kung nag-usap sila ni JeanGrey, pero halos hawig sila ni Jojitah (next time sasabihan ko na wag mag kopyahan, joke). Pero heto ang sabi niya: Wala ng sasakit pa sa [...]

Leave a Comment