Juntis… Juntis…

Nagpasama ang opismeyt ko [iba ito dun sa pinayuhan kong makipagsex] nung isang araw para magpa-pre-natal, iko-confirm kung tama ba yung nakita niyang dalawang guhit dun sa pregnanacy test kit nung isang araw din bago siya nag-aya sa ob-gynecologist.

Positive na positive. Ang opismeyt ko nawindang, siguro hindi pa handa. Mahirap nga naman ang buhay ngayon. Hindi ko naman siya masisisi kasi alam ko namang kakarampot lang ang sinusweldo nilang mag-jowa. Dig na dig ko kung saan nanggagaling yung anxieties, kaya super cheer ako na parang cheer leader captain:

“Anukaba… Blessing yan. Ayaw mo nun may trophy ka na.”

Mukha namang nahimasmasan na kasi kinabukasan para na namang may pinupunit na yero sa opisina sa kakatawa niya.

Ako naman on the other hand ay biglang nainggit. As in. Parang guso ko ng pauwiin si manong at magpajuntis. Pakiramdam ko handa na ang puso, isip at matris ko para maging ina.

Pero matagal-tagal pa yun. Nakikipagbuno pa si manong ko sa mga pasyenteng arabo. Isa pa, baka pagdating din ng araw na ako na ang juntis e atakihin din ako ng kung ano-anong anxieties e hindi kayanin ng mga taong nakapaligid sa’kin. Para kasi akong nagwawalang tigre pag may anxiety attack, echos!

Buti na lang si manong alam kung paano sakyan ang kagagahan ko:

manang ni manong: gusto ko pag ako ang nabuntis kasama ka sa lahat ha?

manong: siyempre naman! kailangan ako muna ang makaalam kesa sayo. hehehe.. gusto ko baby girl.

manang ni manong: edi gumawa tayo ng baby girl, para doble tuwa mo pag nagkataon.

manong: matutuwa din naman ako pag baby boy a. gagawin ko siyang baby girl! LOL!

Answeet diba? Gagawing juding ang magiging anak namin. Isasantabi ko na muna ang pagpapajuntis.

Written at August 15th, 2007 in buhay ko |
SOME KINDA-MEDYO KAPAREHONG POSTS-SLASH-ENTRIES

Add to Technorati Favorites

Magsubscribe na ever via email!

Delivered by FeedBurner
Ang mag-subscribe may mababait at super cute. Echos!

8 Responses to “Juntis… Juntis…”

  • menggaYNo Gravatar Says:

    hahaha!!!!naimagine ko kapag juntis ka na din..!!!syempre dapat andoon din ako pag dating ng Haraw na yun haha..
    Nakakatuwa kaYO ni Manong mag usaP..parang gusto ko na Tuloy mag “BF” uyet hhahaha..kasi naman may mga gabi at oras na nakakalungkot at para kong naghahanap na wala naman hinahanap..nangungulila na di naman ulila….nababanasan kahit di naman mabanas…hahaha…

    anyway highwaY along the way(Labo haha)Good luck sa inyo ni Manong!!! NawaY kayo makarami pagdating ng PanaHon…


    jojie says:

    nababanasan ka kahit di mabanas.. LOL! humanap na kasi ng lalaki.

    [replytsina]

  • druNo Gravatar Says:

    Magkasal muna kayo bago mag-go-for-the-gold ha? Konting tiis lang. :P Natawa din ako sa sinabi ng manong niyo ha. Creative din siya. hahaha!

    Masaya talagang magka-… teka.. BF pala ang pinapag-usapan dito. GF lang akin ha? Maging selfish muna ako. Masaya talagang magka-GF. Ha~y.. Kailaaaa~n..


    jojie says:

    :D ano fa nga ba? tiis ever… oist! hanapan kita GF gusto mo? LOL!

    [replytsina]

  • bebenibadoodlesNo Gravatar Says:

    Mukhang exciting nga ang magbuntis kaya lang ako medyo in denial pa kasi mega takot ako sa magiging future ko pag may kutitots na kami ni Badoodles. Pero sabi nga nila, magiging handa ka lang talaga pag anjan na. Hayyy, hirap mabuhay!


    jojie says:

    makulit ang maternal instinct pag lagi ka na niya kinakatok. uy! salamat sa pagdaan. :D

    [replytsina]

  • rHoNo Gravatar Says:

    mag-enjoy muna kayo ni manong mo bago mag-jontis! tingnan mo ako… ilang years ng kasal pero ala pa rin baby!! hehehe! masaya!!


    jojie says:

    pero siyempre may times na kinakatok ka ng maternal instinct mo diba. o aminin! :D

    [replytsina]

  • rHoNo Gravatar Says:

    actually, sira na ang pinto kinakakatok!! hahahaha! wala eh, magkalayo ang daigdig namin sa ngayon…


    jojie says:

    yun ata ang da best na contraceptive. mag long distance jowa tayo. LOL! :D

    [replytsina]

  • jenn..No Gravatar Says:

    hi po! ako gusto ko na mgjuntis to my husband,pero di makabuo eh!
    advise naman jan!kailangan ba talaga wag bbangon agad.para makabuo?
    en panu ba mallaman kung pertile ang girl?reply naman jan

    [replytsina]

  • jenn..No Gravatar Says:

    sensia na di ko pa kc alam yan eh!
    1st timer po kc.

    [replytsina]

  • payong kaibigan « SPONTANEITY Says:

    [...] post info By jojie Categories: itanong mo kay jojie, my five-pesos worth and etcetera Hindi ako mabuting source of advice at madalang na madalang ako magbigay ng advice, pag hinihingi lang ng pagkakataon. Kaya medyo nawindang ako sa isang reader na napukaw ko ang interes nung nabasa ang entry kong may kinalaman sa pagbubntis [juntis… juntis…]. [...]

Leave a Reply